bc

Behind Closed Doors

book_age18+
447
FOLLOW
4.6K
READ
love-triangle
HE
heir/heiress
bxg
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Siya si Nadia Suarez, dalawampu't apat na taong gulang. Kinaiinggitan siya ng marami dahil sa halos perpektong buhay, pero ang hindi alam ng mga tao ay kabit siya ni Dave Lazaro. Anak ng tanyag na gobernador at isang successful na businessman si Dave. Dahil sa pagmamahal ay handa si Nadia na manatili sa tabi ni Dave kahit bilang kabit.

Hanggang kailan makakaya ni Nadia na itago ang relasyon nila ni Dave? Makakawala pa kaya siya sa kasunduan nila o mananatili na lang siya na isang babaeng hindi kayang ipaglaban ng taong mahal niya?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Nadia Nakatanaw na lamang si Nadia sa papalayong kaibigan niya na si Grace. Napabuntong-hininga na lamang siya dahil sa sitwasyon na kinasusuungan nito. Naaawa siya rito dahil sa pinagdaanan nito sa buhay. Palagi kasi itong sinasaktan ng madrasta nito. Kung naging mayaman lamang siya ay maaari nilang kupkupin ang magkapatid. Ngunit, pareho lamang silang mahirap. Kaya nga nagsusumikap siya para maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan. Siya si Nadia Suarez. Dalawampu’t-dalawang taong gulang na siya. Nakatira siya sa squatters area, at magkapitbahay sila ni Grace. Ang trabaho niya ay isang cigarette girl, stripper, at minsan naman ay waitress. Kailangan niyang kumayod upang makapagtapos sa pag-aaral niya, at makapagbigay ng pera para sa kanyang pamilya. Simula nang magmulat siya sa totoong mundo ay hindi madaling mamuhay. Kapag hindi kumayod, at tumayo sa sarili niyang mga paa ay hindi talaga makakamit ang ninanais niya. Kaya nga hindi siya tumigil sa pagtatrabaho, at pag-aaral. Malapit na siyang matapos kaya hindi pwedeng tumigil siya ngayon. Kahit mahirap ay hindi siya sumuko sa laban. “Miss, how much is your cigarette?” Nabaling ang kanyang atensyon sa customer niya. “Po?” He scoffed. “Kanina pa ako rito, pero hindi mo ako narinig? Nagbebenta ka ba o tutunganga ka lang diyan?” “Pasensya na po, sir.” Ngumiwi siya, at humingi siya rito ng pasensya dahil nakatuon ang kanyang atensyon sa unahan, at hindi man lang niya ito napansin. Padaskol nitong kinuha ang isang pakete ng sigarilyo na nasa tray niya. “Magkano ito?” “Isang daan piso po, sir.” Kumuha ito ng pera sa coat nito, at bigla na lamang nitong tinapon sa mukha niya. Umalis na ito, at tumungo sa loob ng club. Napahigpit ang kanyang pagkakahawak sa tray, at nagngitngit ang kalooban niya dahil sa bastos niyang customer. Talagang walang modo ang lalaking iyon. Kung hindi lang niya kailangan ng pera ngayon ay hindi siya mangingiming ihambalos itong hawak niya. Kinagat niya ang kanyang labi, at huminga ng malalim upang pakalmahin ang kanyang sarili. Tinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa paninda niya. Malapit na rin naman maubos itong kanyang binebentang iba’t-ibang klaseng candy, at sigarilyo. “Miss!” Hinanap ng kanyang mga mata kung sino ang tumawag sa kanya o siya ba talaga ang tinawag. Napapitlag siya nang makarinig siya ng malakas na busina ng sasakyan. Muntik na niyang maitapon ang kanyang paninda. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng kabog ng kanyang puso. Masamang tingin ang kanyang pinukol sa lalaking kalalabas lang ng sasakyan. Hindi niya pa maaninag ang pagmumukha nito dahil sa sinag ng ilaw ng kotse nito. “I’m sorry, miss. Hindi ko sinasadya na gulatin ka. Ayos ka lang ba?” Umayos siya nang tayo, at pinagmasdan niya ito nang mabuti. Sa tindig nito, at itsura ng lalaki ay halatang may kaya ito sa buhay. “Anong sa tingin mo? Ikaw kaya ang businahan nang malakas?” Napahagod ito ng buhok, at mahinang tumawa. Nagpanting ang tainga niya sa kanyang narinig mula rito. Naniningkit ang kanyang mga mata habang tinitigan niya ang lalaki. “Anong nakakatawa?” “My apologies. It's just that you are cute when you get mad.” Umingos siya rito. Wala siyang mapapala rito kung papatulan pa niya ang lalaki. Tinalikuran na niya ito, at hahakbang na sana siya ng may pumigil sa kanya. Napatingin siya sa kamay na nasa kaliwang braso niya. “Gusto ko lang ubusin lahat ng paninda mo, kung okay lang sa’yo?” Napaisip siya. Ngayon lang naman sila magkikita ulit ng lalaki kaya mas mabuting magpakumbaba na lang siya para maubos ang paninda niya. “2, 400 po lahat, sir, kasama na iyong mga candy.” Dumukot ito ng iilang libo sa wallet nito, at nilapag nito sa tray niya. Kinuha niya ang pera, at binilang ito. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang malaman niya kung magkano ang binayad nito. “Sir, sobra po ang binigay ninyo sa akin.” Ngumiti ito. Napakurap siya nang makita niya kung gaano kaganda ang pagngiti nito. Hindi niya akalain na mas lalo pa itong gumagwapo sa kanyang paningin. Hindi pa niya ito nakikita rito. Ngayong gabi lamang niya ito nakita. Dayo ba ito sa kanilang lugar? “Keep the change, miss. Bigyan mo rin ang kaibigan mo.” Nagkasalubong ang kilay niya sa sinabi nito. “Anong sabi mo? Kanina mo pa ba kami minamanmanan ng kaibigan ko?” “Kanina ko pa kasi kayo napapansin. Huwag kang magulat kung binigyan kita ng pera. I just want to help.” Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Hindi siya naniniwala sa sinasabi nito. Help? Anong tingin nito sa kanya… nanghihingi ng tulong? Teka… huwag nitong sabihin na stalker niya ito? “Sa kinikilos mo, sir, talagang nakakapagduda." "No, miss. Mali ka sa iniisip mo. Gusto ko lamang bilhin lahat ito upang makauwi ka ng maaga para makapagpahinga ka—" Napatigil ito sa pagsasalita ng may isang lalaking umakbay dito, at hinila ito patungo sa loob ng bar. "Teka! Sir, iyong binili mo naiwan!" Hinabol niya ang lalaki, at akmang papasok na sana siya ay bigla na lamang siyang pinigilan ng bouncer. "Kuya, gusto ko lamang ibigay itong mga paninda ko sa isang customer na kapapasok lang." "Miss, kung ibang tactics na naman iyan ay huwag mo ng balakin. Bawal kayong magbenta sa loob." Patingin-tingin siya sa loob. Wala siyang makita kasi nakaharang sa harapan niya ang dalawang bouncer. Pinagsalikop pa niya ang kanyang mga kamay, at nagmamakaawa siya sa dalawa, subalit wala talagang balak na papasukin siya. "Kuya, please, kung gusto po ninyo ay tawagin po ninyo siya para maibigay ko itong paninda ko." Nagkatinginan pa ang dalawa, at nakita niya ang isang bouncer na tumango. "Ano ba ang pangalan niya, miss?" Napangiwi siya. "Hindi ko po siya kilala, Kuya. Mestiso po siya. Parang dayo po siya rito. Iyong kapapasok lang po sa loob. Nakasuot po siya ng puting polo." "Kapapasok lang? Baka si Sir Dave, iyong anak ni Gov. Lazaro." Kumunot ang noo niya. Sa pagkakaalam niya ay may limang anak si Governor David Lazaro. Ngunit, tatlo pa lang ang nakita niya sa anak nito na palagi nitong kasama. "Anak ni Governor Lazaro?" "Oo, tisoy iyon si Sir Dave. Sa pagkakasabi mo na mestiso, at dayo ay kilala namin siya. Minsan lamang uuwi si Sir Dave rito kasi abala rin iyon sa negosyo." Tama! Kung hindi niya maibigay itong binili ng lalaki ay pupuntahan niya ito sa bahay nito. —— Kinabukasan ay maaga siyang umalis upang maihatid niya ang binili ng lalaki kagabi. Nakasakay siya sa motorsiklo para ihatid siya sa bahay ng lalaki. Hindi siya sigurado, kung ang lalaki ba talaga ang tinutukoy ng dalawang bouncer kagabi. Bumaling siya sa driver. "Manong, ilang oras po ba tayo papunta sa bahay nila Gobernador Lazaro?" Sumulyap si Manong Driver sa kanya. Kaagad naman nitong binawi ang tingin, at tinuon ulit ang atensyon sa daan. "Dito sa Panacan patungong Tibungco ay aabutin po ng labinlimang minuto, ma'am." "Manong, tanong ko lang po, kilala ninyo po ba si Sir Dave Lazaro? Nakatira pa rin ba siya sa bahay nina Gobernador Lazaro?" Nakita niya ang kislap sa mga mata nito nang bumaling ito sa kanya. "Oo, ma'am! Kilalang-kilala po siya sa Davao. Siya ang mabait na anak ni gobernador. May kakambal po siya na si Kristela. Mag-ingat ka lang po sa tatlong lalaking kapatid ni Sir Dave." Kumunot ang noo niya sa huling sinabi nito. "Anong ibig ninyo pong sabihin?" "Hindi ninyo po ba alam?" Naguguluhan siya sa sinasabi nito. "Anong hindi ko alam? Anong tinutukoy ninyo, Manong?" "Lahat ng mga naninirahan dito sa Davao ay alam ang tungkol sa kanila." Mahina siyang natawa dahil pakiramdam niya ay tinatakot siya nito. Narinig niya ang rumor ng tatlong magkapatid, pero hindi pa niya ang mga ito nakakasalamuha kaya wala talagang pruweba na totoo talaga. Nagtataka siya nang bigla nitong hininto ang motorsiklo. "Nandito na tayo, ma'am." Dumungaw siya upang tingnan ang nasa labas. Bumaba na siya sa motorsiklo, at nagbayad dito. Umalis na rin ito nang inabot niya ang bayad. Finally! Nandito na rin siya sa harap ng pamamahay ni Governor Lazaro. Nasa harapan siya ng itim na gate habang hawak niya ang isang paper bag na naglalaman ng paninda niya kagabi. Sa totoo lang, habang papunta siya rito sa pamamahay ng Gobernador ay sobrang kabog ng kanyang dibdib. Huminga muna siya ng malalim bago niya pinindot ang doorbell. Pagkapindot niya ay bigla na lamang siyang nagulat ng may nagsalita mula sa screen. Makalaunan ay namangha siya sa pagka-high tech. "Sino sila?" Isang boses ng babae ang nagsalita. "Nadia po. Nandiyan po ba si Sir Dave?" "Anong kailangan mo kay Sir Dave?" Napairap siya. Nagtanong nga siya rito, pero tanong din ang sagot. Iba rin itong kausap niya. "Hindi mo pa nga sinasagot ang tanong ko, tanong din ang sagot mo sa akin. Ang sagot mo dapat ay oo o hindi lang," pasupladang aniya. Narinig niya ang pagsinghap ng kausap niya. "Ang bastos mong babae ka! Ikaw na nga ang may kailangan, ikaw pa itong bastos." Kumunot ang noo niya nang makarinig siya ng komusyon sa kabilang linya. "Sino ang kausap mo, Manang Nita?" "Sir Stevan, may naghahanap po kay Sir Dave." "Sino?" "Nadia raw po." "Nadia?" Bigla na lang tumahimik ang nasa kabilang linya. "Hello?" Bigla na lang bumukas ang pintuan. Napa-wow siya nang makita ang automatic na pagbukas ng gate. Iba na talaga kapag mayaman. Lahat na lang ng kagamitan ay high-tech. Pagpasok pa lang niya ay bumungad sa kanya ang mala paraisong kapaligiran. "Miss, ako ang maghahatid sa'yo patungong hardin dahil nasa hardin si Sir Dave." Nabaling ang tingin niya sa guard. "Alam kong namangha ka kasi halata sa ekspresyon mo, miss." Mahina siyang natawa sa sinabi nito. "Nakakamangha kasi sa sobrang ganda po ng bahay nila, at para akong nasa paraiso." Napapamangha si Nadia sa sobrang lawak ng paligid ng mga Lazaro. Puno ng iba't-ibang halaman, bulaklak, at naglalakihang punong kahoy. Dito sa kinatatayuan niya mula sa dulo ay may nakahilerang pulang rosas sa magkabilang gilid niya. Nasa gitna naman ay may malaking statue. Parang isang babae na may hawak na violin. "Iyang statue na nasa gitna ay si Mayor Angelique Lazaro." "Mayor Angelique?" gulat niyang sabi. Hindi siya makapaniwala na nandito siya sa mismong statue. Nagmamadaling tumakbo siya patungo sa statue. Hindi na niya naisip na pwede siyang paalisin dahil isa siyang dayo sa pamamahay ng mga Lazaro. Ngunit, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili dahil si Mayor Angelique ay isa sa iniidolo niya. Narinig, at nakita na niya ito na nag-violin. Talagang magaling ito. Narinig niya ang pagtawag sa kanya ng security guard, pero hindi niya ito pinansin. Tutok ang atensyon niya sa statue. Kahit statue lang ay nakikita niya ang pagkasopistikada ni Mayor Angelique. Sobrang ganda talaga nito. Hindi nakakasawang tingnan. Hindi nga halata sa itsura nito na may limang anak. "Who are you?" Napapitlag siya sa biglaang pagsulpot ng isang lalaki. Kunot ang noo nito habang pinagmasdan siya. Nakasando ito na itim, at nakajugging pants lang ito. Batak na batak ang muscles nito sa braso. Halatang kagagaling lang nito sa pag-eehersisyo. Tumutulo pa kasi ang pawis nito mula sa mukha hanggang leeg nito. Sh*t! Para itong bumaba mula sa langit. Sobra nitong pogi. "Wait! Natandaan kita, miss. Ikaw iyong cigarette girl kagabi." Biglang umaaliwalas ang mukha nito, at ngumiti ito sa kanya. Nakita niya ang pantay, at kumikintab sa kaputian ang ngipin ng lalaki. "Bakit ka pala nandito?" "Ah eh…" Parang naumid ang dila niya ng makaharap ito. Nawala sa isip niya kung ano ang pinunta niya rito. Napakurap siya sa biglaang pagtawa nito. Pati ang tawa nito ay kay sarap pakinggan. Ano ba itong nangyayari sa kanya? Tumikhim siya dahil para siyang timang sa harapan nito. Naalala niyang pumunta siya rito upang ibigay ang binili nito sa kanya kagabi. "Sir, ibibigay ko sana itong binili mo kaga—" Naputol ang sasabihin niya rito nang biglang dumating si Manong Guard. "Sir, pasensya, kung nahuli ako. Bigla na lang kasi itong tumakbo patungo rito," hinihingal na sabi ni Manong Guard sabay turo sa kanya. "Pasensya na po, Manong. Idol ko kasi si Mayor Angelique kaya hindi ko mapigilan na hindi tumakbo patungo rito. Gusto ko kasing makita ng malapitan." Umiiling lamang si Manong sa kanya. "Ano nga ang sabi mo kanina na binili ko, miss?" "Iyong my sigarilyo po, sir." Nabigla siya ng tumawa ito nang malakas. Nagtataka niyang tiningnan ito. "May nakakatawa ba, sir?" Tumigil ito, at tumikhim dahil nakita nito ang kanyang ekspresyon. Wala siyang makita kung saan ang nakakatawa roon sa sinabi niya. "Iyong tungkol sa sigarilyo, pwede mong ibenta sa iba. Kung gusto mo, ibigay mo kay Manong ang sigarilyo." Akmang aangal na sana siya nang bigla na lang marinig nila ang ugong ng sasakyan, at pagtawag ng isang babae. "Sir Dave, gusto ka pong makausap ng ama mo," sabi ng isang katulong na may edad na. "Susunod ako." Isang sulyap muna sa kanya ng lalaki bago siya nito nilagpasan. Wala na siyang ibang nagawa kung 'di ibigay na lang ang kanyang hawak sa guard, at umalis na. — Nandito siya ngayon sa bench ng eskwelahan nila. Nakatuon ang kanyang atensyon sa kanyang passbook. May kulang pa siya na kailangan niyang bayaran. Nilapag niya muna ang passbook sa sementadong mesa upang kunin niya ang kanyang wallet. Tiningnan niya ang loob ng wallet niya, at binilang niya, kung magkano na lang ang natira. Napabuntong-hininga na lamang siya nang malaman niya na isang daan peso na lang natira. Sinapo niya ang kanyang noo dahil hindi na niya alam kung paano siya makapagbayad ng tuition fee niya. Kulang pa ang pambili niya ng gamot ni Tatay. Wala pa naman siyang raket ngayon. "Hoy!" Muntik na niyang mabitawan ang hawak niyang passbook dahil bigla na lang may umakbay sa kanya mula sa likuran. “Ano ba naman iyan, Hannah!" Natawa ito sa reaksyon niya. Napairap na lang siya dahil hindi talaga siya nito tinatantanan. "Bakit sambakol iyang mukha mo? Anong problema?" Napansin nito ang hawak niyang wallet. "Kain ka muna, Nadia." Nilapag nito ang isang supot. Nagtataka naman siyang napatingin dito. "Hindi ka sana nag-abala, Hannah." Umismid ito sa kanya, at inirapan siya nito. "Huwag kang tumanggi. Kumain ka na riyan dahil kanina ka pa hindi kumakain." Nagpasalamat siya rito, at binuksan ang supot. Nakita niya ang dalawang chicken burger. Umaaliwalas ang mukha niya nang makita ang paborito niyang pagkain. Nilantakan kaagad niya ito dahil kanina pa talaga siya gutom, pero iniinda lang niya dahil ayaw niyang gumastos. Tinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa kanyang pagkain. Habang kumakain siya ay may narinig siyang komusyon mula sa likuran nila. Hindi na niya pinapansin ang komusyon, at ipagpatuloy ang pagkain niya. Ngunit, sa sobrang ingay nila ay hindi niya maiwasan na hindi marinig ang pinagsasabi ng dalawang babae. “Sheena, inimbitahan ba ni Dave, ang boyfriend mo? Balita ko, dating kaklase ni John si Dave.” "Ang daming Dave, Marga." “Si Dave Lazaro, Sheena. Iyong sikat na varsity player.” Dave…Kahit dito sa school nila ay kilala rin pala ang lalaking iyon. Akalain ba naman niya na ang bumili sa kanya kagabi ay anak ng gobernador nila. Isa pa, pareho rin pala sila na pinapasukan ng lalaki. Ang liit talaga ng mundo. Hindi na siya magtataka kung bakit kilala ng mga ito dahil mayamang pamilya ang mga Lazaro. Also, his family is the most well-known political dynasty in the Philippines. Hindi na niya narinig ang mga pinag-uusapan ng mga ito dahil umalis na ang dalawa sa mismong likuran nila. “Hay naku! Wala talagang bukambibig ng mga kaklase natin ang Dave na iyan. Puro Dave ng Dave! Jusko! Dudugo na ang tainga ko sa kanila.” Napailing na lang siya sa reklamo nito, at tinuon na lang ang kinakain niyang chicken burger. “Hayaan mo na nga iyan sila. Hindi mo naman mapipigilan ang mga iyan, kung kilala ba naman ang mga Lazaro.” Umismid ito sa kanya. “You know what, ikaw kaya na lang kaya ang kakanta mamaya sa birthday niya?” Nagkasalubong ang kilay niya sa sinabi nito. “Anong ako? Ikaw ang inimbitahan na kakanta sa birthday niya, Hannah.” Hindi siya nito pinansin. Kunot ang noo niya na nakamasid sa kilos nito. May kinuha ito sa bag sabay lapag sa harap niya. Nagtataka naman siyang inabot ito, at nakita niya ang invitation card. Kulay black ang card, at kulay gold ang nakasulat. “Huwag kang tumanggi dahil malaki ang makukuha mo riyan.” Parang pumalakpak ang tainga niya sa tuwa nang marinig niya ang pera. Nang makita niya na akmang babawiin na sana nito ang invitation card ay inunahan na niya ito, at nilagay kaagad ang card sa bag niya. Natawa ito sa kanyang ginawa. “Kukunin naman pala. Akala ko, tatanggi ka. Nakalimutan ko kapag tungkol pala sa pera ay ang bilis mong kausap,” natatawang ani nito. “At saka, tungkol naman sa isusuot mo mamaya, at isa pa, iyong makeup artist mo ay huwag mo ng problemahin dahil nakahanda na iyon. Ipapadala ko na lang sa bahay ninyo.” She didn't say anything more. She just shrugged and kept eating. Anong gagawin niya? Alangan naman tatanggihan niya ang pera kung kailangan na kailangan niya na ngayon ang raket. Alas siyete na ng gabi ay nandito na siya sa harap ng malaking gate. Marami na rin ang mga bisita na dumating. Nakita niya ang mga kotse na nakaparada sa parking lot. Lumapit siya kay Manong Guard. Pinakita niya rito ang invitation card, at kaagad naman siyang pinapasok nito. Bumuga siya ng hangin, at inaayos niya ang kanyang suot na red dress. Ang ikli ng damit na pinapasuot sa kanya ni Hannah. May name tag pa sa bandang dibdib niya na singer, at ang pangalan niya. Sa ngalan ng pera ay kakapal talaga ang mukha niya, at walang hiya ang matitira sa katawan niya. Makikita niya siguro ngayon ang kanyang iniidolong si Mayor Angelique. Magpa-picture lamang siya na kasama nito ay masaya na siya. Tuloy-tuloy lang ang paglalakad niya sa likod ng bahay ng mga Lazaro. Nakita kasi niya na doon tumungo ang mga bisita. Siguro sa hardin gaganapin ang birthday ng lalaki. “Hi, miss!” Bigla siyang napahawak sa kanyang dibdib dahil sa gulat sa pagsulpot ng babae sa harapan niya. Humingi naman ito ng pasensya sa kanya. “Pasensya na, miss. Hindi ko sinasadya na gulatin ka. Gusto ko lamang tanungin kung ikaw ba iyong singer na kinuha ni Mayor Angelique?” Hindi pa nga siya sumagot ay bigla na lamang siyang hinigit ng isa pang babae. “Halika, miss! Kanina ka pa hinihintay ni Mayor Angelique na kumanta sa harapan.” Hindi na siya naka-react kaagad dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Iginiya na siya sa entablado. Ang kakantahin niya ay Hand to hold. Iyon kasi ang request ni Mayor Angelique. —

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook