Ngumiti ako sa kaniya ng matamis para kahit paapaano ay gumaan ang kaniyang pakiramdam. Napasinghap ako nang bigla niya akong hinatak papalapit sa kaniya at niyakap niya ako ng mahigpit. Napa-atras si Basil, ngunit, ang kaniyang noo ay nakakunot ang salubong ang kilay. “I’m sorry for beating you up. Let her heal you.” binitawan na niya ako at lumapit siya kay Alota habang hawak ang kamay ko. Inalalayan niya ako sa harapan ni Alota. Napa-atras naman ang kapatid ko at nagbigay daan sa amin. “Alota, do your thing.” minuswestra niya ako at lumayo na siya. Kinabahan ako nang umabante si Alota at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Napapikit ako ng mariin at hinayaan siyang hagurin ang mga palad sa mukha ko. Hindi ako mapalagay dahil ang lamig ng mga kamay niya, ngunit, ramdam ko ang

