Sa taxi pa lang pauwi sa apartment ay hindi na matapos tapos ang pag-iyak ko. Ayaw ko sanang umiyak hangga’t hindi pa nakakarating sa bahay pero hindi ko na talaga kayang pigilan. Kanina pa mabigat na mabigat ang dibdib ko at wala akong pagkakataon na hayaan ang sarili ko na umiyak. Kaya nang dumating si Jared at tuluyan kong tinapos ang kung anong meron sa amin ay hindi ko na kinaya pang pigilan ang emosyon ko. I know that this is for the better but I can’t help it! Kahit na alam ko na kailangan ko nang lumayo sa kanya dahil ayaw na ayaw kong muling ma-involve sa mga kamag-anak ko ay nasasaktan pa rin ako. Sobrang nasasaktan ako na hindi ko siya pwedeng bawiin kahit na alam kong kaya ko namang gawin. Mas lalo pa akong napaiyak nang magpabalik balik sa isip ko ang boses niya nang humingi

