Rule

2033 Words

Sa airport na kami magkikita ng mga kasama kong scholar na babalik sa Italy kaya hindi ako gaanong nagmamadali sa paghahanda paalis dahil hindi naman kalayuan ang airport sa apartment ko. Wala pang kalahating oras ay siguradong makakarating na ako doon pero si Mommy ay nag-book na kaagad ng taxi dalawang oras bago ang flight ko kaya napapasimangot ako habang nakatingin sa kanya. “Mommy, maghihintay lang naman ako ng matagal doon kung aalis na agad ako ngayon,” reklamo ko nang makitang hinahanda na niya ang maleta ko at siya pa mismo ang humila palabas sa apartment. “Edi sa airport ka na maghintay. Mas komportable ka pang makakapaghintay doon,” pangungulit niya pa kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumango na lang. Pagbukas ko sa gate ay may sasakyan na tumigil sa tapat ng apartment.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD