CHAPTER 3

2347 Words
NADIA "Nadia, anong nangyayari? Bakit hindi ka pumasok kagabi? Bakit ka ba umiiyak?" rinig niya ang boses nitong nag-alala nang pagbukas niya ng pintuan. Hindi niya pinakinggan ang malakas na katok ni Grace sa labas ng pintuan niya. "Nadia, ano ba! Buksan mo ang pinto! Kung ayaw mong buksan ang pinto ay gigibain ko itong pintuan mo!" Napasapo siya sa kanyang noo. Nanghahapong tinukod niya ang kanyang siko sa tuhod niya, at napatitig sa sahig. “Grace, hayaan mo muna ako. Gusto ko munang mapag-isa,” sigaw niyang tugon dito. Bigla na lang itong tumigil sa pagkatok ng pintuan. Nakahinga siya ng matiwasay dahil hindi na ito nangulit pa. Kahit anong gawin niya na hindi na iyon pansinin ang sinabi ni Mayor Angelique ay nanunuot pa rin sa dibdib niya ang masasakit nitong salitang binato sa kanya. Marumi na ba siyang babae dahil nagtatrabaho siya bilang stripper sa isang club? Nagsasayaw lang naman siya sa club, at hindi naman niya binenta ang katawan niya para kumita lang. Nagtrabaho lang naman siya ng marangal. Hindi niya maisip na ganoon na pala ang tingin ng pamilya ni Dave sa kanya. Ito na nga, dumating na ang araw na nakilala na siya ni Mayor bilang nobya ng anak nito. Ngunit, hindi pa nga siya nito kilala ay agad na siya nitong hinusgahan. Paano pa kaya ang ama nitong si Gobernador David? Natatakot siya sa susunod na mangyayari sa kanila ni Dave. Posibleng mangyayari ang kinatatakutan niya. Inabot niya ang kanyang cellphone nasa gilid niya. Lowbat na pala ang cellphone niya, at hindi niya ito namalayan. Agad niyang kinuha ang charger nasa drawer ng bedside table niya, at sinaksak niya sa plug ang charger, at nag-charge na siya. Ilang minuto bago niya binuksan ang cellphone niya, at nakita niya ang sunod-sunod na mensahe galing kay Dave, at Grace. Binuksan niya ito upang makita niya kung ano ang mensahe nito sa kanya. “Babe, magandang tanghali sa’yo. Sorry, kung ngayon lang ako naka-reply dahil may importante akong inaasikaso sa bahay.” “Tapos ka na bang kumain ng tanghalian? Kung hindi pa kumain ka na dahil ayokong magkasakit ka. Magpapakabusog ka, okay? I love you so much, babe.” “Babe, busy ka ba? Bakit hindi ka sumasagot sa reply ko?” “Galit ka ba kasi hindi ako nagpaalam sa’yo na umuwi ako?” “Babe?” Napailing na lang siya, at tiningnan ang mensahe ni Grace. “Hoy, bruha! Bakit hindi ka pumasok? Kumatok ako sa pintuan mo, pero hindi ka man sumagot.” “Anak, magpapadala ka ba ng pera ngayon? Kailangan kasi ng mga kapatid mo ng pera, at gamot din ng tatay mo.” Napabuntong-hininga na lamang siya sa mensahe ni Nanay. Puro mga batugan ang kanyang mga kapatid. Puro na lang sa kanya inaasa lahat. Hindi man lang marunong maghanap ng trabaho. May mga asawa na nga, sa kanya pa rin umaasa. Nakita niyang tumatawag si Dave sa kanya. Nakatitig lamang siya sa screen. Wala siyang balak na sagutin ang tawag nito dahil baka masabi niya rito ang tungkol sa pagtatagpo nila ng ina nito. Napagdesisyon niyang lumabas na muna sa silid dahil para siyang hindi makahinga. Binuksan niya ang pintuan niya, at tumungo sa sala upang manood na lang t.v upang libangin ang sarili niya. Inabot niya ang remote sa mesa, at umupo sa maliit nilang sofa. Namili siya ng channel kung ano ang panonoorin niya. Naagaw ang atensyon niya sa balita nang marinig niya ang pangalan ni Dave. “Dave Lazaro, at Patricia De Guzman ay nakita sa iisang restaurant na masayang magkasama. May namumuo na bang feelings ang dalawa? Nakasagap kami ng balita na nakatakda silang ikasal.” Nabitawan niya ang remote dahil sa gulat nang marinig niya ang sinabi sa balita. Nakita niya sa screen na nakahawak ang kamay ni Dave sa kamay ni Patricia. Sa tingin pa lang ay malalaman mo talagang may namamagitan sa kanila. Nakatulala siyang nakatitig sa telebisyon. Nanlalabo ang kanyang mga mata, at napalunok na lang dahil parang may bumabara sa kanyang lalamunan. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Mas lalo tuloy bumigat ang nararamdaman niya. Kitang-kita ng dalawang mga mata niya kung gaano kasaya si Dave na kasama si Patricia. May inaasikaso sa bahay? Bakit pakiramdam niya’y nagsisinungaling ito sa kanya? Para siyang dinaganan ngayon ng mabigat na bato. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Nakita niya sa screen ang mga magulang ni Dave na malugod na kinakausap ang reporter. Parang kagabi lang ito naganap. “Totoo bang ikakasal na ang bunso ninyong anak na si Dave, at Patricia De Guzman na unica hija ng isang business tycoon na Felipe De Guzman?” Ngumiti naman ang gobernador bago nito sinagot ang reporter. “Huwag muna nating pangunahan ang dalawa. Papunta pa lang tayo diyan. Kayo ang una namin sabihan kapag ready na ang lahat.” Tumayo siya, at bumalik sa silid niya. Humiga siya sa kama, at pinikit niya ang kanyang mga mata. Gusto na muna niyang magpahinga. Gusto niyang takbuhan ang problema niya ngayon. Mariin niyang pinikit ang kanyang mga mata. Ilang minuto na naghihintay na makatulog siya, maya’t-maya’y nakaramdam siya ng antok kaya nakatulog agad siya. —- “Nadia…” Narinig niyang may tumawag sa kanya. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Ayaw niyang gumising muna sa ngayon. Gusto ko lang talaga niyang magpahinga. Narinig niya ang pagbukas-sara ng pintuan, at ilang segundo’y biglang lumundo ang gilid ng kama niya kung saan nakaharap siya rito. Ito na naman tayo. Sana pala kinuha niya ang susi sa kagabi para walang pumasok sa silid niya. “Nads, kung ano man ang problema mo ngayon ay sabihin mo sa akin. Maghapon ka ng tulog, Nads, at lumiban ka pa talaga kagabi sa trabaho. Kumain ka na ba? Gusto mong dalhan kita ng makakain?” sunod-sunod nitong tanong sa kanya. Pagod na iminulat niya ang kanyang mga mata. Nakita niya ang pag-alala nito sa kanya habang nakatitig sa mukha niya. Bumangon siya mula sa pagkakahiga, at bigla niyang niyakap ito ng mahigpit. Napasinghap ito, pero kalaunan ay niyakap din siya nito pabalik. “Hindi ko naman alam kung anong ipapayo ko sa’yo dahil hindi mo naman sinasabi sa akin ang problema mo, Nads. Kung tungkol naman sa lovelife na iyan ay pasensya dahil wala pa akong experience sa gan’yan. Kung pera naman ay alam mo rin na naghihikahos din ako para sa gamot ni Katrina.” Mahina siyang natawa sa sinabi nito. “Sapat na sa akin na nandito ka sa tabi ko, Grace.” Mahina siya nitong tinapik sa likod niya. Humilig siya sa balikat nito, at pinikit niya ang kanyang mga mata. Gusto niyang tahimik na mundo. Walang ingay, at humilata na lang buong magdamag. Mga ilang minutong pagyayakapan nila ay humiwalay siya sa pagkakayap dito. “Hindi ka ba papasok ulit ngayon?” Kung pwede lang na hindi siya papasok, pero hindi pwede dahil kailangan din niya ng pera. Umalis na siya sa kama, at tumungo sa closet niya para kumuha ng kanyang uniform. Nang makuha niya ang mga kailangan niya ay tumungo siya sa banyo, at nagbihis. Inayos na rin niya ang kanyang magulong buhok, at naghilamos ng mukha, at nagsipilyo. Tapos naman siyang naligo kanina kaya hindi naman siya nagtagal sa loob ng banyo, at agad siyang lumabas nang matapos siyang mag-ayos. “Nadia…” Napatingin siya rito. “Tumawag pala sa akin si Sir Dave. Bakit daw hindi ka sumagot sa tawag ni Sir? Kanina ka pa niya tinatawagan dahil may importante siyang sasabihin sa’yo. Parang kinakabahan kasi ang tuno ng boses niya. Nahihiya naman akong tanungin siya.” Tumungo siya sa tapat ng salamin niya, at naglagay lang ng light makeup, at lipstick sa labi, at kaunting blush on. “Sabihin mo na busy ako, Grace.” Napataas ang kilay nito sa sagot niya. “Busy? Sabihin mong tulog ka maghapon kaya hindi mo sinagot.” Umismid ito sa kanya sabay tayo mula sa pagkakaupo. “Maghihintay ako sa’yo sa labas, at pakibilisan ah.” “Kung alam mo lang, Grace,” sabi ng kanyang isipan. Kung alam lang nito sa likod ng pag-iyak niya ay baka magulat ito tungkol sa kanila ni Dave. Dagdagan pa ang pamilya niya na walang ginawa kung ‘di puro pera kapag tatawag sa kanya. —- DAVE Palakad-balik si Dave habang nakatitig sa cellphone niya. Kanina pa niya tinatawagan si Nadia, pero hindi siya nito sinasagot. Kanina pa siya kinakabahan, at hindi niya alam kung bakit biglang sobrang kabog ng dibdib niya. Tinipa niya ang numero nito, at tinawagan ito, subalit answering machine pa rin ang sumasagot. “Anong ginagawa mo riyan, bro? Kanina pa kita napapansin na hindi ka mapakali riyan.” Naagaw ang atensyon niya, at napatingin siya sa kanyang kapatid na naglalakad papalapit sa kanya. May hawak itong sprinkled water sa kaliwang kamay nito. Napansin niya ang pagngisi nito. Hindi talaga niya gusto ang hilasta ng ugali nito. Tatlo ang kapatid niyang lalaki, at may kakambal siyang si Kristela. Ang kakambal lang niya ang malapit sa kanya. Nakatitig lang siya rito, at hindi tumugon. “Titigan mo lang ba ako, at hindi tutugon sa tanong ko?” Natawa ito sa kanya. He hissed at Kuya Stevan. "Why are you here? You should mind your own business.” Kahit kailan talaga ay mainit ang ulo niya rito. May kasalanan ito sa kanya. Ito ang nagpakalat na may mayroon namamagitan sa kanila ng Patricia na iyon. Naalala niya ang nangyari kahapon. Pumunta siya sa isang sikat na restaurant dahil inutusan siya ni Dad na may kailangan daw siyang i-meet sa lugar na iyon. Nagpa-reserved na rin ito ng table. Tinanong niya si Dad, kung sino, pero sinabi lang na ibigay ang brown envelope sa isang babae. Hindi naman niya pwedeng buksan ito dahil naka-sealed. Pumasok nga siya, at tinanong siya ng isang waitress kung ano ang pangalan niya, at sinabi niya rito ang pangalan niya. Iginiya siya papasok, at dinala siya nito malapit sa romantic table. Nagtataka siya dahil ganito ang pagkaka-set up. Akmang tatanungin na sana niya ang waitress nang bigla itong umalis. Wala na siyang nagawa kung ‘di umupo na lang, at maghintay. Napatingin siya sa labas ng glass wall. Naalala niya si Nadia. Malapit na rin ang kaarawan nito. Kung hindi man siya makakauwi, atleast may ipapadala siyang regalo sa nobya niya. Dalawang araw pa lang ay nami-miss na niya ito. “Ikaw ba si Dave Lazaro?” Napabaling ang atensyon niya sa gilid niya nang marinig niya ang boses ng isang babae. Kunot-noo naman niya itong tiningnan. “Oo. Ako nga, miss. Kilala ba kita?” Bigla nitong inabot ang kamay niya kaya nabigla siya sa ginawa nito. Binawi niya kaagad ang kamay niya. Magandang babae, pero weird naman. “Hindi mo ba ako kilala? Ako ito, Dave. Si Patricia ito.” Napaisip siya, kung kilala ba niya ang babaeng ito. Ngunit, kahit ilang beses na niyang iniisip kung kilala niya ito ay hindi talaga. “Sorry, miss. Hindi talaga kita kilala.” Mahina itong natawa. “Classmate tayo noon, Dave. Hindi mo ba natandaan iyong naka-brace, at nakasalamin na babae na nag-confessed sa’yo noon?” Biglang sumagi sa isipan niya ang sinabi nito. May isang weird na babae na maraming tigyawat, naka-brace, at naka-eyeglasses. Ibig sabihin ay ito si Patricia? “Wow! Malaki ang pinagbago mo, Patricia,” nakangiting aniya. Hindi siya makapaniwala na malaki ang pinagbago nito. Umupo ito sa harap ng upuan niya, at bigla nitong inilahad ang kamay nito sa harapan niya kaya malugod naman niyang tinanggap ang pakikipagkamay nito. Ngumiti siya rito. “Masaya akong makita kita, Dave. Buti na lang ako ang pinapunta ni Dad dito para kunin ang documents sa’yo.” Bigla niyang naalala ang binigay ng kanyang ama kaya bumitaw siya rito, at binigay niya kay Patricia ang envelope. Agad naman itong tinanggap, at pinatong lang sa mesa. Tumawag ito ng waitress, at nagbigay ng signal na menu. “Anong gusto mong kainin, Dave?” “Sorry, Patricia. Kailangan ko na rin umalis dahil may gagawin pa ako.” Bigla nitong hinawakan ang braso niya ng akma siyang tumayo. “Dito ka muna. Ngayon nga lang tayo ulit nagkita.” Umilling siya. “I need to go, Patricia.” Umalis na siya, at sumakay ng kotse niya. Ilang minutong pagmamaneho ay bigla na lang may tumawag sa kanya kaya agad niyang inabot ang cellphone na nasa passenger seat. Hindi rin kasi niya ito dinala dahil hindi naman siya magtatagal sa loob ng restaurant. Nakita niyang tumatawag si Nathaniel kaya sinagot niya ito. “Nathan, napatawag ka?” [Dave, totoong ikakasal ka na?] “What the hell are you talking about?” [Kalat na rito na ikakasal ka na kay Patricia dahil nakunan kayo ng litrato.] Napamura siya sa kanyang narinig. “Nathan, alam ko na ang pasimuno nito. Nathan, may hihingiin sana akong pabor sa’yo, sabihin mo kay Nadia na hindi totoo ang nasa balita.” Napabalik siya sa kasalukuyan nang marinig niya ang halakhak ni Kuya Stevan. “Oh common, bro! Ang init kaagad ng ulo mo. Tinanong lang naman kita.” “Sinong hindi iinit ang ulo? Ikaw kaya ang nasa posisyon ko, Kuya? Iyon bang ginawa mo ay nakakatawa?” Uminom muna ito sa hawak nitong sprinkled water bago siya nito sinagot. “I simply followed Dad's instructions, Dave.” Kuya Stevan smirked at him, and put his hand in his jeans pocket. Tinapon nito ang plastic bottle sa trashbin, at agad na umupo sa bench na malapit sa kinatatayuan niya. Napatiimbagang siya sa sagot. Napaka-control freak talaga ng ama niya. Gusto nitong kontrolin ang buhay niya. "You're always putting my life at stake." “Dahil naman iyon sa’yo. Gusto ni Dad na mas mapapaganda ang buhay mo. Lahat tayo ay nakatakda na ang kapalaran natin. Maswerte ka nga dahil si Patricia ang papakasalan mo kaya huwag ka ng magreklamo. Whether you agree or not, you ought to marry her.” Tinapik nito ang kanyang balikat bago ito naglakad papalayo sa kanya. F-ck! Sinipa niya ang damuhan dahil sa inis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD