Hindi alam ni DJ kung ano ang mga sumunod na nangyar. Pagkagising niya ay mataas na ang sikat ng araw, katabi niyang nakahiga sa kama at walang damit ang babae. Wala rin rin siyang damit. Dali-dali siyang bumihis ng kanyang damit at umalis.Hindi na siya nag-aksaya ng oras para gisingin pa ang katabi niyang babae. Wala siyang dala na kotse dahil magkasama sila ni Kier kahapon na naglakad ng kanilang itatayo na negosyo. Habang nakasay siya ng taxi ay balisa siya at hindi mapakali. Hindi niya alam kung may nangyari o wala, basta ang alam niya lang ay nakatulog siya ng mahimbing at wala siyang malay sa mga nangyari. Hinilamos niya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. ‘My God!’ Kahit anupa ang iisipin niyang dahilan may nagawa pa rin siyang kasalanan sa kanyang asawa, Aniyang isip niya. P

