Naramdaman kong may pumalupot din na pares ng kamay sa amin at hinagkan kaming dalawa. “I’m glad you’re not mad, Noah.” bulong ko sa tenga niya. “Why would I be mad, ate?” tanong niya at humiwalay na siya sa akin. “Tsaka sabi ni Tatay ayos lang daw na iwan namin si Alota, kakausapin na lang daw niya para maintindihan nito ang sitwasyon. It’s better daw na makalaya kami rito kaysa makulong.” aniya. “Wait…” biglang sumingit si Jax sa gitna namin. Nanginginig ang mga daliri niya nang tinuro niya si Noah. “You talked to Range? When?” gulat niyang tanong, tila, tinubuan ng limang ulo si Noah. “Ngayon lang po.” ngumiti si Noah at tumalikod na siya sa amin. “Tara na po bumalik sa village. Kailangan pa natin kumbinsihin ang mga naiwan doon.” inaya niya kami at nauna na siya. Napalingon a

