Bigla siyang napaupo mula sa pagkahiga nang makita si DJ na nakaupo sa gilid ng hospital bed niya. ''Nasa ospital ka at safe ka na,'' sagot ni DJ kaya napakunot-noo siya at nagtataka sa sinabi nito. ''Anong nangyari sa akin? Bakit nandito ako? At bakit nandito ka?'' Sunud-sunod na tanong niya. ''Iniligtas kita kay Bricks at dumiretso ako dito sa ospital upang maseguro ang kaligtasan mo at ng baby natin.'' Paliwanag ni DJ. ''Alam mo na buntis ako?'' Tanong niya. Tumango si DJ. ''Sinabi sa akin ni Amy.''Wika nito. ''Bakit ka ba pumayag na sumama sa resort kasama ang baliw na yon?'' Dugtong pa ni DJ. Tumahimik lamang siya at nagtatakang tumingin kay DJ. Nagtataka siya kung bakit tinawag nitong baliw si Bricks. Hindi niya alam kung magtatanong siya kung alam na nitong tumakas si Bricks

