Mijares Trine

1377 Words

Kinaumagahan ay excited ako sa pagpunta sa Lopez Engineering Firm Foundation para mag-apply ng scholarship. Malinaw ang landmark na tinext sa akin ni Archer kung saan matatagpuan ang foundation. Ang usapan naming dalawa ni Archer ay magkikita na lang kami sa foundation bago mag 10:00 AM. Kaya maaga rin akong naghanda at inayos ang mga sinabi niya sa akin na requirements para makapag apply ng scholarship. Nang makapaghanda na ako ay sinearch ko kung gaano kalayo ang foundation sa hotel na tinutuluyan ko. Nang nakita ko na isang sakay sa bus at isang sakay sa jeep ang kailangan kong gawin bago makarating doon ay nagpasya na lang ako na sumakay ng taxi para diretso na ang biyahe at hindi ko na maabala pa si Archer sa kakatanong ko. Paglabas ko sa hotel ay bumungad sa akin ang tauhan ni Bos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD