So, he really has a girlfriend huh? And I find his endearment to his girlfriend sweet! Agad na napabangon ako sa kama dahil kanina pa ako naihatid ni Jared Mijares dito sa hotel pero hindi pa rin mawala wala sa isip ko ang mga pinag-usapan namin sa sasakyan. Muling napapikit ako at napasapo sa mukha. “I really didn’t mean to look at his phone! Ano bang magagawa ko kung bigla akong napatingin noong tumunog ang phone niya?” bulalas ko at saka napatayo. “I really didn’t mean to pry! Nagkataon lang na masyadong malapit sa akin ang phone niya kaya ako napatingin!” muling bulalas ko pa. Hindi talaga ako maka-get over sa kahihiyan. Baka iniisip niya na masyado akong curious sa kanya lalo na at nagtanong pa ako tungkol sa girlfriend niya. Gusto ko lang naman na makasigurado kung hindi kilala n

