Hindi napigilan ni Gemma ang inis at galit na nararamdaman ng makita ang video ni DJ at Dianne na napanood niya sa f*******:. Makita niyang kumanta si DJ na nilalambing si Dianne. Kaya nahagis niya ang awak na cell phone. Oo, inis na inis siya dahil na rin sa inggit kay Dianne. Nagseselos siya dahil malambing si DJ kay Dianne. Oo, inaamin niya gusto niya si DJ. Matagal na niyang gusto simula pa ng high school sila. Magkababata silang apat; nina Kier, DJ, sila ng kambal niyang si Gerlie. Since maliliit pa lamang sila ay sabay-sabay silang lumaki doon sa Germany. Lihim na niyang crush si DJ dahil bukod sa gwapo ito at mayaman ay napaka-talented pa dahil magaling itong kumanta at sumayaw. Sa katunayan nga eh, sa tuwing magprakticed ito ng sayaw o kanta noon ay kinikilig sya habang na nonood s

