WAKAS

1696 Words
Pagkatapos ng kwentuhan namin sa silid nila Myka ay tahimik kaming bumaba upang kumain, wala ni isang nagtangkang bumasag sa katahimikan. Si Jerry ay nakatulala sa pagkain niya habang si Jerlyn naman ay mahinang nginunguya na parang walang planong lunukin ang kinakain niya. Samantalang pansin ko ang pagiging pagkabalisa ni Steven, simula nung malamang isa sa amin ang pumatay ay naging balisa na siya. Di ko naman siya masisisi dahil ako din ay natatakot na rin para sa sarili ko, di ko lang pinapahalata sa kanila, kahit na may mga polisya ang nagbabantay sa amin ay natatakot parin ako dahil isa sa kasama ko sa iisang bubong ay mamatay tao. "Ayos ka lang ba Steven? Bat parang balisa ka?" Tanong ni Dinsio na di agad nasagot ni Steven. "Ahhm o-okay lang ako" nauutal na sagot nito. Pagkatapos ng nakakabinging kainan ay humiga na ako sa malambot na matress katabi ng mahimbing na natutulog na si Jerry. Buti pa siya nakakayanan pa niyang makatulog sa gitna ng mga pangyayari, though I know she's very tired. Alam kong mahal na mahal niya si Noah kaya alam ko rin ang hirap at sakit na pinagdadaanan niya ngayon. Inayos ko ang kumot ni Jerry at pinikit ang aking mga mata pero kahit anong pikit ko ay di parin ako dinadalaw ng antok. Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni ng may marinig akong malakas na sigaw ng babae kaya agad akong napabangon at napatakbo patungo sa likurang bahagi ng bahay. Nagulat nalang ako sa aking nadatnan, si Steven na may hawak-hawak na kutsilyo at nakatuon ito sa leeg ni Jerlyn. "Steven!" Sigaw ko sa pangalan nito "A-amputa, A-anong ginagawa mo?" kinakabahang tanong ko rito ng mga dalawang metro na ang layo ko sa kanya. "Diyan ka lang! Wag kang lalapit Sheki kung hindi papatayin ko tong babaeng to!" sabi niya na nakapagpalakas pa lalo ng t***k ng puso ko. "Steven please!" pagsusumamo ni Jerlyn na ngayon ay umiiyak na. Rinig ko ang mga nagmamadaling yapak ng mga kaibigan ko sa direksyon namin. "Whatda" rinig kong bulong ni Dinsio "Steven, magkakaibigan tayo diba? Sige na, bitawan mo na yan." pagbabakasakaling ani ni Vely. Parang baliw at malakas na tumawa si Steven. "HAHAHA! KAIBIGAN?" Mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak kay Jerlyn dahilan para mas mapahagulhol ito ng iyak " Kaibigan? Kaibigan ba ang turing sa mga taong mangaagaw?" Ani nito na nagpalito sa amin. "Steven, ano bang pinagsasasabi mo? Sige na bitawan mo na yan, tinatakot mo na kami eh" "No! Hindi ko bibitawan ang babaeng to! Ng dahil sa kanya namatay si Noah!" Sigaw nito "Steven" "Isa ka pa!" turo niya kay Myka Pinandilatay niya ng mga mata si Jerry at nanginginig na tinuro sa direksyon ang kutsilyo "Akala mo natutuwa ako sayo!? Pwes hindi!" "Magpasalamat ka at hindi ka natuluyang desperada ka! Sayang at di ka nga natuloyan!" Sigaw nito na nagpagulat sa aming lahat No, wag mong sabihing? Napatakip ako sa aking bibig ng mapagtanto ko ang lahat. Mula sa galit na ekspresyon ay bigla itong lumongkot "Oo! Ako ang pumatay kay Noah, pero hindi ko yun sinasadya" pero maya-maya lang ay galit na naman ito "Dahil sa babaeng ito!" turo niya kay Jerlyn gamit ang dulo ng kutsilyo sa sentido nito. "Dahil sa babaeng ito! Hiniwalayan ako ni Noah! Dahil sa babaeng to, nag-away kami! Kahit nag bihis babae na ako at ginaya ang babaeng to iniwan niya parin ako! Ginawa ko na lahat-lahat!" he said, kasabay ng pag agos ng mga luha nito. "Dahil sa babaeng to nahulog siya sa bangin! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito! Kung bakit namatay ang mahal ko!" galit na galit nitong sigaw. "Steven please" nagsusumamo kong sabi Tumingin ito sa akin at biglang bumago at bumalik ang ekspresyon nito sa nakilala kong si Steven, yung maamo ang mukha at di makabasag pinggan. Nanginig ang mga kamay nito, nagtataka sa mga ginagawa niya. Umiyak ito. "Salamat" sambit nito at tiningnan kami isa-isa. "Dahil sa inyo naramdaman namin ni Noah ang magkaroon ng pamilya, salamat dahil naging kaibigan ko kayo." Tumutulo ang mga luhang sambit nito. "Pero patawad narin" hindi ko inasahan ang susunod niyang gagawin. Tinulak niya ng malakas si Jerlyn patungo sa direksyon namin at walang pagdadalawang isip na tinarak ang kutsilyong hawak niya sa dibdib. Parang nagslow motion sa akin ang pangyayari, nakangiti pa niti akong tinignan habang umaagos ang mga dugo sa dibdib nito "Noooo!" Sigaw ko at tumakbo patungo sa kanya. "Steven!" Napatakbo ako sa katawan niyang bumagsak sa lupa. Ang raming dugo! "Salamat at patawad sa lahat. Ngayon makakasama ko na habang buhay si Noah" ani nito at binigyan ako ng isang matamis na ngiti at ipinikit ang kanyang mga magagandang mata na dahilan upang mas madurog ng pino ang puso ko. "No, no noooo! Steven gumising ka!" Hinarap ko si Vely sa tabi "Tumawag kayo ng ambolansya! Bilisan nyooo" tumutulo ang mga luhang tinutulak-tulak ko ito para tumawag ng tulong pero imbes na tumayo at tumawag ng tulong ay niyakap niya ako. Naninikip ang dibdib ko sa kakaiyak "No, please Vely ayoko ko ng mawalan pa ng isang kaibigan" ayoko ng may mabawas pa sa atin. "Shhhh. Wala na si Steven Sheki, I know kung nasan man siya ngayon he's happy with Noah" ani nito na mas nagpahagulhol sa akin. " Noah Rafael Kajos & Steven Dave Yogado " basa ko sa pangalan ng dalawang lalaking naging parte na rin ng buhay ko. Maraming taon na rin ang nakalipas at napatawad na rin namin si Steven sa mga nagawa nito. Matagal na naka move on si Jerry about it but still nagawa niya paring patawarin si Steven. Alam ko namang nagawa mo lang ang lahat ng iyon dahil sa labis na pagmamahal mo kay Noah. Hays, too much love can really kill you. Kasalukuyan ako ngayong nakaupo sa bermuda kung saan silang dalawa nakalibing. Inayos ko ang pagkakalagay ng bulaklak na binili ko galing lang sa labas ng simenteryo na ito. Napabuntomg hininga ako sa naalala kong pagtingin na hindi nasabi. Hays, ni hindi ko man lang napagtapat sayo kung gaano kita kamahal. Sa bawat galaw mo at pagsasalita, sa matitipid mong mga ngiti at mga oras na seryoso kang nagbabasa ng libro-- kung saan ako nahulog, Steven. Napaupo ako ng maayos ng may tawag sa akin "Bee" ani ng isang lalaki mula sa likuran ko, may dala-dala itong kandila at posporo. Siguro mas mabuti na rin siguro na hindi ko yun napagtapat sayo noon ang nararamdan ko Steven, kasi for sure marereject lang ako kasi nga may lollipop din pala ang gusto mo. Napangiti ako ng halikan ako sa noo ng lalaking kakarating lang, ang swerte ko sa lalaking to. "Bat mo ba kasi nakalimutang bumili ng kandila Vely!" Seryoso itong napalingon sa akin habang inaayos ang kandilang sinisindihan niya. "Bee nga sabi diba?" "Bee? ano ka bubuyog?" tanong ko rito Lumapit ito sa akin at niyakap ako mula sa likuran habang nakaharap sa puntod ng lalaking una kong minahal, ng mga lalaking kaibigan namin. "Hmm, ano ba gusto mo Babe? Love? Mahal? Honey?" tanong nito sa akin. "Pati ba naman dito sa simenteryo maglalambingan kayo? Pasintabi naman sa mga patay na di na magkakalovelife!" Ani ng kakarating na si Dinsio na kahit malayo na ang naabot sa buhay eh wala parang pinagbago. Nakasunod naman rito ang dalawang nagkaka-igihan na sina Jerry at Cidrick "Respeto na din sa mga wala pang label" Maya-maya ay dumating na rin ng magkasabay sina Jerlyn at Myka. "Myka! Wala ka man lang bang dala kahit isang kandila lang?" Dinsio jokingly say "Wala akong pera choi! Tsaka maiintindihan din naman ni Noah at Steven yun, alam kong maaappreciate na nila na may magandang bumibisita sa kanila." "Excuse me?" pagkaklaro ng mas maganda daw'ng si Jerry "Oo na mas maganda kana, wala nga lang label" kantyaw ni Myka na mas nagpatawa sa amin at dahilan upang tumaas ang nguso ni Jerry. "Wow, may jowa ka?" tanong ni Dinsio na nakapagpatahimik sa madaldal naming si Myka "HAHAHAHA" tawanan ng lahat. Bumanat naman ang mapilyo at wala ring pinagbagonh si Cidrick "Sabi ko naman sayo na sagutin mo na ko eh" Na tinarayan lamang nito na mas nagpatawa sa amin. Kitang-kita sa mga mukha nila na malaya na sila sa sakit ng nakaraan. Ang noong di nag uusapang Jerry at Jerlyn ay nag aakapan na ngayon. Si Myka na madaldal ay wala parin namang pinagbago maliban sa isa na itong professional teacher pero walang perang pambili ng kandila man lang o bulaklak, ganun din sina Jerry at Cidrick. Si Dinsio na kahit di man lang pumuti ng kaunti ay isa nang Prinsipal at marami ng naipundar sa buhay, wala pa nga lang pamilya. Samantalang si Jerlyn naman na kahit lumipat ng ibang kurso noon ay close parin sa amin, siya na rin ang naghahandle ng mga negosyo ng magulang niya at engage na sa isang sikat na chinese businessman. Habang ako naman ngayon ay magpapahinga muna sa pagtuturo. "Oh nga pala, we have a good news for you all" ani ko na kumuha ng kanilang atensyon. Lumapit naman sa tabi ko si Vely na may malapad na ngiti sa mga mukha. "Im 3 months pregnant!" Masigla kong ani na siyang dahilan upang mapasigaw sa tuwa sina Jerlyn at Jerry. Napahilot sa kanyang sintido si Myka "Anong good news dun? For sure gagawin mo kong ninang jan! Tapos bibili ako ng regalo kada pasko, ubos sahod ng lola nyo, ARAY!" sigaw nito ng batukan ni Cidrick "Ikaw no, ang kuripot mo!" "hehehe, joke lang. Congrats sa inyo!" She said and hug me and Vely. "Engineer! Ambilis ah parang si the flash!" Kantyaw ni Dinsio sa matalik niyang kaibigan. Yes, Vely is an Engineer now pagkatapos kasi ng pangyayari ay sinunod niya ang gusto ng Daddy niya which was to become a Civil Engineer samantalang ako naman ay pinagpatuloy ang course ko bilang education student. Isang malamig na hangin ang tila dumapo sa balat ko, tila niyayakap ako nito. I know it's the both of you happy for me, naiimagine ko ang ngiti nilang dalawa kaya hindi ko mapigilang mapaiyak. "Thank you" bulong ko at napatingin sa lapida nilang dalawa at binalik ang tingin sa ngayoy parang mga bata kong mga kaibigan na nagkakasiyahan. Hindi ako nagpapasalamat na nawala kayo pero Im thankful that because of what happened before ay mas tumatag pa ang pagsasamahan naming lahat. "Hey, bat ka umiiyak?" nag aalalang tanong ni Vely sa akin "Wa-wala." I chuckled. "Dala lang siguro ng pagbubuntis ko, ang drama ko ano ba yan" I said and wipe my tears. You two will always be in our hearts, Noah and Steven.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD