NADIA Nakatayo siya sa harap ng sliding door kung saan tanaw niya ang swimming pool. Nagugustuhan niya ang view dito sa silid nila dahil nakikita niya ang papalubog ng araw. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na engaged na sila ni Dave. Panghahawakan niya ang pangako nila sa isa't-isa. Hindi siya susuko sa pagmamahalan nila. Inabot niya ang kuwentas kung saan nakasabit ang singsing na binigay nito kanina. Hindi niya inaakala iyong nakita niya sa closet nito ay para sa kanya pala. Natigilan siya. Aaminin niya na nababahala siya kung saan patutunguhan itong relasyon nila. Ikakasal na sa iba si Dave, at tutol sa kanya ang pamilya nito. Hindi niya alam kung saan niya ilulugar ang kanyang sarili. Hindi pa rin sapat kung hanggang kailan siya kakapit sa pangako nito. Napasinghap

