NAKAHINGA ako nang maluwag sa aking narinig, bagaman ramdam ko ang kahungkagan sa aking damdamin na hindi ko maipaliwanag kahit ilang ulit ko mang pakiramdaman ang aking sarili. "Thank you," sabi ko at pilit na ngumiti, tinuyo ko ang aking luha, tuluyan kong napakalma ang sarili ko. "Pwede bang magkaroon tayo ng agreement, Attorney?" Bumuntong-hininga siya nang matunog muli at umupo sa aking tabi, umusog naman ako ng bahagya upang magkaroon kami ng distansya at maharap ko siya. "What agreement?" Napalunok ako nang ilang ulit. "Pwede ba... k-kung sakali na may nararamdaman ka na para sa 'kin, sabihin mo sa 'kin agad?" Mahina siyang natawa, napakagat ako ng aking labi nang maramdaman ang kahihiyan, lalo na nang mapagtanto ko ang hangin ko sa mga sinabi ko. "H-Hindi ko naman sinasabi na

