Pagbalik ko sa table namin ni Jai ay wala pa rin siya doon kaya hindi ko tuloy alam kung paano kong sasabihin kay Jared na mauna na siyang lumabas dahil kailangan ko pang hintayin si Jai para magpaalam sa kanya. Hindi ko pa naman kinuha ang contact number niya dahil dalawang linggo lang naman akong mananatili sa Golden Spoon! Isa pa ay hindi niya pwedeng makita si Jared na kasama ko dahil baka kung ano pa ang isipin niya sa aming dalawa! “Ahm… wala pa kasi si Jai dito. Hihintayin ko lang siya saglit pagkatapos ay susunod na ako sa’yo sa labas…” paliwanag ko kay Jared. Pero mukhang wala pa yata siyang balak na mauna sa paglabas at maghintay sa akin dahil nanatili lang siyang nakatingin kaya hindi tuloy ako makatayo ng maayos dahil naiilang ako sa tingin niya! “Don’t you have her contact n

