Nang makaakyat ng stage si Dianne at tumayo sa sentro ay napadako ang tingin niya kay DJ. Sinadya niya talagang hanapin ito ng tingin, Nakita niyang nakangiti ito sa kanya at kumindat pa ito kaya napangiti rin siya. Totoo ngang parang meron itong magic na tila gumaan ang pakiramdam niya at nagkaroon siya ng lakas ng loob. Nang mag-umpisa na siyang magsalita ay binati niya ang lahat ng mga bisita na naroroon na inanyayahan din ng Marikit Elem School sa graduation day nang araw na iyon. Inisa-isa niya ang pagbati, nakasulat din kasi doon sa graduation program list ang mga pangalan ng mga ito, ang mga parents at graduates, lahat ng mga taong nanonood, pero una sa lahat ay sinambit niya rin ang pangalan ng Poong Maykapal. Pati na rin si DJ ay binati niya rin na nakita pang nagbulungan ang mga

