Kumukulo agad ang dugo ko sa inis.
Bakit? Paano ba naman ay sa harapan ko mismo may ginagawang milagro ang kapatid ko. Hindi ba nila maramdaman na may tao at pinapanuod sila? Sa kama ko pa talaga nila ginagawa ang bagay na ito.
I watch in disgust how my brother licks the girl’s neck. Yung babae naman? Ayon, grabe kung gumawa ng tunog. Parang sarap na sarap sa ginagawa ng kapatid ko. Sa sobrang irita ko ay kinuhanan ko nga ng litrato. Timping-timpi lang ako na sapakin sila dahil hinihintay kong kusa silang tumigil. Ngunit, lumipas ang ilang minuto ay patuloy parin sila.
"Oh my gosh...Jax!" ungol pa ng babae sa pangalan ng kapatid ko.
Hindi ba sila nakakaramdam na may tao sa likuran nila? Napahilamos ako sa mukha ko. Gusto ko silang ihampas parehas sa pader! Hindi na ako nakatiis pa at dali-dali na akong lumapit sa pwesto nila. Padabog ang bawat hakbang ko para marinig nila. Pero yung dalawa? Ayun, patuloy lang sa live action na ginagawa. Parang hindi sila nakakaramdam na may tao at nakakarinig. Sa sobrang irita ko ay hinawakan ko sa ankle ang kakambal ko at hinatak siya. Sa lakas ng pagkakahatak ko ay bigla siyang dumausdos papunta sa sahig. Tumama pa ang ulo niya sa gilid ng kama.
Tinignan ko yung babae na gulat sa nangyari. Nanlisik ang mga mata ko sa kaniya. Hindi ko na pinansin pa yung reklamo ng kapatid ko sa likuran ko. Sa halip, humarap pa ako sa kanya at tinadyakan siya sa pagitan ng hita niya. Ayun, napatili ang loko sa sobrang sakit. Napahawak siya rito at napa-upo sa sahig, dumadaing sa sakit.
Hinarap ko yung babae. "Get out."
Hindi siya nakagalaw agad.
Umigting ang panga ko. Sa sobrang inis ay hinawakan ko siya sa buhok niya. Pinulot ko ang lahat ng gamit niya at kinaladkad siya palabas ng kwarto ko. Agad namang nag pumiglas yung babae pero mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa buhok niya. Hanggang sa pagbaba namin ng hagdan ay kinakaladkad ko parin siya. Wala siyang saplot kahit na ano. Napadaan kami sa living room kung saan nandoon ang magulang ko. Nang makita nila kami ay parehas silang napanganga sa nakita.
"Anak!-"
Hindi ko pinansin si Mama na naging armalite nanaman ang bibig. Dinaig pa niya ang kahit sinong rapper sa sobrang bilis magsalita. Si Papa naman ay napatakip sa kanyang mga mata.
Pagkarating namin sa pintuan ay binuksan ko 'to. Tinulak ko siya palabas. Nanlaki ang mata niya nang makita niyang sobrang daming tao ang nasa labas at ngayon ay napapatingin na sa kanya dahil hubad siya.
Tinulak ko sa kanya ang lahat ng gamit niya. "Bye." at malakas kong sinara ang pintuan sa mismong harapan niya.
Pagkasara ng pintuan ay nakahinga ako ng maluwag. Naririnig ko ang kaniyang sigaw at pagmamakaawa pero hindi ko ito pinansin. Akmang aakyat na ako papunta sa kwarto ko sa taas nang tawagin ni Mama ang buong pangalan ko.
"Jadee Clarissa Brown!"
Napahinto ako at walang emosyon na humarap sa kanya. "Yes? You callin' me?"
Agad na kumunot ang noo niya sa tono ng pananalita ko. "Bakit mo ginawa 'yon sa girlfriend ng kapatid mo?!"
"Correction mother." pumitik pa ako sa ere. "B*tch ng kapatid ko."
"Jade." sumingit si Papa. "'Yang pananalita mo, ayusin." pag babanta niya.
"Please." napa-irap ako. "Bakit ako 'tong pinapagalitan niyo? Bakit hindi yung kakambal ko na kung sinu-sino ang babaeng katalik ang dinadala rito sa bahay natin!"
I was fuming mad. Paulit-ulit na lang kaming ganito. Sa tuwing may ginagawang kasalanan ang kapatid ko, ako palagi ang pinapagalitan. Palagi nilang katwiran ay mas matanda raw ako sa kakambal ko. Mas matanda lang naman ako ng dalawang minuto!
"JADE!" napatayo na si Papa sa couch. Akmang susugod na siya sa akin nang pigilan siya ni Mama. Umupo ulit si Papa sa couch pero ang tingin niya ay hindi parin naaalis sa akin.
"Jade. Intindihin mo na lang-"
"Intindhin?! Wow!" napapalakpak ako. "Magaling! Ako pa 'tong mag a-adjust para sa kanya?! Bakit ba lagi na lang ako ang pinagsasabihan niyo?! Ako naman 'tong hamak na mas matino sa aming dalawa!"
"Kapag hindi mo inayos 'yang pananalita mo sa amin Jade, papalayasin na kita rito sa pamamahay ko!" sigaw ni Mama. Mukhang na tulak ko nanaman ang temper niya. Pero wala akong pake. May karapatan akong magalit. Lagi na lang nila akong sinisisi, eh. Always!
"Sige! Gawin mo! I can't wait! Saglit lang ah? Pupunta lang ako sa kwarto ko nang makapag-impake na! Good bye!"
Bago pa man nila ako masigawan ay dali-dali na akong umalis sa harapan nila. Habang padabog na naglalakad ay hindi ko na napigilang tumulo ang aking luha. Sunod-sunod ang agos nito na parang lawa. I choke back a sob. Marahas ko itong pinunasan.
Paborito kasi nila si Jax dahil mas matalino siya sa akin. Gifted child ang kakambal ko na 'yon. Mas magaling siya sa akin sa lahat ng bagay. Mula sa pagluluto hanggang sa pagtutupi ng damit, magaling siya. At ako? Ayon sa magulang ko ay ako yung tatamad-tamad. Buti pa raw si Jax, malaki ang pwedeng maitulong sa kanila. Pero ako? Wala akong kwenta ayon sa kanila.
Si Jax, top one 'yan sa klase namin. At ako? Ayon, ni maka-abot nga lang sa top thirty ay hindi ko magawa. Kaga-graduate lang namin ng senior high 'nong isang linggo. Siyempre yung magulang ko sobrang proud kay Jax. At ako, muntikan pang hindi maka-martsa dahil nahuli ako ng adviser namin na nangongopya. Ganon kahigpit sa eskwelahan namin.
Wala na raw akong ibang ginawa kundi ang pasakitin ang ulo nila. Sorry naman. At least ako hindi nagrerebelde. Hindi pa nga ako nakakainom ng alak. Pero 'yang si Jax? Kahit talented ang kakambal ko na 'yan ang dami niyang kalokohan sa buhay. Sadyang hindi lang napapansin ng magulang ko dahil ako ang lagi nilang pinagtutuunan ng pansin.
Hindi ko na napigilan ay napahagulgol na ako. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Ginawa ko naman ang lahat para maging proud sila sa akin pero masyado silang bulag sa pagmamahal kay Jax. Sa sobrang paghanga nila sa kapatid ko ay nakalimutan nilang may isa pa silang anak.
Pagkarating ko sa kwarto ko ay nakita kong nandon parin si Jax. May suot na siyang damit ngayon. Hindi katulad kanina na nakita ko na ang pinakatinatago niya. Kakambal ko naman siya kaya sanay na ako. Kung ibang lalaki lang siya ay baka putulan ko pa siya ng ganon.
"Bakit nandito ka pa?" malamig kong tanong sa kanya. Lumapit ako sa higaan ko at sinimulan ko ng ayusin yung sapin ko dahil ayokong matulog nang amoy medisina 'tong higaan ko. Kadiri lang.
"Bakit umiiyak ka?" seryoso niyang tanong. Lumapit siya para tignan ang mukha ko pero tinabig ko ang kamay niya. Matalim ko siyang tinignan.
"Huwag itanong kung may obvious na sagot, Jax."
Napabuga siya ng hangin at nagbaba ng tingin. "Sorry na, ate."
Inirapan ko siya. "Huwag mo akong ma-ate-ate diyan. Tadyakan kita sa balls mo."
"Tinadyakan mo na nga ako kanina." lumabi siya.
"Tatadyakan ulit kita."
"Huy! Tama naman na!" napa-atras tuloy siya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin. Pumunta ako sa basket ko at initsa ko 'ron ang sapin ng higaan ko. Sumunod naman agad sa akin si Jax.
"Huy, sorry na." sinundot niya ang braso ko. Pero hinuli ko ito at pinalipit ko. Napahiyaw siya sa sobrang sakit. Agad ko itong binitawan at pinunas sa damit ko. Malay ko ba kung saan niya sinundot ang daliri niya kanina 'nong nandito yung babae.
"Bakit ang brutal mo?!" nakangiwi niyang saad habang nakatingin sa daliri niya na halos mabali na.
"Bakit ang lib*g mo?"
"'Yang bibig mo Jadey!" singhal niya.
Inis akong humarap sa kanya. "Pwede bang tigilan mo na ako, Jax?! Kung hindi dahil sa'yo hindi mag kakanda letse-letse 'tong buhay ko eh!"
Natahimik siya sa sinabi ko. He was about to open his mouth to say something nang lagpasan ko siya at dumiretso sa walk in closet ko. Kinuha ko sa isang cabinet ang maleta ko. Pagkatapos ay pumunta ako sa damitan ko at sinimulan ko nang mag impake ng mga damit ko. Narinig kong sumunod sa akin si Jax. Tinignan ko siya mula sa balikat ko at nakita kong nanlaki ang mata niya.
"Jadey!" lumapit siya sa akin at hinatak niya ang maleta sa kamay ko. "Tigilan mo 'yan!"
"Huwag mo nga akong tawaging Jadey!" hinatak ko sa kanya ang maleta ko. "At hindi mo ako mapipigilan!" nagpatuloy ako sa pag i-impake ng mga gamit ko pero pinigilan ako ni Jax.
Hinawakan niya ng mahigpit ang magkabila kong kamay at hinarap niya ako sa kanya.
"Sorry na ate. Huwag ka namang ganito, oh. Promise, sa susunod hindi ko na uulitin mang-babae. Huwag ka lang maglayas." inakap niya ako. Ramdam kong nakalabi siya sa leeg ko. Napapikit ako at napabuga ng hangin. Ano pa ba ang magagawa ko? Kahit na ganito si Jax, mahal na mahal ko 'yang kakambal ko.
Sumuko agad ako. Inakap ko rin siya pabalik at hinaplos ko ang likod niya.
"Oo na, pinapatawad na kitang hayop ka."
Natawa siya. "Love you ate!"
Napa-irap ako. "Fvck you too."
Natuwa naman siya at ginulo ang buhok ko. Inaya na lang niya akong mag laro ng play station ditto sa kwarto ko para gumaan naman daw ang pakiramdam ko. Napabuga ako ng hininga at tinanggap ang suhestiyon niya. Hindi ko alam kung ilang oras kaming naglaro dahil nagising akong may tumutunog sa gilid ko.
Napakunot ang noo ko at kinapa-kapa ko ang gilid ko habang nakapikit. Dinilat ko ang mata ko nang mahawakan ko ang cellphone ko. Napatingin ako sa paligid. Gabi na pala, hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nagtaka ako nang mapagtanto kong wala ang kapatid ko. Nasaan si Jax? Kanina lang ay naglalaro kami. Kinusot-kusot ko ang mata ko at binuksan ang cellphone. Halos mapamura ako sa inis nang biglang tumama sa mata ko ang ilaw. Inaantok pa ako, eh. Sino ba 'tong istorbo na 'to ang gumugulo sa akin?!
Nagsalubong ang kilay ko nang makita kong tumatawag sa akin si Jax. Bakit tumatawag ang alupong na 'to? Kitang ayos naman na kami. Kahit na malaki ang galit at inggit ko sa kanya, malapit parin kaming dalawa sa isa't-isa.
Sinagot ko na ang tawag. Napahikab pa ako. "H-hello?" medyo paos pa ang boses ko.
"A-ate..."
Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ni Jax. Mukhang kinakabahn siya ayon sa tono ng boses niya. Wala sa sarili tuloy akong napatingin sa cellphone ko. Bakit parang ang ingay sa kabilang linya? Nasaan siya?
"Oh, bakit?" Humikab ako. Tinignan ko kung anong oras na. Napamura ako ng malutong. Ala una na ng madaling araw! Gag* 'to ah. Bakit niya ako ginugulo ng ganitong oras? Wala ba siya sa kwarto niya?
"A-ate, huwag mo akong isusumbong kila Mama." nanginig ang boses niya.
Lalo akong nagtaka. "Nasaan ka ba?"
Hindi siya agad nakasagot. Naghintay ako ng ilang minuto sa kanya nang marinig kong huminga siya ng malalim. Para siyang kinakabahan. Siguro ay naghahanap pa siya ng tamang tyempo kung pano niya ipapaliwanag sa akin ang gusto niyang sasabihin.
"Nasa bar ako. Tumakas ako sa bahay kanina."
"Ah, okay." papatayin ko na sana ang tawag para bumalik na sa aking pagtulog nang mapagtanto ko kung ano ang sinabi ni Jax.
"Put*ng*** ano?! Paano kang nakapunta diyan?" sunod-sunod kong sigaw.
"Lumangoy ako sa kalsada." pag-pipilosopo niya sa akin. Minura ko nga siya ng malutong.
"Bibig mo ate!" saway niya sa akin. Napa-ikot ako ng mata dahil ilang beses na niya akong sinasaway sa pagmumura ko. Eh anong magagawa niya, ganito na talaga ako.
"Anong gusto mong gawin ko? Sunduin ka?"
"Sana..." bulong niya. Magsasalita sana ako nang marinig kong may naghiyawan sa kabilang linya. Napakunot ako ng noo nang marinig kong napasinghap si Jax.
"Hoy! Jax? Ano'ng nangyayari?"
"A-ate..." parang hirap na hirap siya magsalita.
"Huy! Gag*! Magsalita ka nga ng maayos! Ano-"
Bigla siyang sumingit. "-ate, sunduin mo na ak-ahhh...."
Napanganga ako nang marinig ko siyang umungol. Hindi lang isa, kundi tatlong beses. Mukhang nasa kalagitnaan ng pakikipagharutan yung kakambal ko habang katawagan ako. Humigpit ang pagkakakahawak ko sa cellphone ko at sunod-sunod akong napamura. Bigla tuloy nabuhay ang dugo ko. Humanda siya sa akin.