Special

2056 Words

Sa pagtatapos ng unang linggo ko sa Golden Spoon ay mas naging busy kami sa VIP area. Dalawang magkasunod ang birthday party na doon ginanap at ang isa ay ngayong gabi kaya siguradong mag-oovertime na naman kami hanggang alas onse ng gabi. Kaya kahit na nahihiya ako sa tauhan ni Bossing ay maaga akong nagsabi sa kanya na mag-oovertime ako ngayong gabi. Alas kwatro pa lang ng hapon ay nasa Golden Spoon na kaming lahat para sa paghahanda sa gagawing birthday party doon. Nasa locker room kami nang mapansin ko ang madalas na pag ngiti ni Jai kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na usisain siya. “Mukhang masaya ka ngayon, Jai. May nangyari bang maganda sa’yo bago ka pumasok dito?” nakangiting usisa ko. Umiling siya at saka muling ngumisi at humarap sa akin. Para bang kilig na kilig siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD