Bagong ligo si DJ, hindi na nagtataka si Dianne kung bakit maganda ang porma ng abs nito dahil alaga nito ang katawan sa gym, every monday, wednesday and friday ay palagi itong dumadaan sa gym bago siya ihatid sa spa and massage services na negosyo, pero ngayong may sarili na siyang kotse at driver ay dumidiretso na doon ang asawa. Kapag araw ng schedule ng gym nito ay maaga itong gumigising, naliligo at nag-aayos. Nakasanayan na nitong mag-shower muna bago tumungo ng gym at maliligo ulit after two hours ng gym. Huminto lamang ito ng one month at nag-enroll ulit. Dati rin siya nitong pinaenroll sa gym ngunit nang nalaman na buntis siya ay pinahinto siya, sabi nito ay self-exercise lang siya sa kanilang bahay ng mga simple exercises na pang buntis para walang anuman na kumplikasyon. ''Baki

