CHAPTER 4

2935 Words
NADIA Abala siya sa pag-iimpake ng kanyang damit dahil uuwi siya ngayon ng Davao. Na-received na rin niya ang email ng plane ticket niya kaya wala ng atrasan ito. Uuwi siya dahil gusto niyang makausap si Dave ng personal. Ayaw niya itong kausapin sa cellphone dahil baka hindi sila magkaintindihan. Ilang araw na rin na hindi siya tumutugon sa mensahe nito, at pati tawag ay hindi rin niya sinasagot. Gusto niyang palipasin muna ng ilang araw na hindi na magulo ang isipan niya. “Saan ka pupunta, Nads?” Napatigil siya sa kanyang ginagawa, at napatingin sa kaibigan na nagtatakang nakatitig sa kanya. “Uuwi muna ako sa Davao, Grace. May importante akong kakausapin.” “Ilang araw ka ba babalik? May hindi magandang nangyayari sa inyo kaya uuwi ka? Biglaan ka kasing uuwi sa Davao.” “May kailangan lang na asikasuhin doon. Hindi ko rin alam kung ilang araw. Pakisabi na rin kay Alexander na siya muna ang papalit sa akin sa ngayon sa club.” Wala na rin itong nagawa kung ‘di napabuntong-hininga na lang. Hindi na rin ito nagtanong pa kung bakit agad siyang uuwi sa Davao. “Ngayon ka na agad aalis?” Tumango siya rito. “Hindi na ako makapaghintay na tanungin siya, Grace. Umabot ako ng ilang araw bago ko napagdesisyonan na uuwi sa amin.” “Magpadala ka ng mensahe kapag nakarating ka na sa Davao ah.” “Oo naman,” sagot niya sabay abot ng kanyang cellphone na nasa kama ng may tumawag sa kanya. Sinagot niya kaagad ito. [Ma’am, nasa labas na po ako ng apartment ninyo.] “Sige po, manong. Wait lang po.” Nang matapos siyang mag-impake ay agad na niyang isinukbit ang kanyang bag, at nagpaalam na rin kay Grace. Sumama ito sa kanya palabas ng bahay. “Kaya ka ba umiyak noong isang araw ay dahil sa kanya?” Natigilan siya sa tanong nito. Tumingin siya kay Grace, at nakita niya ang mukha nito na parang nag-aalala sa kanya. “Grace…” Hindi niya alam kung anong isasagot niya rito. Gusto man niyang sabihin ang kinakaharap niya ngayon ay hindi naman pwede. Ayaw niyang dagdagan ang pasanin nito. Gusto niya lang muna sarilinin ang problema. “Alam kong may hindi magandang nangyayari sa inyo ng nobyo mo.” “Halata ba na ang problema ko nakinakaharap ngayon ay tungkol sa nobyo ko?” Tumango ito sa kanya. “Tinawagan ko sina Nanay Nene kahapon, at kinukumusta ko sila. Tinanong ko sila kung may problema ba kayo, pero ang sagot naman nila ay wala naman problema. Napagtagpi-tagpi ko na may iba talaga sa kinikilos mo, at napagtanto ko na may nangyari nga sa boyfriend mo.” Napayuko siya. Nakokonsensya siya dahil naturingan niya itong kaibigan ay hindi niya kayang sabihin kung ano ang problema niya. “Sorry, Grace.” Bigla na lang siya nitong niyakap kaya napahagulhol na lang siya sa balikat nito. “Kilala kita, Nads. Hindi ka mahilig ilabas ang saloobin mo. Gusto mong sarilinin ang problema mo.” Umiiyak lamang siya sa sinabi nito, at panay hingi ng sorry dito. Mahina nitong tinapik ang kanyang likuran. “Napakaiyakin mo talaga. Naturingan ka ngang ate, pero para ka ring bata kung ngumawa.” Natawa na lamang siya sa sinabi nito, at humiwalay sa pagkakayakap nito sa kanya. “Kahit kailan talaga, panira ka ng moment.” Bumungisngis lamang ito sa sinabi niya. “Ma’am, ikaw po ba si Nadia Suarez?” Napalingon siya sa kanyang likuran nang marinig niya si Manong. “Opo, manong.” “Aalis na po ba tayo papuntang airport?” Tumango siya rito, at agad naman nitong kinuha ang bag niya. “Salamat po, manong.” Humarap ulit siya kay Grace. “Paano…tatawagan kita pagdating ko sa Davao?” “Mag-ingat ka sa biyahe, Nads.” “Ikaw din, Grace. Mag-ingat ka, at huwag mong pabayaan ang sarili mo.” Umungos ito. “Dapat ang sarili mo ang sinabihan mo na huwag pabayaan." Natawa na lang siya, at nagpaalam na. Kumaway muna siya rito bago siya sumakay ng taxi. Pagkapasok niya sa taxi ay pinikit na lang niya muna ang kanyang mga mata. Naalala niya ang huling sinabi ni Nathaniel sa kanya noong nakaraan na tumawag ito sa kanya. "Nadia, hindi ko alam kung napanood mo ba ang balita tungkol kay Dave, at Patricia. Pinapasabi ni Dave na hindi totoo ang balita." Napahinga siya ng malalim. "Ma'am, okay lang kayo?" Napamulat siya ng kanyang mga mata, at napatingin kay Manong. Nakita niyang pasimple itong tumingin sa kanya. " Okay lang naman ako, Manong." "Sigurado ka, ma'am?" "Opo." Hindi na ito tumugon pa, at nakatutok na ang tingin nito sa unahan. Sumandal na lang siya sa bintana, at pinikit ang kanyang mga mata. Kalahating oras ang biyahe patungong airport, at buong oras na iyon ay wala siyang ginagawa sa loob ng taxi kung 'di nakapikit lang. Iminulat niya ang kanyang mga mata nang marinig niyang may sinabi si Manong. "Dumating na po tayo, ma'am." Kumuha siya ng limang daan, at binayaran si Manong. Nagpasalamat siya rito bago lumabas. Tinulungan na rin siya nitong kunin ang bag niya. — Tatlong oras na ang nakalilipas, matapos niyang magpaalam sa mga magulang niya na aalis siya ay agad siyang dumiretso sa bahay nila Dave. Sumakay siya ng taxi patungo sa Tibungco. Labing-isang minuto lang naman ang distansya sa kanila kaya mabilis siyang nakarating. "Ito po ang bayad, Kuya." Bumaba siya matapos niyang binayaran ito. Lumilinga-linga siya sa paligid, at napansin niyang may paparating na kotse kaya agad siyang tumabi sa gilid ng kalsada dahil nasa gitna siya ng kalsada. Napahanga siya sa ganda ng kotse dahil kulay red ito. Nabigla siya ng bumukas ang bintana. Nakita niya ang magandang babae, at ito ang nagmamaneho. "Hi, miss!" Ngumiti ito sa kanya. Hindi niya makita ang mga mata nito dahil may suot itong eyeglasses na itim. Sa klase ng eyeglasses nito ay isang luxury brand. Bigla nitong binaba ang eyeglasses nito, at doon niya nakilala ang babae. Ito ang kakambal ni Dave. Pinakita sa kanya ni Dave ang larawan ng mga kapatid, at mga magulang nito sa kanya kaya alam niya kung sino ito. "I know who you are. Ikaw ang girlfriend ni Kuya Dave." Nanlalaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito. "P-Paano mo alam?" Wala kasing sinabi sa kanya si Dave na sinabi nito sa kakambal nito. Mahina itong natawa. "Ikaw kaya ang bukambibig ni Kuya Dave kapag kausap ko siya. Tama nga ang sinabi nila na maganda ka nga. Bakit ka pala narito? Bakit hindi ka pumasok?" Napakagat-labi siya sa tanong nito. "Hindi ako pwede na pumasok. Nakalimutan ko rin sabihin kay Dave na pupunta ako rito. Nakalimutan ko rin dalhin ang cellphone ko dahil sa kakamadali." Biglang umaaliwalas ang mukha nito nang maintindihan nito ang sinabi niya. "Sumama ka kaya sa akin? Kaysa naman masayang ang oras mo riyan, at hindi mo siya makausap." "Pero—" "Halika na baka may makakita pa sa atin dito baka hindi mo makita o makausap si Kuya." Natakot naman siya sa sinabi nito kaya nagmamadali siyang pumasok sa kotse nito. Nang nakaupo na siya sa passenger seat ay nagsalita ulit ito. "Alam ko na ayaw nila Mommy sa'yo dahil kilala ko sila. Lahat na lang bawal sa kanila. Sobra silang higpit, at ang control freak nila. Nakakasakal na nga," saad nito sabay busina ng kotse nito. Bumukas din ang gate, at naghintay lang ito ng ilang minuto bago tuluyang bumukas ang malaking pintuan. Huminto ang sasakyan, at binuksan ni Kristela ang bintana. "Magandang Gabi, Ma'am Kristela!" bati ng security guard. Nakita niya ang pagtataka sa mukha ni Manong habang napatingin sa kanya. Siguro, namukhaan siya nito. "Magandang Gabi rin, Manong Esko! Sige po, Manong Esko, papasok na ako." Sumaludo ito, at agad na pinaandar ang kotse. Hindi naman nagtagal ay nakarating sila sa parking lot. Lumabas na rin ito ng kotse, at lumabas na rin siya. Lumapit siya rito. "Hindi tayo pwedeng sa harapan Dadaan dahil baka nandiyan si Daddy o mga kapatid ko. Dadaan tayo sa likuran dahil may hagdan doon patungo sa teresa kung saan ang silid ko." Hindi na siya nagtanong pa, at sumunod na rin dito. Tahimik na nilalakbay nila ang daan patungo sa likuran ng bahay. Nang bigla na lang narinig nila ang pagtikhim. Pareho silang napatigil ni Kristela. "Anong ginagawa mo, Kristela? Sino naman iyang kasama mo?" Napatingin siya sa kaliwa. Nakita niya ang isang matangkad na lalaki. Naninigarilyo ito habang nakasandal sa malaking puno. Hindi niya masyadong nakikita ang mukha nito dahil madilim ang bahaging iyon. Umaalis ito sa pagkakasandal, at naglalakad ito papalapit sa kanila. Doon niya nakita kung gaano kakisig ito. Hindi talaga maikakaila ang lahi ng mga Lazaro. Puro magaganda, at gwapo ang lahi. Higit sa lahat, matatangkad pa. Para sa kanya, mas malakas ang dating sa kanya si Dave. Pareho sila ng tindig ni Dave, at mestizo rin ang nobyo. Iba ang charisma ni Dave kaysa rito. Ang itsura kasi ng lalaki ay bad image, at si Dave naman ay iyong tipong mabait, pero medyo bastos. Mas gwapo sa paningin niya ang nobyo niya. "Raul naman! You scared us!" Natatawang hinampas ni Kristela si Raul sa braso. Narinig niya ang mahinang tawa nito. "Don't tell me, may binabalak ka, Kristy." Napatingin ito sa kanya. Nakita niya ang pagtaas-baba ng tingin nito sa kanya. Para tuloy siyang nanghihilakbot sa klase ng tingin na ipinukol sa kanya. Bumaling ulit ito kay Kristela. "Gusto ko lang kasi ihatid ang girlfriend ni Kuya Dave. Please, huwag mong sabihin sa kanila." Bumaling ito sa kanya. Para tuloy siyang nanlamig sa klase ng tingin nito sa kanya. "What is your name, Miss?" "Nadia po." Bigla na lang itong ngumiti ito sa kanya kaya agad siyang nakahinga. Iba kasi ang awra nito kapag seryoso. Nakakatakot. "Nadia… What a nice name." Tumingin ulit ito kay Kristela. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Kristela." Napailing na lang si Raul, at tinalikuran na sila. "Halika na, Nadia." Nagmamadali na silang tumungo sa hagdan na sinasabi nito. Pagkarating nila ay may hagdan nga patungo sa teresa nito. "Pasensya ka na sa pinsan kong si Raul. Ganoon lang talaga iyon, pero mabait naman siya." Ngumiti na lang siya rito. Nauna na itong umakyat sa hagdan, at sumunod na rin sila. Hindi niya akalain na may ganito rin pa lang habit si Kristela. Talagang kakaibang babae itong kapatid ni Dave. — DAVE Nakaupo siya sa tapat ng dressing table dito sa walk-in closet niya. May tatlo siyang kasama, at iyon ay personal stylist nila, at ang dalawang assistant nito upang tulungan siya. Tutulungan siya ng mga ito kung ano ang dapat niyang susuutin. May tatlong mga nakahanay na susuutin niya na nasa garment racks. Iba’t-ibang kulay na polo, suit, at pants, at iba’t-ibang desinyo rin ng sapatos. May nakahilerang mga relo, at perfume sa closet island. Napatitig siya sa screen sa phone niya. Ilang mensahe na ang kanyang naipadala, pero walang kahit na isang salita. Tatlong araw na ang nakalilipas ay hindi niya pa nakakausap si Nadia. Halatang iniiwasan siya nito. Kung tatawagan naman niya ito ay busy ang linya ng phone nito. Pakiramdam niya’y ayaw siya nitong kausapin. Tinawagan niya si Grace, at ang sabi naman nito ay busy sa club, at buong araw ay namamasyal sa park o nanonood lang ng t.v. Napabuga siya ng hangin. Nami-miss na niya ang nobya niya. Gusto niya itong puntahan, pero pinagbawalan siyang umalis ng bahay. Ang hirap ng ganitong buhay. Lahat na lang nakabantay sa kanya. Kaya nga lumuwas siya ng Maynila upang makatakas sa nakakasakal niyang buhay. “Sir, sabi ni Ma’am Angelique ay bumaba kayo bandang alas otso upang salubungin ang bisita.” Napaangat ang kanyang tingin, at nakita niya sa harap ng salamin na nasa bungad ng pintuan si Manang Inday. “Okay, Manang Nita,” walang gana niyang sagot. Lumabas na rin ito, at siya naman ay tiningnan ulit ang cellphone niya. “Sir Dave, bakit iba ang vibes mo ngayon? Wala ka sa mood.” Napaangat siya ng tingin nang marinig niya ang sinabi ng hairstylist, at tiningnan niya ito sa salamin na nasa harapan niya. “Just don’t mind me, Erica.” Kumibit-balikat na lang ito, at pinagpatuloy ang paggupit ng buhok niya. Miss na miss na niya si Nadia. Pakiramdam niya’y alam na nito ang tungkol kay Patricia. Hindi niya akalain na may balak si Daddy na ganoon ang ipapalabas sa balita. Hindi pa niya nakakausap si Daddy tungkol sa kasal. Simula nang dumating siya sa bahay ay wala ng inaatupag ang kanyang mga magulang kung ‘di trabaho. Nagulat na nga lang siya sa nalaman niya. “Girlfriend mo ba siya, sir?” “Yes.” “Ang ganda niya, sir. Iyong mga mata niya ay nangungusap. Hindi nakakasawang tingnan ang maamong mukha ng girlfriend mo.” Hindi niya maiwasan na hindi mapangiti sa sinabi nito. “Sobra niyang ganda, Erica. Mas lalo akong nahulog sa kanya dahil sa maganda ang kalooban niya.” Nakita niya ang laki ng ngiti nito. “Halata nga po, sir,” sang-ayon nito, pero nabigla siya sa sunod nitong sabi sa kanya. “Nakakapagtataka lang, Sir Dave. Ibang-iba ito sa babaeng nakita namin sa balita.” Natigilan ito, at napatakip ng bibig nang mapagtanto nito ang sinasabi sa kanya. Mapait na ngumiti siya rito. Narinig niyang bigla itong sinita ng personal stylist nila, at kinurot sa tagiliran. “Iyang bibig mo talaga, Erica, wala talagang preno.” Pinanlalakihan ni Randolf ng mga mata si Erica kaya hindi magkandaugaga na humingi ng pasensya sa kanya si Erica, at pati na rin si Randolf “It’s okay. Pati rin naman ako ay nagulat sa balita.” Naagaw ang atensyon nila ng may biglang tumikhim mula sa likuran nila. Nakita niya si Darell, ang panganay niyang kapatid. Ito ang pinakamisteryoso sa kanilang magkakapatid. “Bro, pagkatapos mong mag-ayos ay pumunta ka sa silid nila dahil kakausapin ka ni Mommy,” walang kangiti-ngiti nitong sabi sa kanya. “Sige, sabihin mo sa kanya na pupunta ako pagkatapos ko rito dahil kakausapin ko rin siya, Kuya.” Tinalikuran na rin siya nito, at lumabas na sa walk-in closet niya. “Nakakatakot naman iyong kapatid mo, Sir Dave.” Natawa na lamang siya sa sinabi ni Erica. “Masanay ka na sa Kuya ko dahil ganoon lang talaga siya.” Ilang minutong paghihintay sa pag-aayos ng kanyang buhok ay natapos na rin. Gentlemen’s cut ang pinili ng hairstylist niya dahil nababagay sa hugis ng mukha niya. Sharp and simple. The sides of the hair are kept short. The top is a little bit longer than the back. Napangiti siya sa kinalabasan. “Hindi talaga ako nagkakamali sa napili ko sa’yo, sir. Mas lalong tumingkad ang gandang lalaki mo,” tinanggal na rin nito ang suot niyang barber cape. Nagpasalamat siya rito, at tumayo na nang matapos siyang ayusan nito. Lumapit siya sa garment rack, at agad naman siyang inaasikaso ng stylist. Humarap siya rito, at hinayaan na pumili ng susuutin niya. Nakatingin lamang siya kay Randolf na abala sa pagdampot ng polo, at suit. Nang matapos ito sa pagpili ay humarap ito sa kanya na may malaking ngiti na nakarehistro sa bibig nito. “May napili na ako na susuutin mo, at alam kong nababagay ito sa’yo, Sir. Ito ay Black Beige Burgundy Men's Suits 3 Piece Solid Colored Tailored Fit Single Breasted One-button ang napili ko sa’yo.” Kinuha niya mula rito ang susuutin niya, at agad naman umalis ang tatlo, at hinayaan siyang magbihis. Hindi na siya nagsayang ng oras dahil agad niyang sinuot ang mga ito. Nang matapos siya ay agad siyang humarap sa closet island. Namili siya ng relo, at sinuot ito. Nakarinig siya ng katok sa labas ng closet. “Come in,” sabi niya na hindi na nag-abalang tumingin sa likuran niya. Narinig niya ang mga singhap ng nasa likuran niya. “You truly are a work of art, Kuya." Nanlalaki ang kanyang mga mata, at gulat nang marinig niya ang boses ng kanyang kakambal. Napalingon siya, at napangiti nang makita niya si Kristela. “Are you kidding me?” Natatawang lumapit siya rito sabay yakap sa kanyang kapatid, at yumakap din ito pabalik sa kanya. “You miss me, Kuya?” “Of course, Kristy,” masayang tugon niya rito. Natawa naman ito sa kanya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na umuwi ka?” “Biglaan kasing sinabi ni Mommy na kailangan kong umuwi dahil may importante daw tayong bisita. Sinabi ba sa’yo nila Mommy kung sino ang bisita natin?” Umiling siya. “Hindi rin naman nila sinabi kung sino basta importanteng bisita.” Humiwalay ito sa pagkakayakap sa kanya, at bigla nitong napasapo sa noo nito. “I forgot to tell you. Dinala ko rito ang nobya mo.” Napaawang ang kanyang bibig nang makita niya si Nadia na nasa bungad ng pintuan. “Hi,” nahihiyang kumaway ito sa kanya. “Wait! What? How?” Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita ngayon. Nandito si Nadia sa harapan niya. Hinila niya ito papalapit sa kanya, at niyakap ng mahigpit. “Wala ka bang bilib sa akin? Buti na lang wala sila sa ibaba sina Mommy, at Daddy kaya madali ko siyang dinala rito,” nakangiting sabi ni Kristela. He mouthed the words "Thank you" to his sister, and she only gave him a wink. “Bilisan ninyo dahil itatakas ko rin siya papalabas ng bahay,” paalala ni Kristy sa kanila sabay hila nito sa tatlo na nakangiti na nanonood sa kanila. “Huwag na kayong makikiusisa sa kanila. Respect their privacy.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD