Dalawang tao lang naman ang ayaw ko sa aking buhay.
Una ang magulang ko.
Pangalawa yung mga aso ng kapatid ko.
Hindi na ako nakapagpigil pa at pinagmumura ko yung babae sa cellphone. Bago pa man makasagot si Jax ay pinatay ko na ang tawag. Dali-dali akong bumangon sa aking higaan at dumiretso sa walk in closet ko para magbihis. Nang makuntento na ako sa suot ko, which is white tank top na pinatungan ko ng black leather jacket with dark denim pants, and black boots ay lumabas na ako sa aking kwarto.
Hinawi ko ang buhok ko na medyo magulo habang pababa ng hagdanan. Kailangan kong mag-ingat dahil baka gising pa ang magulang ko. Nang mapagtanto kong tulog sila ay kinuha ko ang susi sa drawer at nagmamadali akong lumabas ng bahay.
Agad kong pinaharurot ang motorsiklo ko nang makasakay na ako at dumiretso sa pinakamalapit na bar. Alam kong hindi naman malalayo ang kapatid ko. Hindi nga ako nagkakamali, nandito ang kapatid ko dahil nakikita ko ang ilang sasakyan ng kaibigan niya na madalas pumunta sa amin hindi kalayuan sa paningin ko. Pinarada ko muna ang motor ko at tinanggal ang aking helmet bago bumaba.
Pagkapasok ko sa loob ng bar ay maangas kong tinulak ang mga nakakasalubong ko. Kailangan kong mahanap kung nasaan ang kapatid ko.
"Hoy miss! Makatulak!"
"Aba!"
"Aray! Ang sakit!"
Sari-saring reklamo ang narinig ko. Hindi ko na lang sila pinansin. Kundi ay tinaas ko lang ang middle finger ko sa kanila habang naglalakad palayo. Inabot ng ilang minuto bago ko tuluyang mahanap ang aking kapatid. Ayon sila at nasa pinakasulok ng bar. Nasa isang malaking table silang magbabarkada. May mga beer sa harapan nila.
Pinalagutok ko muna ang mga daliri ko bago lumapit sa kanila. Nang makalapit ako ay hindi nila naramdaman ang presensya ko. Gumalaw ang panga ko.
"Jax."
Agad na napatigil si Jax sa pakikipaghalikan nang marinig niyang tinawag ko siya. Tinulak niya yung babae na halos pumaibabaw na sa kanya at gulat na humarap sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa tsaka siya napalunok sa sobrang takot.
He knows I'm mad. Of course he knows. We're connected. We're identical twins for fvck's sake.
"J-jadey..." ngumiti siya na hindi naman abot hanggang tenga. Ramdam kong natahimik ang mga kabarkada niya at ngayon ay nakatingin na silang lahat sa akin. Baka sang kaba sa mga mata nila.
Inipit ko ang daliri ko sa kanyang tenga at buong pwersa siyang hinila patayo.
"We're going home."
Tango lang ang tangi niyang sagot. Akmang hihilahin ko na siya nang pigilan ako 'nung haliparot.
"And who the hell do you think you are? Why are you bringing my baby along with you?" aniya ng haliparot habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
Sa kanyang sinabi ay dahan-dahan tuloy akong napalingon sa kanya. I can sense na kinakabahan na ang kapatid ko. Akmang pipigilan niya ako nang tinignan ko siya ng matalim. Natahimik naman siya at sinenyasan ako na ituloy ko lang ang balak ko.
Hinarap ko yung babae at tinignan ko rin siya mula paa hanggang ulo. Umismid ako sa presensya niya.
"Baby? Sa pagkakaalam ko ay hindi bagong silang ang kakambal ko." umismid ako.
Tinaasan niya ako ng kilay. "You're his...?-"
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Sinapak ko agad siya ng malakas. Nauubos na ang pasensya ko sa kanila.
Narinig kong napasinghap sa sobrang gulat yung mga kaibigan ni Jax. Hindi ko sila pinansin at hinila ko na lang ang kwelyo 'nung babae na gulat at hindi makapagsalita sa ginawa ko.
"Listen here, b*tch. My brother who's born a slut doesn't like you and your attitude. He just wants to fvck your p*ssy and your heart. And a little reminder, if you show me your face one more time, I'll gonna shred that into pieces like a paper. Got that, sl*t?"
Sa sobrang takot siguro ay sunod-sunod siyang napatango. Ngumisi ako at tinulak siya ng malakas. Sa sobrang lakas ay napa-upo tuloy siya. Inismiran ko na lang siya bago tumalikod at hilahin sa tenga yung kapatid ko.
Pagkalabas namin ng bar ay tinulak ko si Jax at buong lakas siyang sinampal sa mukha. Agad siyang napahawak sa pisngi niya at gulat akong tinignan.
"Jadey..." lalapit na sana siya sa akin nang pahintuin ko siya.
"Stop."
"Ate, magpapaliwanag-"
"Para saan pa Jax?! Ilang beses na kitang niligtas sa magulang natin! Hindi nila alam 'yang mga pinaggagagawa mo! Put*ragis sumosobra ka na!" napahilot ako sa sentido ko. Gusto ko siyang tadyakan sa balls niya pero pinipigilan ko. Ayoko naman ako ang maging dahilan ng pagkaka-baog niya.
"Ilang beses ka na bang nangako, Jax? At ilang beses mo rin bang hindi tinupad ang pangako mo?" kinagat ko ang labi ko dahil naiiyak ako. Tinignan ko si Jax na nakayuko lang at mukhang nahihiya na siya sa akin.
"Ate, magpapaliwanag ako."
Umiling ako. "Hindi na kailangan. Dahil sa huli? Ako rin naman ang mapapagalitan."
Pumunta na ako sa motor ko. Kinuha ko yung helmet at sumakay na ako rito. Sinenyasan ko si Jax na siya ang magmaneho. Dali-dali naman siyang sumunod at agad na umangkas sa motor. Baka hindi ako makapagtimpi at ibangga ko na lang ang motor kung saan. Kilala ako ni Jax, kung gusto kong mawala ay gagawin ko.
Buong biyahe ay tahimik lang kaming dalawa. Hindi ko nga nagawang umakap sa beywang niya sa sobrang galit ko sa kanya. Pagkarating sa bahay ay tinanggal ko na ang helmet ko at agad na bumaba ng motor.
"Bukas, aalis na ako sa bahay. Ayoko na kitang makita pa." seryoso kong sabi.
Agad na nangilid ang luha niya sa sinabi ko. I know he can't accept this. We're close. Nasasabi naming sa isa’t-isa ang hinanakit namin sa buhay, pero simula 'nong maagaw niya ang atensyon ng mgulang namin, medyo lumalayo na ang loob ko sa kanya.
"Ate naman. Huwag ganyan."
Umiling ako sa kanya. "I'm sorry."
Tumalikod na ako sa kanya at dumiretso na sa loob ng bahay. Ramdam kong nakasunod siya sa akin. Pagkapasok naming dalawa sa loob ay binuksan ko ang ilaw sa sala. Ngunit, parehas kaming napanganga sa nakita namin. Nagkatinginan kami ni Jax.
Mga maleta. Apat na malalaking maleta ang nasa harapan namin ngayon. Bukod sa apat na malalaking maleta ay katabi nito ang magulang ko. Parehas na nakatayo at sobrang sama ng tingin sa amin.
"M-mama? Ano 'to?" nauutal kong tanong. I know to myself na gusto kong maglayas pero hindi ko naman inakala na seseryosohin ako ng magulang ko sa aking sinabi.
"Napag desisyunan namin na lilipat kayong dalawa sa inyong lolo sa Death Urban. Sa katapusan na lang kayo ng bakasyon umuwi."
Kulang na lang ay pasukan ng langaw ang bibig ko sa sobrang pag nganga. Ilang minutong katahimikan ang namayani sa aming paligid nang hindi na ako nakatiis. I can't fvcking believe this.
"Mama! Ayoko kila lolo!" she can't bring me there!
Matalim na tingin ang pinukol niya sa akin. "Tumawag na ako kay Papa kanina. Sinabi kong doon kayo mag babakasyon sa kanya." bawat salita ay may diin. Sinasabing kailangan ko siyang sundin kundi ako ang malalagot sa kanya.
"Pero bakit?!" sigaw ko. Hindi ko na kaya pang pigilan ang galit ko. Halo-halo na ang emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong umiyak at magkulong sa kwarto ko.
"Dahil kailangan kayong turuan ng leksyon!" si Papa na ang napasigaw.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa inyong dalawa! Lalo ka na Jade! Hindi mo na kami ginagalang ng Mama mo!" sunod na tinignan niya ay si Jax na kanina pa walang imik sa tabi ko.
"At ikaw, saan ka nanggaling? Akala mo ba ay hindi namin alam ng Mama mo ang pagtakas na ginawa mo?"
"P-papa." napayuko si Jax at sinubukang magpaliwanag pero umiling lang si Papa sa kanya. Kinuyom ko ang kamao ko dahil ang unfair! Bakit ako ang palagi nilang sinisigawan?! Bakit si Jax ang hindi nila pagalitan dahil ito ang maraming kalokohan na ginagawa?!
"At sinundan ka pa talaga ng ate mo. Sa halip na ikaw 'tong pumigil sa kapatid mo!" dinuro ako ni Papa. Parang gusto niya akong sapakin dahil halos makita ko na ang ugat sa leeg niya nang sawayin lang siya ni Mama. Pina-upo siya ni Mama sa couch at siya ang humarap sa akin.
"Kapag hindi ka nagbago Jade-"
"-what?!" sumigaw na ako! "Ano ang gagawin niyo?! Ipapatapon niyo naman ako sa ibang lugar?! Mygosh! Ma! Bakit ba lagi na lang ako ang nakikita niyo?!" tinuro ko si Jax na napatingin sa akin nang duruin ko siya. "Bakit hindi siya?! Mas marami siyang kagag*han sa buhay! Palibhasa kasi mas mahal niyo siya kaysa sa akin! P*t*ng*na lang diba? Ako 'tong walang ibang ginawa kundi-"
Sinampal niya ako.
Malakas at masakit. Sa lakas ng pwersa ay muntikan na akong mawalan ng balanse. Naramdaman kong napahawak sa akin si Jax, inaalalayan ako pero tinabig ko lang ang kamay niya. Napahawak ako sa pisngi ko at hinarap ko si Mama na nakakuyom na ang mga kamao. Ramdam kong nangingilid ang mga luha ko pero pinigilan ko ito.
"Lumayas ka sa harapan ko!" sigaw niya.
Napakagat ako sa labi ko at walang imik na umalis doon. Pagkatalikod na pagkatalikod ko sa kanila ay mabilis na rumagasa ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Sunod-sunod at walang tigil. Paulit-ulit akong huminga ng malalim dahil pakiramdam ko ba ay hindi ako makahinga. Tinakpan ko na lang ang bibig ko at tumakbo paakyat sa kwarto ko.
Pagkarating ko sa kwarto ko ay malakas kong sinarado ang pintuan at tumakbo sa higaan ko. Agad kong sinubsob ang aking mukha sa unan at doon ako umiyak nang umiyak. I cried harder. Tinakpan ko ang mukha ko ng unan at doon ako sumigaw. Sigaw ako nang sigaw hanggang sa mapagod ako.
"Fvck this life." bulong ko tsaka ako bumangon. Lumapit ako sa drawer ko at tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Mapait akong ngumiti nang makita kong gulo-gulo ang itsura ko. Mula sa mukha hanggang buhok ko. Wala sa sarili kong binuksan ang aking drawer at nang may nakita akong gunting agad ko itong kinuha.
Nanginginig ko itong pinagmasdan. Sawa na ako. Gusto ko nang matapos 'to lahat. Ako na lang ang mali palagi. Ako na lang ang palagi nilang nakikita. Bawat galaw ko, mali. Bawat salita ko, mali. Hindi ko alam kung saan na ako lulugar pa. Kaya mainam na yung tapusin ko ang buhay ko. Tutal, andiyan pa naman si Jax. May matitira pa silang anak. Buti nga yung pinakamamahal nilang anak ang ititira ko. Para wala na silang po-problemahin pa.
Bumwelo ako at akmang sasaksakin ko na ang sarili ko nang may pumigil sa akin. Napasigaw ako at sinubukan kong agawin ang gunting pero mas malakas siya. Matalim kong tinignan si Jax na pilit na inaagaw yung gunting sa akin.
"Ate! Huwag!" buong lakas niyang hinila yung gunting. Nabitawan ko tuloy ito at tumama ito sa pader. Akmang pupulutin ko yung gunting nang yakapin ako ni Jax.
"A-ate..." nanginginig siya. "Please, huwag mong gagawin 'yon. Ayokong mawala ka."
Umiling ako habang may luha na tumutulo sa pisngi ko. "Ayoko na Jax! Sawa na ako! Sawang-sawa na ako! Gusto ko nang mawala!" napumiglas ako sa kanya. Kailangan kong makuha yung gunting.
"Ate! Tumigil ka na!" mas lalo niyang hinigpitan ang pagkaka-akap niya sa akin.
"I'm sorry ate...I'm really sorry." bulong niya sa tenga ko. "A-alam kong ako ang may mali rito pero ate, hindi solusyon ang magpakamatay. Ate, kailangan kita. Kailangan ka namin nila Mama. Hindi mabubuo ang pamilya natin nang wala ka. Sorry na ate, please. Huwag kang magpakamatay. Mahal kita." umiyak na siya sa balikat ko. Paulit-ulit niyang sinasabi na kailangan niya ako at mahal niya ako. Napapikit ako at inakap ko rin siya pabalik.
Nanginginig akong nagsalita. "J-jax, mahal din kita. Pero ayoko na kasi." napahagulgol na ako. Humiwalay siya sa akin at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Pinunasan niya ang pisngi ko gamit ang thumb niya tsaka niya paulit-ulit na hinaplos ang aking ulo. Mas matangkad siya sa akin kaya't nagagawa niya 'to.