KATAWAN 2

1938 Words
Biglang naubos ang lakas ko ng makita ang kabuoan ni Noah na nakahandusay sa metal na higaan, namumutla na ang buong katawan at wala ng buhay. "Oh my God" sambit ni Jerlyn na di nakayanan ang nakita't napahagulhol nalang at napayakap sa katabi nyang si Dinsio. "N-nooo. This is not true" sigaw at paulit-uli na sambit ni Jerry. Patakbo itong pumunta sa tabi ni Noah, umaagos ang luha nitong niyakap-yakap ang bangkay nito. Hindi ko maiwasang maiyak sa senaryong nakikita ko ngayon, masyado akong nasasaktan di lang dahil sa nawalan ako ng kaibigan kundi nawalan na naman ako ng importanteng tao sa buhay. Napuno ng iyakan ang buong silid ng morge. Naiiyak kong nilapitan si Jerry at Jerlyn na lumapit narin kay Noah upang patahanin ang mga ito. Hinagod ko ang mga likud nila upang kahit sa ganung paraan ay mapakalma ang mga ito "SHHH" pagtatahan ko. Pero kahit anong gawin kong hagud at kausap kay Jerry ay nagwawala parin ito, wala nga talagang makakapigil sa pusong sawi at luhaan "Noah! Wake up kanaaa! In fairness ang ganda ng pagkakamake-up nila sayo" ani nito nagawa pang mag c***k ng joke sa sitwasyon naming uti, hinawakan niya ang mukha ng malamig na si Noah at pilit itong ginigising na parang mahimbing lang na natutulog. Niyugyog niya ulit ang katawan nito "Wuuuy" "Gising ka naaa pleeease, look magalit ka sakin kasi Im touching your abs oh" sundot-sundot niya sa abs ni Noah na mas tumigas pa. Kung prank lang sana ito ay kanina pa kami humagalpak sa tawa pero this aint a prank at imbes na tumawa ay mas humagulhol kami sa lahat ng aming nakikita. Lumapit din sa direksyon amin si Cidrick na umiiyak na rin "Bro, gising na! Uuwi pa tayo diba?" Niyuyog-yog niya ito "Diba sasamahan mo pa kong mag bar? Bro, gising naaa" pagpupumilit nito. Ikalawang pagkakataon ko ng makakita ng patay na katawan, una ay yung sa lolo ko, nung nakita naming wala na syang malay sa bakuran namin at ikalawa itong ngayon. Napapikit nalang ako ng mamuo ulit ang mga luhang sa aking nga mata na nagbabadya na namang tumulo, and then I remember Noah's kindness to everyone. Kung iisipan nga he's a perfect full package, everyone know's that he's handsome hindi namin maipagkakaila yun. Mabait, matulungin at mapagkumbaba siyang tao yan ang hinangaan ko sa kanya. Ilang minuto ang lumipas nang isang pulis ang lumapit sa amin "Mga kaibigan ba kayo ng lalaking namatay?" "O-opo" namumula ang mga matang sagot ni Steven na galing din sa kakaiyak. "Ayon sa pagiimbestiga namin ay hindi aksidenteng nahulog sa bangin ang kaibigan nyo" Sabay-sabay kaming napatingin sa pulis at napasinghap sa impornasyong hatid nito na naging dahilan upang mas lumakas ang hagulhol ni Jerry. "May tumulak sa kanya kaya nabagok ang ulo nito sa malaking bato na syang naging sanhi upang mabawian ito ng buhay" … Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa police station upang mag bigay impormasyon sa pagkamatay ni Noah. "Nagkakasiyahan po kami sa tabing dagat kagabi Sir, nag inuman ng kunte kaya naisipan yatang umihi ni Noah sa madilim na parte ng kakahuyan. Hindi ko po alam kung iihi lang ba sya or what pero natagalan po ito kaya naisipan ng kaibigan naming si Jerry na sundan sya dahil hindi pa po ito nakakabalik kaya nung tumagal at di pa rin sila nakakabalik ay napagpasyahan na din naming sundan sila." "Sino ang mga kasama mong ito?" "Sina Myka, Vely, Jerlyn at Dinsio po" sagot ko "Kayo lang? Nasan na yung dalawa nyong kasama?" "Si Cidrick po ay na lasing na that time na hindi na nakayang tumayo pa kaya naisipan naming ipasok muna siya sa loob that night bago namin sinundan sina Noah at Jerry sa kakahoyan, samantalang si Steven naman po ay nauna ng nagpahinga." "Hindi ba sya nalasing?" "Hindi po kasi hindi naman po talaga siya umiinom" tumatangong sagot ng pulis at nagsulat sa kanyang maliit na notebook. "Nung nandoon na po kami sa kakahoyan ay si Jerry lang po ang natagpuan naming nakahandusay po sa lupa at may sugat sa ulo, sabi po nya may babae daw pong gumawa sa kanya non naka itim po raw ito" "Wala na ba kayong ibang kasama?" "Wala na po, kami lang pong magtotropa ang nasa lugar na iyon" "May nakasamaan ba ng loob ang biktima sa isa sa inyo?" Napatigil ako sa tanong nito, ni minsan ay walang nakasamaan ng loob si Noah sa amin, mabait siyang kaibigan ni minsan ay wala siyang naging kaaway sa amin "Wala din po" sagot ko. Tumayo ito at inayos ang kanyang mga gamit at nilagay ang ballpen sa leegang bahagi ng damit niya "Sige salamat, babalitaan ko nalang kayo kung may balita na sa kasong ito." "Salamat po" ani ko at inabot ang kamay nito upang makipag shake hands. Lumabas ako ng silid na puno ng tanong ang isip. Oo nga naman, masyadong mabait si Noah sa aming lahat, wala nga itong kalaban eh at lalong lalo na ang makasamaan ng loob, wala talaga. Pero bakit? Kami lang ang nasa lugar na iyon? Imposible namang isa sa amin ang gumawa non? Pero kami ngalang ang nasa lugar nayun! Imposible namang ibang tao dahil malayo-layo ang mga bahay sa rest house nila Jerlyn, at imposibleng magnanakaw ito dahil kahit yung mamahaling relo na suot-suot palagi ni Noahay hindi man lang ginalaw o kinuha. Napaupo ako sa upuang malapit sa akin at napasabunot sa buhok ko. Posible kayang isa sa mga kasama ko ang gumawa nito kay Noah? Pero bakit? Sa anong dahilan? Sino? Ano ang motibo niya para ganun nalang kalakas ang loob niyang pumatay? Kasama ko sina Myka, Vely, Dinsio at Cidrick that time kaya imposibleng isa sa kanila ang gumawa nito. Si Jerry, siya yung sumunod kay Noah pero naniniwala akong hindi niya magagawa yun kay Noah. Si Steven? Nasa kwarto siya that time at natutulog na at isa pa babae ang nakita ni Jerry that time. "Focc!" Gulat na ani ko ng may dumapong mga kamay sa balikat ko. "Je-jerlyn! ginulat mo ako!" "Sorry, bat ba kasi nakatulala ka jan?" She asked with her swollen eyes. I look at her beautiful face bago sinagot ang tanong nya "Wa-wala tara" posible kayang si Jerlyn ang may gawa nun? Babae at mataas sa aming mga babae ay siya lang ang mataas. Napatingin ulit ako sa mala-anghel nitong mukha, pano kung siya nga? No. I shake my head, para mawala ang mga iniisip kong mga ganito. Bahala na ang mga pulis on finding out the real culprit, ayokong mag-isip na isa sa mga tinuring kong kapatid ang pumatay kay Noah kasi masakit, sobrang sakit. Pangalawang araw na sana namin to upang mag enjoy sa magandang lugar na ito, pero sa sitwasyong ito mas gugustohin ko pang umupo nalang at maghintay ng panibagong balita tungkol sa kaso. Kasalukuyan kaming nasa living room ng rest house, nakaupo sa pa-bilog na sofa set. Tahimik ang lahat at mga kaluskos lamang ng mga dahon na dala ng malakas na hangin at mga malalaking alon ng dagat sa labas lamang ang aming naririnig. Walang nagtangkang bumasag sa katahimikan hanggan sa may kumatok sa pinto. "Ako na" presinta ni Cidrick "Magandang umaga, nandito kami para mag imbestiga." Ani nito at pinakita ang isang papel na nagpapatunay na maari nilang halughugin ang buong bahay. "Ano po ang ibig sabihin nito?" nalilitong tanong ni Jerlyn "May hinahanap kaming bagay na maaaring makatukoy sa kriminal at we are sure that nandito lang pumatay kay Mr. Noah" Everyone gasps nang marining ang impormasyong ito. "What? So you're saying that one of us is the culprit?" tanong ni Jerry na tinanguan ng pulis. Nagsimulang halughugin ng mga pulis ang bahay. Sa gitna ng paghahalughog ay bigla nalang tinuro ni Jerry si Jerlyn "You!" "I'vee been thinking this kagabi pa. Sa ating apat na mga babae ikaw ang mas matangkad katulad ng babaeng nakita ko kagabi! Mataas din ang buhok mo!" nanggagalaiting ani nito "Ano ba ang pinagsasasabi mo jan Jerry? Kasama namin siya kagabi!" putol ni Dinsio sa paratang nito. "Pumasok si Jerlyn para kumuha ng chicharon at matagal-tagal rin itong bumalik Din" ani ko rito at di makapaniwalang tiningnan ako ni Jerlyn "Look, pano kung di naman talaga siya kumuha ng chicharon?" galit na dinuro-duro ni Jerry si Jerlyn. Kita sa mga mata ni Jerlyn na nasaktan sya sa mga paratang ni Jerry sa kanya "Hi-hindi ko magagawa kay Noah yun!" "And why is that? Oo, nga naman bakit ba?" Nilapitan ko si Jerry upang pakalmahin at hinawakan ang mga kamay nito. "HINDI KO MAGAGAWA SA LALAKING MAHAL KO! OO, MAHAL KO SI NOAH! AT KAHIT MINSAN DI KO NAISIPANG PATAYIN SIYA!" Humihikbing ani nito na gumulat sa aming lahat. Hindi ko inaasahan ang pagtapat niyang ito. May gusto sa kanya si Noah matagal na but she keep on rejecting him but deep inside her ay may gusto pala siya sa kanya. I was trully amaze by that. Ramdam ko ang tuloy na panghihina ni Jerry kaya agad ko naman itong inalalayan upang di tuluyang matumba sa kinatatayuan niya. "Hindi ko magagawa sa lalaking mahal ko yun" tumutulo ang mga luhang sambit nito maya-maya ay tila nawalan ito ng lakas kaya napaupo nalang ito sa sahig at doon umiyak ng umiyak na dinamayan naman agad ni Myka. Umiiyak na tiningnan ni Jerlyn si Jerry "I love him so much Jerry kaya hinding hindi ko magagawa yun" "If you're not that girl? Sino yun?" nagtatakang ani ni Vely "Alam kong hindi ako tuluyang nalasing kagabi, hindi humiwalay sa amin si Myka at Sheki" "Oh baka naman gumagawa ka lang ng kwento?" Napatingin kami kay Jerlyn na ngayon ay seryoso ang mga mapupula niyang mga matang nakatingin kay Jerry. Nagulat kami ng biglang tumakbo ito patungo sa pwesto namin ni Jerry at biglang hinila ang buhok ni Jerry "Pinagbibintangan mo ako? If I know ikaw ang pamatay sa kanya! You kill him! You kill him kasi kahit anong gawin mo di ka niya kayang mahalin? You kill him!" Agad ko naman silang pinaghiwalay pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak ni Jerlyn sa buhok ni Jerry kaya tinulungan naman ako agad ng iba. "alam kong disperada akong tao but I cant kill! Hindi ko kayang pumatay!" Hindi nama nagpatalo si Jerry at hinila ang buhok ni Jerlyn kung kaya't mas nahirapan kaming pagbuwagin ang dalawa. " ano ba! Tama na yan!" sigaw ni Myka sa kanilang dalawa na di naman natinag, marami nang mga hibla ng buhok ang nakita kong nahuhulog sa puting tiles ng bahay kaya mas inigihan pa namin ang paghihiwalay sa dalawa cause I know nasasaktan narin sila, hanggang sa nabuwag na nga namin ang dalawa na ngayoy sobrang gulo na ng mga buhok. "Tama na yan mga bata! Hindi makakatulong ang pagaaway-away niyo. Hindi pa din kami nakakasiguro kung sino sa inyo ang tunay na may sala pero alam kong dadating din tayo jan" Singit ng pulis na akala ko ay umalis na, di man lang kami tinulungan na paghiwlayin ang dalawa. Kasalukuyan ako ngayong nasa silid nina Myka at Jerlyn samantalang iniwan namin si Jerry sa mga boys. "Actually kagabi nagusap pa kami ni Noah, yung time na kumuha ako ng chicharon kaya natagalan ako" tumingin ito sa akin at pumatak na naman ang mga luha nito sa kanyang mga makikinis na pisngi. Niyakap siya ni Myka na ngayoy maluha-luha narin "Hindi ko alam na yon na ang huling gabi na makakausap at makita ko siyang buhay" Hindi na ako umimik pa at hinawakan nalang ang mga kamay niya. "He was happy when he bid goodbye to me that night, akala ko babalik siya sa pinagtiponan natin pero kung alam ko lang na ganun pala ang mangyayari sana pala hindi ko nalang siya pinayagang bumalik dun" pagkatapos niyang sabihin ang salitang ito ay napuno ng buong silid ng hagulhol ni Jerlyn. Seeing her like this also breaks my heart kilala ko si Jerlyn as a lovely girl, mahinhin at mabait kaya masakit din para sa aking makita ang kaibigan ko na wasak at sobrang sasaktan. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD