UNTI-UNTING gumaan ang mga araw. Wala akong ibang hiling kundi ang maging masaya, ‘yon naman palagi ang gusto ng marami, hindi ba? Unti-unti rin humupa ang issue na tungkol sa video na hindi ko na pinatulan pa. Kinausap ko na rin ang mga kasamahan ko sa trabaho, nakatutuwang kahit hindi naman kami gano’n ka-close ay naramdaman ko pa rin na concerned talaga sila sa ‘kin. They’re offering their shoulders for me to cry on, telling me that I can always tell them my stories to feel better. My boss even sent me comforting words telling me that I can make it and this heartbreak is really part of my life. Naiintindihan rin nila kung bakit kailangan ko munang umalis sa pub, at welcome naman daw ako palagi kung sakaling kaya ko nang bumalik. Some of them asked me who Attorney is in my life, and I

