NAPAHIWALAY ako matapos ang mabilis na halik na 'yon at gulat siyang tiningnan, halos nakahiga na siya sa kama at nasa ibabaw naman niya ako, ang kaniyang siko lamang ang gamit niyang suporta upang di tuluyang mahiga sa kama. "What's wrong?" tanong niya, napansin niya yata ang pagtataka ko. "Anong what's wrong?" nakakunot-noo kong tanong sa kaniya. "Attorney, ito mismo mali, mali na naghahalikan tayo, mali na... basta! Mali 'to, Attorney! Wala tayong relasyon!" "Ayaw mo ba?" tanong niya, nakita ko pang gumalaw ang buto sa kaniyang lalamunan habang seryuso siyang nakatingin sa 'kin. Binasa niya ang kaniyang labi gamit ang kaniyang dila, narinig ko pang matunog siyang napabuntong-hininga ngunit hindi niya inaalis ang kaniyang matiim na tingin sa 'kin. "I know that this is not right, Sha

