CHAPTER 15

1878 Words

Opening ng cupcake store ni Gerlie at inanyayahan niya si DJ na pumunta. "Sige na babe sumama kana para sabay tayong pumunta roon." Anyaya ni DJ sa kanya nang nasa almusal sila. "Gusto ko sanang sumama, babe, pero magpapamassage ako ngayon. Nakaschedule na kasi ako sa araw na to." Tanggi niya sa asawa. Naisip niyang naroon ang ina nito at segurado siyang maraming bisita si Gerlie baka mapahiya lang siya. "Sasamahan na lang kita. Tamang-tama masakit na rln kasi ang likod ko at ilang araw ko na rin ito dinadaramdam." Sagot nito. "Ha? Segurado kang hindi ka pupunta sa opening ng cupcake store ni Gerlie? Baka magtampo sa iyo yon?" Nagtaka niyang sabi. "Wala akong pakialam kung anuman ang sasabihin niya. Ang mahalaga kung saan ka masaya ay sasamahan kita." Wika nito at hindi na siya umimik

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD