Time

1537 Words

Nasa kalagitnaan ako ng pag-impake sa mga gamit ko pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Mommy kanina. Ngayon ko lang napagtanto na hindi man lang siya nag-react kagabi dahil sa pag-iyak ko ng matagal. Ngayon naman ay pakiramdam ko ay kilala niya si Jared. Hindi tuloy ako matahimik kaya mabilis kong tinapos ang pag-impake para muling makausap si Mommy tungkol doon. “Mommy–” Pero paglabas ko ng kwarto ay wala naman siya sa loob ng apartment. Halos maikot ko na ang loob at labas ng apartment ay wala siya kaya bumuntonghininga ako at babalik na sana sa kwarto nang mapatingin sa bag ni Mommy na nakapatong sa sofa. Napabuntonghininga ako at agad na nakahinga ng maluwag. Ang akala ko ay tuluyan na siyang umalis na hindi na naman nagpapaalam sa akin. Mabuti na lang at mukhang hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD