“Model ng isang fitness clothing brand?” Masyadong naka-focus ang atensyon ko kay Archer habang nag-uusap kami tungkol sa part-time job na gusto niyang i-offer sa akin. Sunod-sunod na tumango siya at tinigilan ang pagkain para makapag-usap kami ng maayos at marinig ang mga sasabihin niya. “Oo, Lady. Mataas ang qualifications nila pagdating sa mga models na kinukuha dahil kilala ang magazine na ‘yon,” sagot ni Archer. Kumunot ang noo ko pero nakukuha ko naman ang mga detalye ng sinasabi niyang trabaho. Ang sabi ni Archer ay hindi raw madalas ang photoshoot kung sakaling makukuha akong model. At iba-iba rin daw ang lugar ng photoshoot depende sa demand ng brand na kailangan i-model. Kaya pasok na pasok talaga iyon sa schedule ko dahil wala naman akong pasok tuwing weekends at sobrang dala

