“Hope this plan won’t flop this time.” kabadong saad ni Jax at napakagat na siya sa kaniyang daliri. “How about the second book? Have you guys read it?” tanong ni Laina at tinuro niya ang libro na nakapatong sa lamesa. Sinundan ko ito ng tingin. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung bakit hindi pa namin binabasa ang pangalawang libro na nakuha namin sa sementeryo. Walang nagsalita sa aming tatlo dahil pinapakiramdaman namin ang isa’t-isa kung sino ang lalapit. Makalipas ang ilang minuto ay ako na ang naglakas loob na lapitan ang libro at tinignan ko ang cover nito. Katulad nang naunang libro, parehas ito ng disenyo. Dahan-dahan ko itong binuhat at tinignan ko ang likuran. Hinaplos ko ang ilang alikabok na natira at luminaw na sa aking paningin ang mga naka-obra sa cover ng libro. “Ou

