Teasing

2134 Words

Nagpatuloy ang birthday party ni Hector Mijares pero mas matagal silang kumain at nagkwentuhan bago nagpasya na lumipat sa bar at mag-inuman doon. Nang makita kong iilan na lang sina Jared na nasa table ay naglakad na rin ako palapit doon para tulungan ang mga kasama ko sa pagliligpit sa table. Kitang-kita ko ang pagbaling ng tingin ni Jared sa akin pero patay malisya na naglakad ako at saka tinabihan si Amir na isa sa mga nagliligpit sa table nila. Akmang kukuhanin ko na ang mga baso at ilalagay sa tray nang pigilan ni Amir ang kamay ko. “Ako na dito, my Lady. Magpahinga ka na lang doon. Patapos na rin naman ang shift natin,” mabilis na pigil ni Amir sa gagawin ko sanang pagtulong sa kanya. Ngiting-ngiti pa siya sa akin at mukhang nakalimot na naman sa ginawang pagbabala ni Jai sa kany

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD