Chapter Sixteen

2026 Words
Prince's POV: I can't find her. Where's that stubborn girl? Bakit ba kasi wala si Lolo dito at ako pa pinag asikaso ng party niya? Puro associates lang naman niya nandito. Tsk. Isa pa itong si Umboy. Nawawala. Tapos nakita ko na lang kanina na may kasama. At yun pa talagang lalaki na yun! Of all people, why him?! Iniwan ko siya dun sa upuan kasi.... Aaaaaarrrrggghh! Naiinis ako! She's not inside. But something caught my attention. My isang lalaki at isang babae ang palabas ng bulwagan. These two are really getting on my nerves! And that asshole! Ito naman si Umboy pinaupo ko na nga lang sa isang tabi para di na siya pagtinginan ng mga tao tapos sasama pa siya sa ibang lalaki?! Sa lalaking yun pa! I know he's up to something. Fine! Sundan ko na lang sila. Dami mo dada Prince! Para kang babae. So gay! So not you! Psssshhhh. I heard them laughing as I approached them. "Well, I guess you're enjoying yourselves here." Nakakainit naman talaga kasi ng ulo. "Ah Prince andyan ka pala. Kanina ka pa ba dyan?" tanong ni Umboy. "No, just enough to hear you were enjoying yourselves." "You know, dude, it's bad to eavesdrop." "I'm not eavesdropping on you. I can clearly hear your loud voices inside. And don't call me dude! We are not even close."-me "Yes, you did." He's really getting into my nerves. Kapag ako hindi nakapagpigil! "Era, Let's go!" Natakot yata si Era. Bigla kasi siyang tumago sa likod nito. " Whoa. Easy there tiger. You know Prince, if I were you I would not scold or yell at a beautiful lady. Someone like right behind me." He's talking about Era. I know! Sa'yo lang naman nag iinit ulo ko eh! Aish! I can't stand this guy anymore. "Let's just go now, Era. Please." As I was holding Era's hand, I can feel her trembling. Then someone grabbed my hand. Wala na sabi ko na eh warning na yun kaya di ko na napigilan. I punched him. At bumawi siya. BOOGSH BOOGSH BLAG! BOOGSH "Ano ba kayong dalawa? Tama na!" Era was trying to stop us and shouted. BOOGSH BOOGSH BLAG! "I said stop! Sige na sasama na ako. Let's go, Prince!" Ayan sasama ka din pala kailangan pa makipagsuntukan pa ako? Pero bago kami umalis tinulungan muna niya makatayo si Yvo. I can't stand it. "Let's go!" No one's POV: Mula sa malayo ay may dalawang pares ng mga mata ang nakamasid sa kanila. "Hahayaan mo na lang ba magaway ang dalawang iyon? Aba! Baka magkasakitan sila ng todo." "Let them be. Para magising na sa katotohanan ang apo ko." "I don't know what you're up to. But I'm just hoping hindi mapapahamak ang apo ko. Alam kong di ako naging mabuting lolo sa kanya. But I'm trying to fix things." "I promise, hindi mapapahamak ang apo mo. Trust me. Gusto ko lang malagay sa kukote ng apo ko ang ma bagay bagay. Matanda na ako at kapag kami naman ang nag-uusap lagi lang kaming nagbabangayan. He doesn't listen. This time, I think he will start to learn how to handle things from now on. His marriage and his wife." "So you were saying makakatulong ang apo ko sa ginagawa mo ngayon sa apo mo?" "Yes. And I assure you sa bandang huli pasasalamatan mo din ako. Let's just enjoy watching them from afar."                                                                                   ~***~ Ellie's POV: Nakakahingal naman itong paghabol ko kay Prince! "Teka hintayin mo naman ako, Prince!" Kaso wala na nagsara na yung elevator! Kakainis! Problema ng palakang yun? Syete naman eh. Ang laki ng problema ko! Bakit? Eh kasi di ko alam saan ako pupunta! Hello! Kinaladkad lang ako ni Prince dito! Ni hindi ko nga alam kung nasaang lugar kami eh! Gusto ko sanang balikan si Yvo. Nakakaawa kasi. Puro dugo yung labi niya. Pero kailangan ko ding habulin ang asawa ko. Pero paano ngayon? Di ko alam kung saan siya pupuntahan. AAAAAHHHHH! Letsugas ka talaga Frog Prince! Whattodo?? Whattodo? TIIIIING! Nagulat ako nang bumukas ang elevator. Teka, di ko naman pinindot yung button ah! Napalingon ako sa button ng elevator. Minumulto ba 'to? "Get in" May nagsalita! Eeeeepppp! "Ano ba, Umboy!" Ay palaka mo! Si Prince pala! Teka binalikan niya ako? Waaaaahhhhhh! Ang sweet niya! "Aray! Ano ba, Umboy! Masakit yan ha!" Pinisil ko lang naman ang pisngi niya. "Ah..eh.. Sorry. Kala ko kasi namamalikmata lang ako. Ikaw naman kasi. Teka, bakit ka ba nag walkout? Jusko! Ang bilis mo pa maglakad!" Hindi na siya sumagot. Nakatungo lang siya. Nakapikit ang mga mata. At teka may dugo siya?! At sa labi din? "Teka. Prince may sugat ka!" Pero tinapik niya lang kamay ko. "Hayaan mo na. Malayo sa bituka ito." "Sus! Kahit na no. Gamutin natin yan pag uwi natin." "We're staying." "Huh?" "I mean we're not going home. Lolo said we are free to have a vacation here. And I will grab it. So that the both of us can relax." TIIIINNGGG! "We're here." "Seryoso?" "Do I look like I'm joking?" Ay hindi nga. Hehe naman kasi! Process... Vacation Process... Relax Process... Only us Process... Teka, hindi ba honeymoon ang tawag sa ganito? Waaaahhhh!!!! No! No! No! Ekis! Erase! Engot ka, Ellie! Vacation lang! Layo naman agad ng nasa isip mo! Honeymoon kaagad?! Eh di pa nga kayo official na naikakasal sa simbahan eh! Tssskkk. Sinundan ko siya maglakad. Nakarating kami sa isang suite. Ang laki! Nasan na ba ako? Parang kwarto 'to sa isang magazine na nakikita ko ah. Yung magazine sa bahay nila Prince. May Flat screen TV kaharap ng kama. Tapos may isang sofa bed din dun. Para ngang magkadikit lang ang living room at kitchen. tas may bedroom. Malamang Ellie, mag isip ha! Teka.... . . . . . . . Iisa lang yung kama?! May mali! "Teka! Iisa lang ang kwarto?" "Looks like it." Nakita ko siyang umiiling. Nanlaki ang mata ko! Don't tell me?! "Hindi pwede ang gusto mo Prince! No as in No! Babae pa rin ako!" Nakakapanggigil siya! Nakakainis! Ayoko lang naman sa gusto niyang mangyari. "Masasanay ka din, Umboy." "No! Di talaga pwede yang gusto mo! Sasakit katawan ko!" "No it won't. Trust me." "Prince hindi pwede! I'm not used to it!" "Phew! Don't tell me?!" Nagtataka siya. Hello?! Hindi porket hindi niya ako kasing yaman sa sofa na niya ako patutulugin! "Maging gentleman ka naman Prince! Kababae kong tao sa sofa mo ako patutulugin?!" Nakakainit ng dugo ha! Sa hinabahaba ng aming pagtatalo wagi pa rin ako! Mehehehe! Ito na ako ngayon sa loob ng room. Kakatapos ko lang magwash. Nakapagpalit na rin ako ng pajamas ko. FLASHBACK Tinulungan kong tumayo si Yvo. Tsk tsk. Kawawa naman siya. Ano ba kasing problema ni Frog Prince? "I told you he's jealous!" "Ano ba, Yvo? Nasuntok ka na nga yan pa sinasabi mo." Grabe itong lalaking 'to. "No. I'm serious, Ellie. He really is. Pupusta ako sa'yo." "So, nagsusugal ka na ngayon?" "No. I'm telling the truth. Nagseselos siya." END OF FLASHBACK Si Prince selos? Pero bakit? Sa pag iisip ko nakatulog na ako. ~***~ Kinabukasan, nagising dahil sa sinag ng araw. Nakakasilaw. Teka. Nakabukas pala yung bintana eh! Ay wow! May veranda! Lumabas ako at sumilip. Inhale Exhale Wah! Ang ganda dito! Kitang kita yung dagat mula dito. Tapos kulay asul pa yung dagat. Ang ganda talaga. Kaya siguro Prince Azul yung pangalan ng resort. Kasing asul ng dagat. Hindi nakakasawang tingnan Napapikit ako at nilanghap uli ang hangin. Hmmmm... Bango! Ang bango talaga! Di ko mapigilan kumakalam naman sikmura ko sa amoy. Teka. . . . . . . . Ano yun? Hot choco? Nakakamiss ang amoy yun. Sarap uminom kapag malamig ang paligid. Presko pa hangin! Wooooh! Dito na lang ako. Lalo na kung nandito ka sa tabi ng dagat at umaga pa. Kailan kaya ako makakatikim ng hot choco? Wah! ANG BANGO TALAGA NG CHOCOLATE! Saan nanggagaling yun? Iminulat ko ang aking mga mata. Kaso, nagbagsak-balikat ako nang maisip kong wala naman kaming room service na nirequest? Unless si Prince- Napailing ako ako sa naisip ko. Imposible! Siguro sa baba yun. Baka dun sa resto galing? Lumabas na lang ako ng kwarto, wala na kasi si Frog Prince eh. May sugat pa naman yun kagabi. Hindi ko nagamot. WAH! Lalong lumakas yung amoy ng chocolate. Pumunta ako sa may kusina. Kikiligin ba ako o hindi? Pano ba naman kasi... Si Frog Prince lang naman ang nagluto ng pagkain namin. "O, Era. You're awake. Let's eat." Tumango ako at lumapit. Pagkaupo ko sa dining area. Bacon? Eggs? Pancake? Hala! Marunong na mag prito si Prince? At saka.....Hot choco my loves!!!! "Wah! Marunong ka na magluto? Galing naman!" "Psh. Kumain ka na lang. Pupunta tayo sa beach mamaya." Pakiulit? Beach daw? YEY!!! "Itikom mo nga yang bibig mo. Baka pasukan ng langaw." Ay. Ke aga aga. Ang init ng ulo "Infairness Prince improving ang cooking skills mo! Fast learner ka pala eh." I smiled at him. "I didn't." "Ha?" "I didn't cook these food." "Eh sino?" Don't tell me may kasama kami dito? "This is a resort. They are entitled to serve breakfast, lunch and dinner here. And because I am the grandson of the owner, they must satisfy my stay here or else they're fired." O, ano ka! Yun naman pala eh. Bakit ba di mo kaagad naisip yun? Enebe. Sorry ha? Perstaym! Perstaym! "Ah. Hehe ganun ba?" "Just eat. After breakfast, we'll leave." Sabay na kami kumain.                                                                                  ~***~ Nakakapagod maglakad ha. USO ding MAGPAHINGA Frog Prince. Kanina pa siyang picture ng picture. Hindi niya ba naaalalang may kasama siya? Hindi niya ba napapansin ang layo ng nilakad namin? "Prince." Ano bang nagawa ko at parang galit nanaman 'tong si Frog Prince? Hindi ako pinapansin eh. "Prince!" Ay, syete! Pumikit ako at huminga ng malalim. Kalma ka lang Ellie. Ang puso baka malaglag. Ha? Nalalaglag na pala ang puso kapag galit? Umiling ako. Nababaliw na ata ako. Muling kong tiningnan si Frog Prince. Mahabang pasensya, Ellie. NPAKAHABANG PASENSYA. Click! Click! Galit nga yata. Pft! Hahahaha. Nagselos ba siya kagabi? Ang asawa ko, nagseselos? Ay, shunga! Bakit yun ang iniisip ko? Hala!!!! I'm telling the truth. Nagseselos siya. . . . . . . I'm telling the truth. Nagseselos siya. Napailing na naman ako. Hindi Ellie. Napakaimposible talaga nun! Bakit naman siya magseselos? Ni hindi niya nga ako gusto di ba? Hindi ko din naman siya gusto. Hala! Anong nangyayari sa 'kin? Kasi naman si Yvo eh! Kung anu-anong pinagsasabi. Pumupusta pa. Gambler ba siya? Anyways, pagod na talaga ako kakalakad. "Prince, Hindi ka ba napapagod?" "No." Ay!Ang bait! Nice one, Frog Prince. Di man lang inaalala ang kasama. "Ah okay." "If you're tired then go back to our hotel room, Umboy." Umboy word nanaman. "Ah, hindi. Sasamahan na lang kita dito." "Okay, suit yourself then." Click! Click! Itinuloy ko na lang ang paglalakas lakad at pagmumuni muni, nang biglang... Slip "Aray!" Ano ba yan? Sobrang pagod na kasi yung paa ko. Tuloy nadulas ako at napaupo sa sobrang sakit. "ERA!" nagtatakbo papunta saken si Prince. "Tsk. Sabi ko naman kasi sayo mauna ka na eh." Blink Blink Prince? Ikaw ba yan? Sinasapian ka nanaman? Hinawakan niya yung kanan kong paa. Wag yan, masakit d'yan sobra! "Aray! Aray!" "Masakit?" Tumango na lang ako. Kapag sinagot ko 'tong taong to baka mag away nanaman kami. Nakakasawa din kaya. "Bakit ba kasi ayaw mong bumalik dun?" Nagpout ako bago sumagot. "Ang boring naman kasi dun eh. Wala akong magawa. Wala din akong kasama." Bigla niyang ginulo ang buhok ko. Napatingin tuloy ako sa kanya. Kanina kasi nakatungo na ako sa sobrang hiya. "Idiot." He smiled. Tapos tumalikod siya sa 'kin. "Ride on my back." Seriously? Leche Flan! Kinikilig ako!!! Hala! Ano nanamang iniisip ko? Erase, Ellie! Erase! "Move it, Umboy." kanina may patawag tawag ka pa ng Era. Ngayon, Umboy na naman. Yung totoo, galit ka ba o hindi? Sumakay na ako sa likod niya. Nagpatuloy na siya sa paglalakad. awkward silence "Prince." "O?" "Ano.. kasi.... Bakit hindi mo ako pinapansin kanina?" hindi ko na napigilan eh. Bigla siyang tumigil sa paglalakad. "adgfhsghagsyagsaggahghasssh." Huh? Ano daw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD