Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko habang pinapanood si Jared na naglalakad palapit sa akin. Si Mommy ay kumalas ng yakap sa akin nang makita ako na naka-focus na ang tingin kay Jared. I am glad that she is not asking anything. Nakatingin lang din siya sa gawi ni Jared na seryosong-seryoso ang mukha habang naglalakad palapit sa akin. He was even holding a bouquet of beautiful flowers in his hand. Pero wala sa maganda at mukhang mamahalik na bulaklak na hawak niya ang atensyon ko kung hindi sa mukha niya mismo. Noong sinabi niya na pupunta siya sa akin kaya maghintay ako ay kahit na anong gawin kong pagtanggi sa isip ko na hindi ko siya hihintayin ay naghintay pa rin ako. Nakakainis na masyado na akong attached sa kanya kaya kahit na masakit na ang ginawa niya sa akin ay may parte pa

