NAPATIGIL ako sa ginagawa kong trabaho sa aking laptop nang sunod-sunod na marinig ko ang katok mula sa pinto ng aking apartment. Gabi na kaya naman wala akong inaasahang bisita ngayon. Kanina pagkatapos kong umalis sa restaurant ay pumunta ako doon sa unit ni Attorney upang kunin lamang ang mga gamit ko at dito na ako agad dumiretso. “Sandali lang!” sabi ko nang marinig na naman ulit ang katok. Bumuntong-hininga ako at agad na pinuntahan ang pintuan at agad na binuksan ‘yon. Agad na nagtama ang parehong paningin naming dalawa, nakasuot pa siya ng pang-opisina, at ngayon ay nakakunot-noo habang nakatingin sa ‘kin. Bumilis ang t***k ng puso ko sa kaba, medyo guilty ako na hindi ko pinansin ang mga tawag at texts niya mula pa kanina, ngunit hindi ko rin naman alam kung bakit ko ‘yon ginag

