Prince's POV:
"Ano.. kasi.... Bakit hindi mo ako pinapansin kanina?"
Napatigil ako sa paglalakad. What a stupid question.
"If you just didn't talk to that guy, then there wouldn't be a problem between us." I whispered to myself.
"Huh? Anong sinabi mo Prince?"
"We're almost there. Does it still hurt?"
"Medyo."
Kruuggg~
Hahaha. Tsk tsk. Now I know why she slipped.
"Umboy, marami ka bang alaga sa tiyan mo? You're always hungry."
Bigla siyang bumaba sa likod ko.
"Pagod na ako eh. At saka, hindi mo ba napansin na ang layo na ang nilakad natin?"
I have absolutely no idea that we've been walking for awhile. I was angry. That's why I keep trying to look so busy taking pictures at the scenery of the beach.
"No." I answered.
Kruuggg~
Pft! This girl is really funny.
"Get on my back. We're almost there."
"Ayoko nga. Tinatawanan mo ako eh. Bahala ka nga d'yan." What the- Umboy is really testing my patience.
Ting!
Right. I wonder if you're gonna listen or not if I do this?
"Era, if you don't get on my back in the count of ten, I'm going to carry you whether you like it or not. Your sprain could get worse if you force yourself to walk."
"I. DON'T. CARE. Che." Nagsimula na siyang mag lakad , kahit na nahihirapan na si Era.
"Era, I'm serious."
"Lagi ka namang seryoso. Mag dusa ka d'yan! Wag mo akong kausapin!"
Alright. I have no choice then. Nilapitan ko siya.
"T-teka. Prince! Anong ginagawa mo?!"
"Binubuhat ka. Ano ba sa tingin mo?"
"HOY! Ibaba mo ako."
"A-YO-KO."
At yun, dinala ko na siya sa cottage at dun pinaupo.
"Please bring us some ice." Sabi ko sa waiter.
"Right away, sir." Tumingin ako kay Era.
Nakakatawa yung itsura niya. Hindi siya makatingin tapos ang pula ng mukha niya.
"They'll be serving the food soon. Gutom ka na ba talaga?"
Ellie's POV:
EMEGESH!
Hindi ako sanay kay Frog Prince ng ganito. Pinagtritripan niya lang ba ako?
"They'll be serving the food soon. Gutom ka na ba talaga?"
Tumingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano ako sasagot eh.
Hindi namalayang umiling pala ako.
"Psh. Liar. Buti pa ang tiyan mo napakahonest." He smirked.
Umupo siya at tumingin sa dagat.
"This resort..." tumingin siya sa akin bago itinituly ang sasabihin niya. "this was owned by my dad."
"Ah, okay." Muli siyang tumingin sa dagat.
"They died in a car accident." Nagulat ako sa sinabi niya.
Hala! Kawawa naman pala si Prince. Alam ko ang feeling ng namatayan. Sina mama at papa namatay din eh. Tinitigan ko siya at napangiti ako ng mapait.
"Parehas pala tayo." Tumingin siya sa 'kin.
"Really?" tumango ako.
"Twelve years old ako nung nangyari yun. At nakakatakot kasi nakita ko mismo ang pangyayari sa harapan ko." Bigla siyang muling lumingon sa akin. Nagulat siya sa sinabi ko.
Biglang dumating yung nagseserve ng pagkain namin. Inabot nung isang waiter yung ice kay Prince at nilagyan ng ice ang paa ko.
Ano bang nangyayari sa taong 'to?
"Uh, Prince. Ako na lang d'yan." tumingin siya sa 'kin.
"Tsk! Hold still." Kainis.
Maya maya pa kumain na kami.
"Uhm, uuwi na ba tayo mamaya?" Tumango siya.
Ay. Hindi man lang ako nakapagpicture. Badtrip
"Hey, what's with the face?"
"Tsk. Hindi man lang ako nakapagpicture." Tinapos ko na ang pagkain ko.
Busog na ako.
Click!
Wah!!! Ang sama ni Frog Prince! Stolen shot!
"Ang sama mo." Nilapitan ko siya pero tumayo siya at nagtatakbo.
"Bleh!"
Ang sama talaga!
"FROG PRINCE!"
"UMBOY!"
Ting!
Evil smile
Nung nalapitan ko na uli siya. Hinila ko siya papunta sa dagat. Wahahahaha! Ang epic ang itsura ni Frog Prince.
"Bleh!"
Wahahaha! Mamamatay ako sa katatawa!
"Oh, is that what you want? Take this!" Ay! Takte! Hinila ako!
Basa din tuloy ako.
"Hahahaha. Now we're even." He smiled.
Pigilan n'yo ako. Hindi ako naatract sa smile niya. No, Ellie. Ekis siya! Oo asawa mo siya. Pero hindi ka pwedeng ma fall sa kanya. Very bad yang Frog Prince na yan, Ellie. Oo, beri bad.
Splash!
Splash!
Wahahaha. Even pala ha? Bawi bawi din. Binasa ko siya ng binasa. Lumaban naman si Frog Prince. Para kaming mga sira. Hahahaha
"Aaaahhhh!!!! Prince! Ang sama mo talaga Frog Prince!!!!" Ang daya talaga. Binelatan lang ako tapos tumakbo siya.
"Humanada ka talaga sa akin kapag naabutan kita!" hinabol ko siya.
"Hahahahaha. You're so slow, Umboy. Hahahahahaha."
Humanda ka talaga sa 'kin.
Nung nahila ko yung damit niya, natumba kami parehas at natilamsikan ang mata ko.
"Aray."
Blink
Blink
"Ayan, kulit mo naman kasi." Hinawakan ni Prince yung mukha ko.
"Hindi ako. Ikaw kaya. Aray. Aray." Hindi ko maimulat yung mata ko. Peste naman oh!
Takte!
Binuhat nanaman ako.
"T-teka-"
"Aish! You're so stubborn. You think you can still walk in that state?" Huhuhu. Ang hapdi talaga ng mata ko.
No One's POV:
Sa di kalayuan, nakamasid si Lolo Greg.
"Looks like my work here is done. Uuwi na din ako." Ngumiti siya.
"Chairman" lumapit ang secretary ni Lolo Greg.
"Kyle, mukhang nakita na niya ang kahalagahan ng isang bagay. Ang bagay na hindi niya na kayang bitiwan."
"Chairman, sa nakikita ko po. Mukhang tama kayo."
Ngumiti ang matanda.
'Prince, I hope you understand why I'm doing this. Magiging malinaw din ang lahat sayo sa takdang panahon.'
"Get the car ready. We're going home."
~***~
Habang ipinapasok ni Prince ang gamit nila sa likod ng kotse, si Ellie ang sumagot ng tawag sa phone ni Prince.
"Uh, hello?"
[Ellie, hija. How are you?]
"Lolo Greg? Okay naman po. "
[Where's Prince]
"Uh" Napalingon si Ellie sa likod ng kotse para sana silipin kung tapos na si Prince. "Ipinapasok po yung gamit namin sa kotse."
[Did you enjoy your stay?]
"Oo naman po. Thank you nga po pala."
[Well, that's good then. You don't have to thank me. You both deserve it. Anyway, I'm coming home tonight. Gusto ko lang ipaalam sa inyo.]
"Ah, okay po. Sasabihin ko na lang po sa kanya na tumawag kayo."
[Thank you. Bye.]
"Bye po." She hung up.
"Who was that?" Biglang tanong ni Prince.
"AY PALAKANG PRINCE!" napalingon si Ellie sa bintana.
"Kainis ka Frog Prince! Wag ka namang manggulat."
Umupo na rin si Prince sa driver's seat at tumingin kay Ellie.
"Si Lolo Greg lang yun. Sabi niya uuwi na daw siya mamayang gabi." Ibinigay niya na kay Prince ang cellphone niya.
'Ano ba yan? Para akong asawa talaga? Pati naman cellphone ni Frog prince napakialaman ko pa.'
~***~
Ellie's POV:
Nagkapalit na yata kami ng facial expression nitong si Frog Prince.
Wala akong pakialam. Basta galit ako sa kanya. Hmph!
Bakit kasi stolen shot?! Kainis! Mukha pa naman akong engot kanina. Ahuhuhu. Bad Frog Prince!
"Are you okay, Era?" Huh? Teka.... nag aalala pa rin siya?
"Che! Wag mo akong kausapin! Kasalanan mo 'to! Hindi na ako makakita ng maayos. Malabo na yung paningin ko." Wahahaha. Exaggerated much Ellie? Hahaha. Magpagtripan nga 'tong taong 'to. Pambawi sa pagkakasilam ko kanina.
"Huh?" nakakunot ang noo niya. Hahahaha. Wag ka mag frown. Di bagay sa Frog Prince na katulad mo.
Pinaandar na niya ang sasakyan. Habang nasa daan kami, hindi pa rin kami nag uusap. Nakakainis naman kasi eh. Totoo yung masakit pa rin yung mata ko. Pero yung malabo? Syempre hindi.
Nagising na lang ako na nasa kwarto na ako.
Huh? Pano ako napunta dito? Magic? O nananaginip lang ako kanina?
"Miss Ellie, gising na po pala kayo?"
"Ate Issay" lumapit sa 'kin yung katulong nina Lolo Greg.
"Ayos lang po ba kayo, miss Ellie? Masakit pa rin po ba mata n'yo? Tatawagin ko na po ba yung ophthalmologist?"
Ha? Ano daw? Opthalmologist?
Hahahahaha. Seryoso?
"Ate, sino pong nagsabing may problema ako sa mata?"
"Si young master po kasi, ang sabi tumawag na daw po ako ng doktor kapag may problema pa rin po sa mata n'yo." Hahaha. Ang OA ha? Infairness, may pagka concern pala talaga 'tong si Frog Prince.
Hindi ko mapatigilan ang sarili ko sa pagtawa. Hahaha
"Ah, Miss Ellie? Ano pong nakakatawa?"
"Yung young master mo kasi. Binawian ko lang kanina. Pft! Ang OA ni Prince. Nasan na nga po pala siya?"
"Nasa kusina po, nag luluto." Napatakip sa labi siya sa labi " Patay. Nasabi ko."
Nag-luluto? HALA! MASUSUNOG YUNG KUSINA!
Tumayo na ako at bumaba. Sumilip ako sa kusina. Whew! No sign of sunog na pagkain.
Teka...
"Manang... ganito po ba?"
"Opo young master."
Syete! Kinikilig ako! Nag luluto si Prince. Isang Prince Montereal ang nagluluto sa kusina ngayon.
"O. Gising ka na pala, miss Ellie." Biglang tawag pansin ni manang Fely.
"Hello po, manang!" Lumapit ako sa kanila at sinilip kung ano yung niluluto nila.
Hmmm. Ang bango.
"Adobong manok ba 'to?"
Ngumiti si Manang at tumango.
Napansin kong nakatingin si Prince sa dingding sa bandang kanan niya. Anong tinitingnan niya dun? Kumuha ako ng kutsara at tinikman yung niluluto niya. Ang sarap!
"Wah! Good job, chef!" nag thumbs up pa ako kay Prince.
"Psh. I already took you to your room to let you have some rest. Lumabas ka na naman. Tsk." Tinagtag niya yung apron niya.
O? Anyare dun?
"Tsk. Tsk. Ang batang yun talaga. Miss Ellie, maupo ka na doon sa dining area. Tatapusin ko lang yung niluluto ni young master kanina." Paalis na sana ako nang hindi ko mapigilang magtanong.
"Manang, si... si Prince po ba.... nagpaturo po sa inyo talaga kanina?"
Tumango si manang.
"Maayos na ba ang paningin mo, hija?"
"Ho?"
"Nag aalala kanina si young master kanina. Pero ang sabi ko wag agad tumawag ng doctor at baka gumaling din agad ang mata mo kung magpapahinga ka lang." Ah, kaya naman pala ganun siya kanina nung umalis.
Teka! ANO?! Ano ba talagang nangyayari sa kanya?
Pumunta na akong ng dining area at naabutan ko si Lolo Greg na naghihintay.
"Hi po, lolo." Ngumiti siya sa 'kin.
"O, Ellie. Where's Prince?"
"Ah, baka po nasa kwarto lang." lumabas na si manang at dinala yung adobong manok.
"Adobong manok?" biglang tanong ni lolo Greg
"Opo. Lolo, si Prince po ang nagluto niyan." Nung natikman na ni Lolo, saktong dumating si Prince.
"This is delicious, Prince. Good job." Dumeretso lang si Prince at umupo.
Aba! Gumalang ka naman sa lolo mo. Tsk.
Sipain ko nga ang paa niya sa ilalim ng table.
"Ow!"
Napalingon sa kanya si lolo Greg.
"Uh... I mean, thank you, lolo."
Tumawa naman si lolo.
Pagkatapos naming kumain, natulog na din kami.
~***~
Kinabukasan sa school...
"Don't let yourself get tired again."
Tumango lang ako kay Prince. Ayan na naman siya. Paulit ulit ang paalala sa akin.
"Prince. Nabura mo ba yung mga pictures?" Hala. Tinalukuran lang ako? Bad Frog Prince.
"Prince!"
"What?!"
"Ano? Nabura mo na ba?"
"I don't know what you're talking about." Nilapitan ko siya at pinisil ang dalawa niyang pisngi. Nakakainis naman o! Sasagutin lang yung tanong ko eh!
"Sasabihin mo sa 'kin kung nabura mo o hindi ko bibitawan 'tong pisngi mo? Sige ka, maghihiwalay yang mukha mo."
"Ow! Ow! Alright! I deleted it. Geez." binitiwan ko na rin ang pisngi niya.
Whew!
"Tss. Umboy."
Huh?! Talagang... ARGH!
Umalis na si Prince.
Hmph!
"Ang kapal naman ng face mo para pisilin ang pisngi ng Prince namin."-LJ
"Oh, wow. She's being a flirt now."-Celestine
"I told you to stay away from Prince, right?"- Margaux
Paktay!
Nagpalinga linga ako. Huhu. Wala si ate Tin, my savior!
Ahuhuhu. pinagtutulungan ako ng tatlong 'to. Anong laban ko? tatlo sila, isa lang ako.
"Hey. Are you even listening?"-Margaux
"Teka lang ha. Unang una sa lahat, hindi ko inaangkin si Prince. Okay? Pangalawa, pagmamay ari nyo ba talaga siya? Pangatlo, hindi ko kayo maintindihan kung bakit galit na galit kayo sa 'kin kahit si Prince na mismo ang lumalapit sa akin at nakikipag usap sa 'kin. Pang apat, mga walking CCTV ba kayo o sadyang napakalakas lang talaga ng radar n'yo dahil alam na alam n'yo kung nasaan ng Prince n'yo." Omo! Wrong move Ellie! Paktay talaga! Ayoko pa namang magpanggap na matapang. Deep inside talaga eh, natatakot na ako. Huhu. Help me, ate Tin. Where na you ba? Dito na meeeee
"That's it!"- Margaux
Paktay! Galit na galit siya. Ahuhuhu. Nasan ka na ba kasi ate Tin? Bakit hindi kita makita?
Nung papalapit na silang tatlo, nakatakbo na ako.
Napasinghap ako nang may biglang humila sa akin papunta sa isang gilid at tinakpan ang labi ko.
"Mmm!" Kidnapper!!! Ano ba yan?! Tumakbo na nga ako palayo sa mga yun. Tapos kikidnappin pa ako. Bakit ba napakamalas ko?
"Sssh. Be quiet, Elle." Teka, kilala ko ang boses na yun ah.
Yvo?
Tumingala ako para makita kung sino ang humila sa' kin. Si Yvo nga!
"I guess lagi na tayong magkikita. Maybe we're destined to meet?" He smiled.
Bakit nandito si Yvo?
Dito din ba siya pumapasok?