CHAPTER 7

1024 Words
Habang umiinom si Dianne ng Margarita wine ay pabalik-balik sa alaala niya ang mga sinabi ni Gerlie. Hindi niya ini-expect na gawin iyon ng girlfriend ni DJ sa kanya, first time niyang maranasan na sumbatan ng ibang babae dahil nakikipag-agawan daw siya ng boyfriend dito. Hindi niya napansin na naparami na pala siya nang inom. Napansin iyon ng mga kaibigan niya. ‘’ Dianne, kaya mo pa ba?’’ Nag-aalalang tanong ni Dansel. ‘’Don’t worry, hindi naman yan maano si Dianne dahil napaka-light wine lang ng Margarita. Parang uminom ka lang ng lemon juice,’’ ani Gerlie na siyang umorder ng Margarita. ‘’Hindi lang kasi sanay si Dianne uminom ng ganito,’’ani Dansel na tinatago ang inis kay Gerlie. ‘’ Hindi pala sanay eh bakit sumama pa rito?’’ Sabat nitong may sarkastikong boses. Napatingin dito si Amy na nakaramdam na rin ng lihim na pagkapikon kay Gerlie, ngunit tinitimpi lamang ang sarili. Gerlie, tama na…’’ mahinahong saway ni Kier dito. Tumigil nga si Gerlie. Subalit unti-unting nakaramdam ng pagkahilo si Dianne. ‘’Mauuna na seguro akong umuwi,’’maya-maya ay sabi niya. Parang di niya kasi kayang ibalik-balik sa isipan ang sinabi ni Gerlie sa kanya. Parang naalala niya naman ang mga panlalait ng mga tiyahin niya sa kanila nang maliit pa sya, naalala niya ang lungkot at sakit na nararamdaman niya noon. Ayaw niyang magwala doon at ilabas ang nararamdaman niya.Ayaw niyang maging msagmukhang tanga lalo na sa harap nina Gerlie at DJ. ‘’Ano? Uuwi ka na? Hindi ka pwedeng umuwi na mag-isa, baka kung mapaano ka lalo na’t nakainom ka,’’nag-aalalang sabi ni Athena. Medyo nakaramdam na siya ng pagkahilo pero hindi niya yon pinakita, ayaw niya kasing makaabala sa mga kaibigan at mga kasama. Tangka na siya sanang tumayo nang bigla siyang matumba at nawalan ng malay. It’s the second time na nangyari iyon kay Dianne na sa tuwing maparami siya ng inom ay nawawalan siya ng malay. Sabi ng mga kaibigan niya baka hindi lang talaga sanay si Daianne at hindi kaya ng katawan ang liquor drinks. Nag-alala nga ang mga kaibigan niya at mga kasamahan. Buti nalang hindi siya natumba sa sahig, nasalo kasi siya nang matumba siya ni DJ. Binuhat siya ni DJ papunta sa kotse ni Amy, syempre kasama si Amy.. Napag-desisyunan ng mga kaibigan niya na hindi ihatid si Dianne pauwi wala kasing kasama si Dianne sa bahay kaya doon na lamang siya hinatid sa bahay ni Amy. Ang bahay kasi ni Amy ang mas malapit doon sa bar na pinuntahan nila. ------ DJ’s POV Habang hawak ang baso na may laman ng alak, malalim ang iniisip niya. Iniisip ang sinabi ni Amy. Hanggang ngayon di niya parin makalimutan ang sinabi ni Amy na may gusto si Dianne sa kanya. Dianne is very different to other woman na kilala niya, palaban ito at matapang. Naalala niya ang sinabi ni Dansel, kung anong klaseng kaibigan si Dianne.Even his employees na matataas ang mga position. Lahat sila ay mostly positive ang komento about kay Dianne, naalala niya ipinagtanggol pa ito ng Vice President ng company niya nang malate ito one time. Usually, ang mga babaeng kilala niya if nagustuhan ang lalaki sila pa mismo ang nagpapakita ng motibo. Pero si Dianne, hindi nga niya alam na gusto siya nito dahil palagi itong masungit sa kanya. Actually, hindi naman nakapagtataka kung masungit ito when it comes to him, maybe dahil din sa pang-aasar niya. Naalala pa niya noong una silang magkita with her friends, nasabihan niya ito ng di maganda. Alam niyang siya ang babae na hindi basta-basta, sa totoo lang… Na challenge siya! He remember Gerlie, ang deal na napag-usapan nila. Ang deal nila tungkol kay Dianne at napagkasunduan nila ni Gerlie na kung magtagumpay siya sa deal na yon ay tatanggapin ni Gerlie ang marriage proposal niya para rito. Huminga siya ng malalim at ininom ang alak sa hawak na baso. "Hi!" Bati ni DJ sa kanya nang gabing iyon. Out na niya sa trabaho. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong nito. "Okay na ako" sagot niya na tumayo nang makita si DJ. Kanina pa siya doon sa lobby. Hinihintay na tumila ang ulan at naghihintay ng taxi. "Ihahatid na kita pauwi" anyaya nito. "Salamat pero maghihintay na lang ako na tumigil ang ulan at ng taxi." Sagot niya. "Mukhang malakas ang ulan at mahirap kumuha ng taxi ngayon lalo pa't umuulan" Pagpumilit nito. Gusto niya sanang tumanggi pero mapilit ito, kaya pumayag siya. Isa pa malapit na siyang mag-tatlong oras doon. Bago sila umuwi dumaan muna sila sa restaurant. Sinabi ni DJ, nagugutom na ito dahil hindi ito nakapaglunch. Kaya pumayag din siya at napaisip na baka mapaano ito habang bumibyahe sila. "Sorry nga pala sa lahat" sabi nito nang kumakain na sila. "It's okay kalimutan mo na yon, gusto ko nga palang magpasalamat sabi sa akin ni Dansel ikaw raw ang nagbuhat sa akin nang mawalan ako ng malay." Pahayag niya. "Walang anuman yon, tayo ang magkasama nun kaya tayo rin ang magtulungan" sagot nito at ngumiti sa kanya. Habang nakangiti ang binata sa kanya, ngayon niya lang napansin ang dalawang maliliit na dimples nito sa magkabilang gilid ng labi. Palihim niya itong tinitigan habang kumakain ito. Ang makakapal nitong mga kilay, magagandang mga mata, matangos na ilong at magandang labi. In short, ngayon niya lang napansin ang kapogian ni DJ. Sa totoo lang, kung pagtuunan ito ng pansin at titigan ng mabuti ay mas guwapo pa ito kumpara kay Kier. Ang lalaking inakala niya na ito na ang itinadhana sa kanya. Tumikhim ito kaya bigla rin siyang humigop ng sabaw. Baka kasi mahalata nito na lihim niya itong pinagmamasdan. "Alam kong naiinis ka sa akin dahil din sa mga pang-aasar ko sayo" maya-maya'y sabi nito. Hindi siya sumagot. "Dianne...ang totoo…I like you," patuloy pa nito at tiningnan siya sa kanyang mga mata. Bigla siyang napatigil sa sinabi ni DJ. Lalo na nang muli niyang maramdaman ang nangyari nang unang sumayaw sila. Hala! Bigla na namang tumigil ang mundo, huminto ang lahat at nakakabingi ang paligid, ang tanging maririnig niya lang ay ang lagabog ng kanyang puso…ang bilis ng pagpintig na tila kabayong tumatakbo ng mabilis. -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD