Nang matapos kantahin ni Gemma ang Lason Mong Halik, pagkatapos ng kantang iyon ay muli siyang kumanta 'Kung tayong dalawa' ni Katrina Velarde. Sa totoo lang sinasadya ni Gemma na kantahin ang mga kantang iyon para maipadama kay DJ ang sakit na kanyang naramdaman ng iwan siya nito noon. --- Pa'no nga ba kung maging tayong dalawa... --- Samantalang si DJ naman ay napapaisip habang pinapakinggan ang kanta ni Gemma, alam niya sa sarili na ginawa niya lang ang nararapat. Oo, inaamin niya nasaktan nga niya si Gemma pero hindi niya mapipilit ang sarili at matuturuan ang kanyang puso. Sinubukan niyang matutunang mahalin si Gemma pero ng mga sandaling iyon isa lang ang babaeng laman ng kanyang puso, si Girlie lamang iyon at ayaw niyang lokohin ang kasintahan ng mga pagkakataong iyon. Naisip

