NATIGILAN ako nang marinig ko 'yon mula sa kaniya. Mahina man ang bulong n'yang 'yon ngunit imposibleng mali ang narinig ko. M-Mahal niya ako? Teka! Bumilis ang t***k ng puso ko, napalunok-lunok ako, halos malagutan ako ng hininga, hindi ako agad nakagalaw, parang literal na tumigil ang mundo ko. "A-Anong sabi mo?" kabadong tanong ko sa kaniya. Gusto kong linawin niya, gusto kong sabihin niya kung anong ibig sabihin niya sa kaniyang sinabi. P-Pwede namang... m-mahal niya ako ngunit hindi bilang babae na espesyal sa kaniya hindi ba? Pwede naman na... Nalilito ako! Hindi ko alam kung anong dapat kong naramdaman, hindi ko alam kung anong gagawin ko, basta ang alam ko lang, gusto kong maintindihan ang ibig niyang sabihin at siguro ay mas makahihinga ako nang maluwag kung sasabihin niyang n

