CHAPTER 1

2040 Words
DAVE “Stars are made for counting, and for wishes coming true Sleep is made for dreaming, and I have dreams for you.” Napatigil sa pakikipag-usap si Dave sa bisita nang marinig niya ang boses ng nasa harapan. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na mamangha sa galing ng babae sa pagkanta. Naglakad siya patungo sa ‘di kalayuan sa babae. Para siyang hinahalina sa boses ng dalaga. Narinig niya pa ang kanyang kaibigan na nasa gilid niya ngayon. “Nabighani ka na ba sa boses ng singer na kinuha ninyo, Dave?” Hindi niya pinansin ito dahil nakatutok ang atensyon niya sa babae. Ramdam niya sa boses ni Nathaniel ang panunudyo nito. Hindi niya papatulan ang pagbibiro nito dahil hindi siya nito titigilan hangga’t hindi siya aamin. "She's all mine, Nate. I want her for myself." Titig na titig siya sa dalaga habang binanggit niya ang katagang iyon. Damn! Alam niyang ito na talaga ang babae para sa kanya. "Hoy! Anong ngiti-ngiti mo riyan? Para kang baliw." Nabalik siya sa katinuan ng may biglang may yumakap mula sa tagiliran niya. Ang baba nito'y dinantay sa kanang balikat niya, at namumungay ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Nandito sila sa opisina, at nakatanaw siya sa labas ng glass wall, kung saan makikita nila ang nagagandahang mga ilaw galing sa labas. "Babe, inaalala ko lang kung paano nahulog ang loob ko sa'yo," nakangiting tugon niya sabay halik sa noo nito. Hindi niya kayang isipin na mawalay sa piling nito. Sobrang saya niya na dumating sa buhay niya si Nadia. Paano kung hindi ito dumating sa buhay niya? Siguro, hindi payapa ang mundo niya kapag wala ito sa piling niya. Akala nga niya noon ay maayos na lahat, iyon naman pala’y hindi. Nagbago ang lahat ng pananaw niya sa buhay. Mas lumiwanag ang mundo niya nang dumating si Nadia. "Saan doon? Iyong araw na kumanta ako sa birthday mo sabay lapit ka sa akin, at sinabi mo sa akin—Pwedeng akin ka na lang? Para kang tanga noon,” pambabara nito sa kanya. “Wow ah! Hindi ka naman kinilig noong sinabi ko iyan sa’yo?” “Hindi,” walang paligoy-ligoy nitong tugon sa kanya. Lumukot ang mukha niya nang tumawa ito. Talaga nga namang babaeng ito. Puro na lang pambabara kapag nakokornehan sa sinasabi niya, pero alam niyang kinikilig ito noong sinabi niya iyon. Bigla na lang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Pinaharap niya ito sa kanya, at niyakap niya ito ng mahigpit. Humilig ang pisngi nito sa dibdib niya, at agad niyang dinantay ang kanyang baba sa tuktok ng ulo nito. “I love you, babe.” Sumilay ang ngiti niya sa labi nang marinig niya ang tatlong katagang iyon. Humigpit ang kanyang pagkakayap dito, at hinalikan ang ulo nito. “Mahal din kita, Nadia.” Naudlot ang pagmumuni niya nang bigla na lang tumunog ang cellphone niya. Humiwalay siya sa pagkakayakap dito, at lumapit siya sa desk niya upang kunin ang cellphone niya. Pagkakuha niya ay agad niyang tiningnan kung sino ang tumawag. Nakita niyang si Mama ang tumawag sa kanya. Napatingin siya kay Nadia. Nagtataka naman itong nakatitig sa kanya. “My Mom,” sagot niya rito sabay sagot ng kanyang cellphone, at kaagad niyang tinapat sa tainga niya. “Mom, kumusta? Napatawag ka?” [Mabuti naman, anak. Napatawag ako kasi may family gathering tayo this weekend. Kaya hihintayin ka namin.] Napaisip siya, kung may importante ba siyang lakad ngayong weekend. Ilang segundo bago siya sumagot dito. Naalala niyang kaarawan ni Nadia ngayong linggo kaya hindi pwedeng hindi siya kasama na ipagdiriwang ang kaarawan nito. “Mom, hindi ako makakadalo dahil may importante akong lakad. Pwedeng sa susunod na lang?” Biglang tumahimik ito, at narinig niyang may kausap ito. Parang kararating lang ni Dad sa bahay. [Dave, you need to come home. Hindi pwedeng wala ka rito dahil may mga panauhin tayong darating sa bahay.] Napahagod siya sa kanyang buhok. Talagang desidido talaga si Mommy na pauwiin siya ng Davao. Ayaw niya talagang umuwi. “Mom, hindi talaga pwede dahil may importan-” [Dave…] Bigla na lang nagbago ang tono ng boses nito. Halatang naiinis na ito sa pagtanggi niya. Kapag ganito na ang tono ay hindi siya pwedeng tumanggi sa kung ano ang gusto nito. “Mom, hindi talaga-” [Uuwi ka ngayong sabado, at huwag mo akong tanggihan. Maghihintay kami sa’yo.] Nawala na lang ito sa kabilang linya, at ginulo na lang ang buhok niya dahil wala siyang magawa. Tumungo siya sa couch, at umupo. Napatitig na lang sa screen ng cellphone niya. Naramdaman niya ang pagtabi ni Nadia sa kanya, at paghawak nito sa braso niya. “Anong problema? Bakit gan’yan ang itsura mo?” Nagpakawala muna siya ng malalim na hininga bago siya tumingin dito. Nakita niya ang pag-aalala sa mga mata ng kanyang nobya. Dinantay niya ang kanyang kanang kamay nito na nakapatong sa braso niya, at pinagsalikop niya ang kanilang mga kamay. Dinala niya ang kamay nito sa labi niya, at pinikit niya ang kanyang mga mata. Hindi niya kayang tingnan ito sa mga mata dahil alam niyang makakaramdam ito ng pagkadismaya kapag uuwi siya, at hindi siya makakasama sa kaarawan nito. “Babe…” “Bakit pakiramdam ko ay may hindi ka magandang sasabihin sa akin, Dave? Kinakabahan ako sa’yo,” natatawang ani nito kahit halata naman na kabado ang boses nito. Iminulat niya ang kanyang mga mata, at tinitigan niya ito sa mga mata. Bago pa siya magsalita ay tumikhim muna siya. “Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa’yo. Alam kong nangako na ako, pero baka hindi ko magawa na magkasama tayong ipagdiriwang ang kaarawan mo. Tumawag si Mommy na papauwiin ako sa Davao.” Kumunot ang noo niya sa biglaan itong mahinang tumawa. “Dave, okay lang naman sa akin na hindi ka makakapunta. Basta ang importante ay tatawag ka lang o ‘di kaya video call na lang tayo ng araw na iyon.” Ngumiti ito sa kanya na para bang pinapahiwatig nito sa kanya na naiintindihan siya nito. Umiling siya rito. “Hindi. Gusto ko nandoon ako sa kaarawan mo. Ito ang unang kaarawan mo na magkasama tayo, babe. Hindi pwedeng wala ako.” Kumalas ito sa pagkakahawak sa kanya, at bigla nitong sinapo ang pisngi niya, at pinanggigilan. “Bakit ba ang kulit mo? Hindi mo pwedeng tanggihan ang Mommy mo, Dave. Baka magalit iyon sa’yo.” Bigla siyang napaisip. Kung isama kaya niya ito pauwi ng Davao para makasama niya ito? “What if tayong dalawa ang pupunta sa bahay? Ipakilala kita sa pamilya ko, Nadia.” Nakita niya ang pagkabahala sa mukha nito, at hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya. “Seryoso ka ba?” Tumango siya rito. “Oo. Gusto kitang ipakilala sa pamilya ko bilang nobya ko. Alam kong magugustuhan ka nila Mommy.” Natawa siya nang maramdaman niya ang panlalamig ng kamay nito. “Tumigil ka nga, Dave.” Bigla na lamang itong tumayo, at umalis na sa opisina niya. Napailing na lang siya rito. Uuwi siya sa kanila na kasama si Nadia. Alam niyang matatanggap nila Mommy si Nadia dahil mabait, matalino, maganda, at higit sa lahat ay mahal niya ako. Sana magustuhan din ni Daddy si Nadia. Tatawagan niya ngayon si Mommy na may ipakilala siya sa mga ito at iyon ay si Nadia, ang nobya niya. Itinipa niya ang numero ni Mommy, at agad na tinawagan ito. Naghintay siya ng ilang minuto bago nito sinagot ang tawag niya. [Tumawag ka dahil uuwi ka ngayong weekend?] Tumikhim siya. “Yes, Mom. But, I have one condition.” [Then, what is it?] “Uuwi ako sa Davao kasama ang girlfriend ko.” Bigla na lang nawala ito sa kabilang linya, at narinig niyang may nabasag sa kabilang linya kaya nakaramdam siya nang pag-aalala. “Mom! What happened?” [What the hell are you talking, Dave?!] Nanlalaki ang kanyang mga mata nang marinig niya ang boses ni Daddy na dumagundong ang boses nito. “D-Dad…” Kinakabahan siya sa tono ng boses nito. [Tama ba ang pagkakarinig ko na papuntahin mo ang girlfriend mo rito? Are you f-cking insane?] “Dad, gusto kong ipakilala sa inyo ang babaeng mahal ko. May mali ba sa sinabi ko?” [I am disappointed in you, Dave.] “Dad, aren’t you happy na may babaeng handa akong tanggapin, at mahalin ako?” [Ipapasundo kita ngayon din.] – Dalawang oras ang nakakalipas, bigla na lang kumerereng ang cellphone niya. Napatingin siya sa screen. Ang secretary ng kanyang ama ang tumawag. Sinagot naman niya ito, at ini-loud speaker. “Napatawag ka?” [Pinapasundo ka ng iyong ama, Sir Dave. Nasa itaas po kami ng bar, sir.] Napasapo na lang siya sa kanyang noo, at napahilot. Ngayon pa lang ay sumasakit ang ulo niya. Napailing na lang siya. Wala talaga siyang kawala. Kinuha na lang niya ang kanyang coat, susi na nasa drawer niya, at lumabas na sa kanyang opisina. Hinahanap ng kanyang mga mata si Nadia, subalit hindi niya ito makita. Magpapadala na lang siya ng mensahe rito upang hindi ito mag-alala sa kanya. Tumungo siya sa pinakadulo sa kanang bahagi ng bar, kung saan may metal door. Nang makarating siya sa tapat ay agad niya itong binuksan. Bumungad sa kanyang harapan ang staircase patungong rooftop. Umakyat siya patungo sa itaas. Hindi naman siya nagtagal sa pag-akyat dahil hindi naman karami ang hagdan na inaakyat niya. Pagkarating niya sa rooftop ay nakita niya ang private jet ng kanyang ama. Naghihintay na sa kanya si Secretary Lando. “Sir, halika na. Naghihintay na ang ama ninyo.” Sumakay na nga siya sa private jet. Pagkapasok niya ay agad siyang umupo, at pinikit na lang ang kanyang mga mata. Mahaba pa ang biyahe nila patungo roon kaya matulog muna siya. After two hours, nagising na lang siya nang marinig niya ang boses ni Secretary Lando. “Sir, nandito na po tayo.” Napahugot na lang siya ng hangin, at agad na nagpakawala ng hininga. Pagkababa niya sa private jet ay agad na silang tumungo sa elevator, at pinindot ang unang palapag. Nang tumunog ang elevator hudyat na nakarating na sila sa patutunguhan nila. Pagbukas ng elevator ay bumungad ang nakahilerang mga maid, at binati siya ng mga ito. “Saan sila?” Ang tinutukoy niya ang kanyang mga magulang. “Nasa sala po sila, Sir Dave,” tugon sa kanya ni Secretary Lando. Tumungo nga sila sa sala. Nakita niya ang kanyang ina na nakatutok sa nakahilera na nasa mesa, at ang kanyang ama na abala na nakikipag-usap sa cellphone nito. “Gov. Lazaro, nandito na po si Sir Dave.” Sumulyap ito sa kanila, at ilang minuto lang ay tinapos nito ang pakikipag-usap sa kabilang linya. “For all those things that we did for you, ang sinukli mo lang ay ganoong klaseng babae?” “Mabait, at matinong babae si Nadia, Dad,” pagtatanggol niya sa nobya. Nakita niya ang pagtaas ng gilid ng labi nito, at pagak itong natawa. “Mabait? Matino?” Bigla itong tumayo, at may kinuha ito sa mesa, at bigla nitong tinapon sa pagmumukha niya. “May babae bang matino kung gan’yang klase ang trabaho? Hindi kita pinag-aral sa magagandang eskwelahan para lang pulutin ang basura na katulad niya!” Pinulot niya ang litrato na nasa sahig. “P-Paano?” Mga larawan ito ni Nadia noong kabago-bago pa lang nito sa bar nila, at naging stripper ito noong hindi pa sila. Mga larawan na halos hubo’t-hubad na ang babae. Umayos siya nang tayo, at iniisa-isa niyang tiningnan ang mga larawan. Napatigalgal na lamang siya nang bigla na lamang siyang sinampal ng kanyang ama. “Akala mo ay hindi ko malalaman ang pinaggagawa mo? Ang lakas ng loob mo na papuntahin ang p-tang iyon?!” “Hindi ganoong babae si Nadia, Dad. Nagbago na—” Para siyang nabingi sa sunod nitong pagsampal sa kaliwang pisngi niya. Ramdam niya sa bigat ng pagkakasampal nito ang galit sa kanya. “Kahit kailan, hindi magbabago ang nadungisan niyang pagkatao. Huwag mong dungisan ang pamilya natin, Dave. Baka sa susunod ay itatakwil kita bilang anak ko.” Nilagpasan na siya nito, at pumanhik sa itaas. Napatingin siya sa kanyang ina upang humingi ng tulong, subalit dismayadong umiling ito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD