"HINDI naman pala gano'n kasama ang family mo," sabi ko kay Attorney. Gabi na, kaninang hapon bago kumagat ang dilim ay umuwi na rin ang Ate at Mommy ni Attorney. Masaya nga ang mga naging usapan namin eh, ngayon tuloy ay parang hindi na ako naniniwala na may issues pala ang pamilya ni Attorney. Tita Blytherine and Ate Cian are both nice, siguro no'ng simula ay hindi maganda ang tono nila, ngunit nang magtagal ay naging mabuti naman ang naging usapan namin. "Napakabait nga nila eh, napakasarap kausap ng Mommy at Ate mo." "I'm actually surprised too," sabi niya at mahinang natawa habang inilalagay niya ang steak sa pan. "Good thing you have a thing in common, kaya siguro nagkasundo kayo." "Siguro nga," sabi ko sa kaniya. "Pero binisita ka nila dito, 'di ba? Siguro miss ka na nila? Ilang b

