Inawat ni Dianne si Dansel natatakot kasi siyang baka kung anupa ang mangyayari. At hindi niya hahayaan na magkagulo sa sandaling iyon. ‘’Hindi, Dianne. Sumusobra na kasi ang babaeng iyan!’’ Inis na sabi ni Dansel at naramdaman niyang ayaw nitong magpaawat. Naramdaman din ni Athena iyon kaya huminahon din ito. Kilala rin kasi nito si Dansel na hindi umaatras kahit sa giyera. ‘’Siyanga pala, nais kong ipaalam sa inyo that my fiend’s circle doesn’t need you anymore dahil may ipinagpalit na kaming kaibigan sa inyo,’’wika ni Athena. ‘’Gemma, I would like to meet you, my two ex-friends’’, pakilala pa nito sa kanila kay Gemma. Hindi kumibo si Gemma, hindi ito nagsalita ngunit ngumiti lamang ito sa kanila lalo na kay Dianne. Kilala na niya si Gemma dahil ipinakilala na ito ni Kier sa kanya.

