“Mijares Trine? Sa company nila Jared Mijares?” kunot ang noong tanong ko kay Archer nang marinig ang sinabi niya. Hindi siya sumagot at nanatili lang ang tingin sa akin kaya agad na napasinghap ako at nag-iinit ang mga pisngi nang maisip ang posibleng dahilan kung bakit siya natulala sa mukha ko! “I mean… S-Sir Jared Mijares…” pagtatama ko. Halos pagpawisan ako sa ginawa kong pagbawi sa naging pagtawag ko sa kanya! Gosh! Magkasama lang kasi kami kagabi na nagcommute kaya muntik pa akong makalimot na isa nga pala siya sa mga VIP customers sa Golden Spoon kaya dapat ay irespeto ko siya at i-address ng tama! Tumango si Archer at saka muling napatingin sa pinanggalingan ng sasakyan ni Bossing. “Pero baka nagkamali lang ako. Tsaka hindi lang naman ang mga Mijares ang pwedeng magkaroon ng ga

