Nang makapasok si Athena sa restaurant at makita sina Dianne at Kier na masinsinan na nag-uusap sa isa’t isa ay agad siyang lumabas ng restaurant at umalis doon. Athena’s POV Pumunta siya sa restaurant na yon, alam kasi niyang doon niya makikita si Kier kapag hindi ito kumain sa kanilang bahay ay doon tumutungo si Kier para kumain. Hindi niya inaasahan na magkasama si Dianne at ang asawa niya, alam niyang bago naging sina DJ AT Dianne ay may lihim na gusto si Dianne sa kanyang asawa. Ngayong nagkakalabuan silang dalawa ni Kier, may posibilidad na mahumaling ang asawa niya kay Dianne. Iyon ang mga kaisipang dumadaloy sa isip niya habang nagmamaneho, balak niyang hindi umuwi sa kanilang bahay. Kinuha niya ng isang kamay ang kanyang cell phone na nakalagay sa loob ng kanyang bag. Binuksan n

