bc

The Ugly Me & My Romance

book_age16+
89
FOLLOW
1K
READ
city
addiction
like
intro-logo
Blurb

Si Dianne ay isang ordinaryong babae na nagmula sa mahirap na pamilya. Madalas siyang husgahan ng mga taong hindi naman siya lubos na kilala dahil sa kanyang hitsura—palaging tinatawag na pangit, maitim, at baduy manamit.

Nakilala niya ang isang lalaki na sa tuwing magtatagpo ang kanilang landas ay labis siyang nai-stress. Nasabi pa niya sa sarili na kahit ito na lamang ang natitirang lalaki sa mundo, hinding-hindi siya magkakagusto rito. Ngunit hindi niya inaasahan na magiging bahagi pala ito ng kanyang buhay at unti-unting bibihagin ang kanyang puso.

Kalaunan, nalaman niyang taglay ng lalaki ang lahat ng pinapangarap niya—ang kanyang dream man. Bukod sa gwapo at mayaman, mahusay itong sumayaw, kumanta, at tumugtog ng gitara.

Si Gemma naman ay isang mabait na kaibigan, ngunit sa likod ng kanyang kabaitan ay lingid sa kaalaman ng lahat ang unti-unti niyang pagsira sa buhay ng mga taong malapit kay Dianne. Ano kaya ang kahihinatnan ng istoryang ito?

Ang kwentong ito ay hango sa kwento ng pag-ibig ng bidang babae na, sa kabila ng kanyang hitsura, kulay ng balat, at panlabas na anyo, ay patuloy na umaasa at naniniwala na may lalaking itinadhana para sa kanya—isang lalaking makikilala at makakapiling niya habang buhay. Ito ang palagi niyang pinapangarap, hinihiling, at idinadalangin.

Nakilala at nakapiling nga niya ang lalaking ito—higit pa sa kanyang mga pangarap, hiling, at panalangin. Subalit sa pagdating nito sa kanyang buhay, masusubok ang kanyang katatagan—isang tatag na nahubog mula sa kanyang mga pinagdaanan, lalo na sa hirap ng buhay na kanyang naranasan.

-

Ang kwentong ito ay binubuo rin ng mga aral sa buhay—mga gintong aral na hindi maaagaw o mananakaw ng kahit sinuman, at maaaring magsilbing matibay na sandata sa iyong paglalakbay patungo sa rurok ng tagumpay.

May kasabihan:

“Lahat ng bagay na gusto mong gawin, kahit ang mga bagay na hindi mo inaasahang magagawa—kung may pananalig ka sa Diyos at may tiwala ka sa iyong sarili—walang imposible. Lahat ng iyon ay magagawa mo.”

— mula sa ABS-CBN teleserye Darna

—--

Hugot sa Kwento:

“Wala na yatang pag-asa na magbabago ang hitsura ko. Sabi nga nila, wala raw forever. Pero ako, naniniwala talaga ako na may forever—na forever na akong ganito… forever ugly.”

-

Ang pag-ibig ay parang mangga. Kapag pinitas mo ito nang hindi pa hinog, maasim—tulad ng pag-ibig na pinilit lamang; masasaktan ka lang. Ngunit kapag pinitas mo ito sa tamang panahon, sa tamang oras, at sa tamang pagkahinog, magiging matamis at masarap itong namnamin.

Ganoon din ang pag-ibig—masayang umibig kapag kasama mo ang taong tunay mong minamahal, walang kumokontra kahit si tadhana, dahil siya mismo ang naghatid ng tamang panahon para sa inyong dalawa.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Mga hugot lines,nakaka-in love, nakakasakit at nakakakilig na mga senaryo sa kwento: ''Wala na yatang pag-asa na magbabago ang hitsura ko.Sabi nga nila wala daw forever. Pero ako, naniniwala talaga ako na may forever.Na forever na akong ganito. __Forever ugly.'' ----- Ang pag ibig ay parang mangga yan. Kapag pinitas mo na di pa nahihinog, maasim..parang love, kung pinilit lamang, masasaktan ka lang. Pero pag pinitas mo sa tamang panahon...sa tamang oras...at nasa tamang hinog nito masarap ang lasa, masarap itamasa. Parang pag ibig din, masayang umibig kapag kasama mo ang taong tunay na iniibig mo na walang kumukuntra kahit si tadhana...dahil siya mismo ang naghatid ng tamang panahon para sa inyong dalawa.'' ----- Nagtaka siya nang biglang may nagbago. Tila biglang huminto ang mundo. Bakit ganun? Anong nangyayari?Yong feeling mo na tanging pintig lang ng puso mo ang naririnig mo. Umalingawngaw ito, na tila nabibingi ka sa pintig ng puso mo. Aniya sa sarili. Hindi parin siya makapaniwala, nasabi niya sa sarili na baka epekto lang yon ng nainom niya. Pero hindi eh, hindi pa ako lasing! ----- Habang nakangiti ang binata sa kanya ngayon niya lang napansin ang dalawang maliliit na dimples nito sa magkabilang labi. Palihim niya itong tinitigan habang kumakain. Ang makakapal nitong mga kilay, magagandang mga mata, matangos na ilong at magandang mga labi. Bumagay ito sa mukha nito. ----- Kung halos lahat ng mga babae ay gustong makakilala ng tall, dark, handsome and gentleman. Siya naman ang tipong lalaki na tall, dark at handsome nga sana pero ang bantot naman ng ugali. ----- "Sawang-sawa na ako sa mga pagsisinungaling at pangloloko mo! Kalimutan mo na ang kasal natin dahil hindi mangyayari yon! Hindi ko hahayaan na saktan mo siya! Dahil ako mismo ang makakalaban mo!" ----- Pero sino ba siya para kontrahin ang kanyang puso? Mahal niya rin ito. Mapipigilan ba niya ang nararamdaman niya kung gusto niya rin ito makasama habang buhay? ----- Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Ang totoo nasaktan siya sa sinabi ng isang babae nang marinig niya na kulang na lang buntot para maging kamukha niya ang unggoy. Oo, inaamin niya maitim nga siya pero ang maging kamukha ng unggoy...Sobra naman! ----- Sana naging maganda nalang ako para bagay ako sayo at hindi ako lalaitin ng ibang tao. ----- Nakita niyang nakatingin sa kanya ang mga staff doon. Wala siyang pakialam kung anuman ang sasabihin nila...kung sabihin man ng mga ito na pangit siya! ----- ''Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita, ''OA ka naman limang beses mo talagang inulit ang salitang mahal'' ''Hindi kasi ako magsasawa na mahalin ka forever,'' ----- 'sa pag-aakala ko na akyat-bahay ka baka nabuhusan pa kita ng mainit na tubig,'' ''Sobra ka naman, kung nagkataon na ganun, eh, masisira ang mukha ng gwapo mong asawa,'' nakangiting wika nito. ''Haha!'' Kunwang tawa niya. ''Yabang mo!'' sabi niya na medyo inirapan pa ito. Tumikhim ito at inakbayan siya. ''Pero alam mo, Babe, na-miss ko ang moment na to. Na-miss ko ang dating tayo, ang makasama ka, makausap, makayakap at....'' malambing na sabi nito na hindi ipinagpatuloy ang huling sasabihin. ''At ano?'' tanong niya na gustong marinig ang sasabihin pa nito habang masuyong nakatingin sa lalaki. ''At mahalikan ka.''

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.3K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

His Obsession

read
104.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook