NATAPOS na lamang kami sa pagkain, hindi na kami halos nagkibuan. Siguro nga gano'n ka-awkward sa kaniyang pag-usapan ang pamilya niya kaya naging awkward rin ang sitwasyon namin. Medyo na-guilty ako na binuksan ko ang usapan tungkol doon. Gusto ko lang naman makilala pa siya nang lubos, I mean, wala naman sigurong masama doon di ba? Wala akong masamang intensiyon, ang gusto ko lang ay maging komportable kami sa isa't-isa lalo. Hindi naman din ako nagtatago ng mga problema sa kaniya. Hindi ako malihim na tao, mahilig akong magkwento tungkol sa buhay ko. I'm an open book, but don't get me wrong 'coz I can keep secrets too. Kung tingin ko ang pag-o-open up ay makatutulong para pagkatiwalaan ako ng isang tao, ginagawa ko 'yon. Dapat ba akong mahiya sa uri ng family na meron ako? Iyong brok

