NADIA Nakahilig siya sa dibdib ni Dave. Sobrang higpit nang pagkakayap nito sa kanya. "I miss you, babe." Bigla na lang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata nang marinig niya ang mga katagang iyon. Nakaramdam siya ng kirot nang marinig niya ang tono ng boses nito. “Miss na rin kita, Dave.” Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya, at bahagya siya nitong nilayo sa katawan nito. " Ilang araw na akong tumatawag sa'yo, pero hindi mo sinasagot." Nakaramdam tuloy siya ng guilt sa sinabi nito. “I’m sorry, Dave. Ayoko kasing may masabi ako sa’yo noong nakaraang araw. Ayokong umabot sa punto na mag-aaway tayo dahil sa hindi pagkakaintindihan. Gusto ko munang makapag-isip ng ilang araw, at harapin ka. Kaya nandito ako ngayon sa harap mo,” paliwanag niya rito habang nakatitig sa mga

