CHAPTER 2

1826 Words
NADIA Nakahilata siya sa kama ni Grace habang nakatitig sa kisame. Nagtataka talaga siya kay Dave kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nag-reply sa kanyang mensahe. Nagpaalam ito na aalis na muna dahil pinasundo ito ng ama nito. Hindi niya alam kung anong mayro’n dahil kakasabi lang nito kagabi na ngayong weekend ay uuwi ito dahil may panauhin na darating sa bahay nila. Siguro, may importanteng gagawin doon dahil bigla itong umalis papuntang Davao. Sa totoo lang, kinabahan siya sa biglaan nitong sinabi sa kanya na ipakilala siya sa pamilya nito. Hindi pa siya handa na makilala ang mga ito dahil kinakabahan siya, at natatakot siya kung anong reaksyon ng mga magulang nito kapag nalaman na siya ang nobya nito. “Nads, anong gusto mong lutuin ngayong birthday mo?” Nabaling ang atensyon niya kay Grace na abala sa pag-aayos ng damit nito sa cabinet. Ito talagang babae na ito ay sobrang sipag dahil kahit hindi naman masyadong magulo ay agad nitong aayusin. Napailing na lang siya. Napaisip siya sa tanong nito. Hindi niya talaga alam kung anong dapat niyang gawin sa birthday niya. Nakaplano na sana iyon na silang dalawa ni Dave, ang magkasama sa kaarawan niya. Siguro, uuwi siya sa kanila o magtatrabaho na lang sa araw na iyon. Balak pa naman sana niyang lumiban para makasama niya ang binata. “Hindi ko alam, Grace. Balak ko sana na makasama iyong boyfriend ko sa birthday ko, pero baka hindi matuloy iyon.” Napatigil ito sa pag-aayos sa damit nito, at umupo sa gilid ng kama niya. Nakita niya ang pagngiti nito, at kakaibang kislap ang nakita niya sa mga mata ni Grace. Halatang excited itong malaman ang nobyo niya. “Sino siya? Bakit hindi mo pinakilala sa akin iyang boyfriend mo? Kilala ko ba siya?” Ngumiti lamang siya rito, at hindi siya sumagot sa katanungan nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya sinabi rito ang tungkol sa kanila ni Dave. Alam niyang mapagkakatiwalaan niya itong kaibigan kaya lang gusto na muna niyang pribado ang relasyon nila ni Dave. Anim na buwan na silang may relasyon ni Dave, at masaya siya sa piling ng binata. Hindi ito nagkulang sa kanya, at ramdam niya kung gaano siya nito kamahal. Hindi naman masama na sila lang muna ang nakakaalam, ‘di ba? “Nads, parang hindi tayo kaibigan. Ayaw mo talagang sabihin sa akin kung sino siya?” pangungulit pa nito kaya natawa na lang siya. “Basta. Malalaman mo rin balang araw ang tungkol sa kanya. Gusto ko munang makasigurado na okay na ang lahat.” Nabigla siya nang bigla nitong hinawakan ang kamay niya na hawak ang cellphone niya. “May hindi ba magandang nangyayari kaya ayaw mo munang sabihin? Pwede mo namang sabihin sa akin ang problema mo, at maiintindihan ko naman na ayaw mo pa siyang ipakilala sa akin.” Napabuntong-hininga na lamang siya, at napatitig ulit sa kisame. “Alam mo, nababahala kasi ako dahil mayaman siya, at ako naman ay mahirap. Umaasa lamang ako sa sahod ko sa bar, at nagpapasalamat ako sa taong nagpapasok sa akin dahil kahit paano ay natulungan ko sina Mama.” Umismid ito sa sinabi niya kaya napatingin ulit siya rito. “Importante pa ba ang estado ninyo sa buhay? Hindi ko kasi maintindihan kung bakit nababahala ka diyan. Ang importante ay masaya kayong dalawa na magkasama.” “Ewan ko ba, Grace. Sa estado ng buhay nila ay talagang malulula ka na lang, at hindi ko maiwasan na hindi mabahala. Baka ayaw ng pamilya niya sa akin dahil mahirap ako.” Bigla na lang itong tumayo, at lumapit sa cabinet na nakabukas, at sinara ito. Humarap ito sa kanya, at sumandal sa cabinet nito. “Huwag mo na ngang isipin iyan, Nads. Ang advance mong mag-isip. Wala pa nga ay pinangunahan mo na kaagad. Hindi ka naman masyadong praning, ano?” Napailing na lang ito sa kanya, at agad na itong lumabas sa silid. Napatingin ulit siya sa cellphone niya. Wala pa rin reply ang lalaki kaya napagdesisyon na lang siyang lumabas na muna sa ngayon para makalanghap ng sariwang hangin. Pumunta siya sa silid niya, at nagbihis. Nakamaong na pantalon, at white shirt lang siya ang suot, at nagsuot na rin siya ng sapatos. Maglalakad muna siya sa park malapit lang naman sa apartment nila. “Grace, lalabas muna ako upang magpahangin,” paalam niya rito. “Sige lang! Lumabas ka kaysa magmukmok ka rito sa bahay!” sigaw nito sa kanya, at narinig pa niya ang kalansing ng kutsara. Halatang gutom ito dahil malapit na rin ang tanghalian. Mamaya na siya kakain, at maglalakad na muna siya sa park. Tahimik na tumungo siya sa park, at lumilinga sa kapaligiran. Nakita niya ang iilang mga kapitbahay na nasa labas ng bahay, at mga anak ng mga ito na naglalaro. Napapangiti na lamang siya dahil nakikita niya kung gaano kasaya ang mga ito na napapatingin sa mga anak nitong naglalaro. Pangarap din niyang magkaroon ng sariling pamilya. Hindi niya alam, kung kailan iyon mangyayari. Habang naglalakad siya sa gilid ng kalsada ay may bigla na lang huminto na kotse gilid niya. Hindi sana niya ito papansin, at tuloy-tuloy na sana ang paglalakad niya nang bigla na lang marinig ang pagtawag ng pangalan niya. Huminto siya, at nagtatakang lumingon siya sa likuran niya. Nakita niya ang nakabukas na bintana, at ang lalaki na kalalabas lang ng kotse. Nakasuot ito na itim na suit. Kumunot ang noo niya. Hindi niya ito kilala o baka kilala niya ito, pero hindi niya lang matandaan. Baka customer nila ito sa club. “Ako ba ang tinatawag mo, Mister?” Turo niya sa kanyang sarili. “Ma’am, gusto ka pong makausap ni Mayor.” “Mayor? Bakit po?” Hindi siya nito sinagot bagkus pinagbuksan siya nito ng pintuan sa backseat. Ang gesture ng kaliwang kamay nito’y pinapasok siya sa loob ng kotse. Umaatras siya. Bigla siyang nakaramdam ng takot. Baka dukutin siya nito, kunin ang lamang loob niya, at ibenta sa iba. Napakamot na lamang ito ng ulo. “Ma’am Nadia, gustong makipag-usap sa’yo si Mayor Angelique Lazaro, at naghihintay na siya sa’yo sa loob.” Nanlalaki ang kanyang mga mata nang marinig niya ang pangalan ng taong gustong makipag-usap sa kanya. “Ma’am Nadia, pumasok ka na.” Bakit ito nandito? Iyong kabog na naramdaman niya ay mas lalo pang dumoble. Sobrang lakas ng kabog ng puso. Para siyang nabingi sa lakas niyon. Hindi niya akalain na mapaaga ang pagkikita nila ng Mommy ni Dave. Kahit nakaramdam siya ng takot ay kailangan niyang harapan ang Mommy ng nobyo niya. Humugot siya ng malalim na hininga upang kumalma siya bago siya nagdesisyon na makipag-usap dito. “Pasok ka na, maam.” Kinuyom niya ang kanyang kamao dahil nanginginig ito, at nanlalamig din ang kamay niya. Pumaso na siya sa loob ng itim na kotse, at nakita niya si Mayor na nakatutok ang atensyon nito sa unahan, at wala siyang nababakasan na emosyon sa mukha nito. Nakakatakot ang araw nito ngayon. Ibang-iba iton na nangangampanya sa kanila. Mukhang anghel na bumaba sa lupa na panay ngiti na nakikipag-usap sa mga mahihirap, a nakikipagkamay pa sa kanila. Iniidolo niya ito mula pa noon, at aaminin niyang nakaka-intimidate rin ang awra nito. Tumikhim muna siya bago siya nagsalita. “Mayor Angelique, bakit gusto mo akong makausap?” Lumingon ito sa kanya, at malamig siyang tiningnan nito. “Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Miss Suarez. Layuan mo ang anak kong si Dave.” Nagitla siya sa sinabi nito. “P-Po?” gulat niyang tugon dito. Paano nito nalaman ang tungkol sa kanila ni Dave? Parang napanood niya ito sa pelikula na may ina na kumukontra sa relasyon ng anak nila. Akala nga niya ay O.a na makaramdam na para siyang nabagsakan ng mabigat na bagay, pero hindi pala. Ngayong oras na ito ay para na siyang pinaghihinaan ng loob. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng lakas sa sinabi nito. Iba talaga kapag nasa sitwasyon ka na, at ito na nga, nararanasan niya ngayon. “Hindi ka naman bingi para ulitin ko pa ang sinasabi ko, Miss Suarez. Lumuwas ako rito upang kausapin kita sa personal. Ayokong humaba pa ang diskusyon natin dalawa.” Napatitig na lang siya rito. Walang lumalabas sa bibig niya dahil hindi niya talaga inaasahan na mangyayari ang kinatatakutan niya. Napahawak siya sa tuhod niya upang doon kumuha ng lakas. “Mayor, mahal namin ang isa’t-isa.” Napakurap siya sa biglang marinig niya ang nakakainsultong tawa, at tiningnan siya nito mula sa mukha niya, at katawan niya. Para siyang nainsulto sa pahiwatig ng tingin nito sa kanya. “Mahal? Nagpapatawa ka ba? Iyang pagmamahal na sinasabi mo ay makakaahon ba iyan sa hirap? Kaya ka ba pumatol sa anak ko dahil mayaman siya? Tingnan mo nga ang sarili mo, Miss Suarez. Hindi kami tumatanggap ng isang katulad mo na mas masangsang pa sa imburnal.” Napasinghap siya sa mapag-insultong lumalabas sa bibig nito. Pagak siyang natawa, at humigpit ang pagkakahawak niya sa tuhod. Hindi niya maisip na ganito pala ang totong ugali ng iniidolo niya. Nagbabalat-kayo lamang pala ito noon dahil may kailangan sa kanila upang manalo ito sa eleksyon. “Hindi ako gan’yan, Mayor. Pinalaki ako ng mga magulang ko na mabuting anak, at hindi ako nasisilaw sa pera ng pamilya ninyo. Minahal ko ang anak mo, at hindi pera ang habol ko sa kanya.” Napangisi ito, at may bigla itong hinugot sa bag nito na isang puting sobra. “Kung mahal mo ang anak ko…eh di palayain mo siya. Hindi nababagay sa’yo ang anak ko, Miss Suarez, at higit sa lahat, huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa amin, at kay Dave. Sa gan’yang klaseng babae na maraming lalaki ay nakakahiya kang babae. Gan’yan ka ba pinalaki ng mga magulang mo? Maghubo’t-hubad para makatanggap ng pera?” Napatingala siya dahil nararamdaman niyang bumabadha ang luha sa mga mata niya. Ayaw niyang ipakita rito na umiyak siya. “Kahit kailan, hindi ko dinungisan ang apilyedo ng pamilya ko. Marangal ang trabaho ko, ma’am. Kahit ganito akong klaseng babae ay hindi gan’yan ang ugali ko na manliit ng tao. Buti hindi nagmana sa’yo ang ugali ng anak ninyo, Mayor.” Napaling ang pisngi niya sa kanan dahil sa pagkakasampal nito sa kanya. “How dare you! Huwag mo akong pangaralan, Miss Suarez.” Lumabas na siya sa kotse, at bumalik na lang sa bahay dahil nawalan na siyang ganang gumala. Nang makarating siya sa apartment ay dumiretso siyang tumungo sa silid, at nagkulong. Nanghahapong umupo siya sa kama niya, at itinukod niya ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya. Doon na bumuhos ang luha niya na kanina pa niya pinipigilan. Sinapo niya ang kanyang mukha. Ang mahinang hikbi ay naging hagulhol na lamang. Masakit ipamukha na isa lang siyang mababang uri ng babae. Ginawa lamang niya iyon dahil gusto niyang dumagdag ang pera niya upang may ipampagamot kay Papa. Anong masama sa pagiging stripper?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD