"HON, please don't start it now," mahinang awat ng ina ni Attorney. "Wala na tayong karapatan na manghimasok sa choices ng mga anak natin, sila ang gagawa ng pamilya at hindi tayo." Huminga ako nang malalim, pakiramdam ko'y may kung anong isinampal sa mukha ko na hindi ko alam kung ano at bakit ko 'yon naramdaman. Inaamin kong nainsulto ako sa kaniyang mga salita, ngunit bakit? "Sinabi ko lang sa kaibigan ni Shad kung anong kalokohan ang ginawa ng batang 'yan para madismaya tayo, Blytherine." "Wag mong ipahiya ang anak mo," mahinang sabi ng ina ni Attorney ngunit naririnig pa rin namin. Tahimik lamang kaming apat, naiilang. Ngunit pansin ko ang tensiyon kay Attorney. "Hindi ko siya pinapahiya," depensa naman ng ama ni Attorney. Ito ba 'yong sinasabi ni Attorney na palagi siyang pinapaa

