Nanatili siyang nakayuko at nakapikit nahg malakas na naghiyawan ang mga tao sa paligid. ''Asunscion five points...and the winner is team B...'' Biglang napataas ang mukha ni DJ mula sa pagkayuko at napamulat ng mga mata nang marinig iyon mula sa announcer. Napatalon siya at napasuntok sa hangin at napataas ng kamay na naka-closed fist. ''Yes! Nagawa ko! Nanalo kami...''sabay sabi niya sa sarili. ''Sir DJ, ang galing mo...nanalo tayo'' nakangiting sabi ng janitor na kabilang sa team nila at isa rin sa basketball player. Sinabi iyon sa kanya na sinadyang lapitan siya. ''Oo, Jim! Ang galing natin'' natutuwang sagot niya. Sa sobrang tuwa ay tumakbo ito palapit kay Dianne. Nagulat si Dianne nang lumapit ito sa kanya at hinalikan sa labi. '' Babe, nanalo tayo. Nagawa natin na manalo!'' A

