“WHY?” kunot-noong tanong ko sa kaniya. He can be humble naman, pero parang hindi naman pagyayabang ang ibig niyang sabihin sa salitang proud na ginamit niya. Nag-iwas lamang siya ng tingin at tipid lang na ngumiti. Mukhang hindi pa siya handang pag-usapan ‘yon. Nirespeto ko naman ‘yon, siguro masyado ‘yong personal lalo na’t mukhang malaki ang involvement ng kaniyang pamilya doon. Pakiramdam ko, ‘yon ang dahilan kung bakit parang hindi siya close sa pamilya niya. Hindi ko kailanman siya narinig na binanggit niya ang pamilya niya maliban noong nakita ko ang picture nila sa kanilang bahay. At hindi ko rin kailanman nalaman mula sa kaniya na kinausap niya ang family niya, binisita siya o kaya siya ang bumisita. Ano man ‘yon, sana ay maayos pa nila. “Kung hindi ka ready pag-usapan, okay lan

