LIFE must go on even after a lot of storms... madali lang sabihin na bumangon, madali lang sabihin na mag-move on matapos ang masakit na pangyayari, pero may nasaktan ba nang husto na isang gabi, isang linggo o isang buwan lang ang iginugol upang maka-move on at hindi masaktan? Palagi kong sinasabi sa sarili ko na kaya ko, na okay lang ako, na kailangan bumangon ako... pero mabigat pala kapag mag-isa. Two weeks alone made me realize a lot of things... but it's killing me too. I don't know if I'm missing the man who caused me heartbreak, or I'm missing the man who made me happy for the last days. Gumulong ako sa kabilang side ng kama. Sabado na naman pala ulit, sobrang bilis lang talaga dumaan ang araw kapag wala masyadong pinagkakaabalahan kundi ang matulog, kumain, at matulog ulit. Pa

