Hindi kami nakakibo agad ni Basil sa suhestiyon niya. Nakakapag-duda lang dahil malaki agad ang tiwala niya sa amin. Bigla siyang tumayo at sinenyasan kami na sundan siya. Nagbato kami ng tingin sa isa’t-isa ni Basil. Nagda-dawalang isip kung susunod ba o hindi. Ngunit, sa huli ay sumuko kami at sinundan siya. Dumiretso siya sa may cabinet at may tinanggal siyang libro rito. Saktong nahati sa gitna ang cabinet at bumungad sa amin ang sikretong pintuan. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at hindi nakakibo si Basil sa gilid ko. “This way.” inaya niya kami at nauna na siyang maglakad. Napalunok ako nang masilip ko ang masikip na hallway at madilim. Nilingon ko sa likuran ko si Jax na mahimbing parin ang tulog. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa kaniya diyan kaya’t sumunod na lang kami

